Chapter 12

66 2 0
                                    

HINDI alam ni Riley kung ano ang pumasok sa isip niya at nagawa niyang i-goodtime nang ganoon si Drew Siguro ay dahil naa-amuse siya sa tila pag-iwas nitong mapalapit sa kanya. He enjoyed teasing her. Dahil lalong gumaganda ito kapag gusto na nitong tarayan siya at pinipigilan pa rin nito ang sariling gawin iyon.

Ngayon ay alam na niyang nasusundan pala nito ang bahagi ng buhay niya sa diyaryo at magazines. Ang tingin nito sa kanya ay mapaglaro sa babae kaya ganoon na lamang ang inis nito sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi dahil eksaherado ang mga naisusulat sa kanya. May babaeng mapadikit lang sa kanya ay iniisip na agad ng press na bagong fling niya iyon.

"Sige, hijo, ituloy mo yang hindi pagseseryoso sa babae at nang mahirapan ka sa pagpapaliwanag sa mga iyon kapag natagpuan mo na ang babaeng tunay na pupukaw ng atensiyon at puso mo."

Biglang sumalit sa kanyang isipan ang sinabing iyon ng mama niya. Mukhang nagkatotoo na iyon, dahil aaminin niyang napukaw ni Drew ang kanyang atensiyon. At may pakiramdam siyang noon pa nito napukaw ang atensiyon niya. Ngayong gusto niyang totoong magpa- impress sa isang babae ay hindi naman niya magawa- gawa dahil sa simula pa lamang ay bad shot na siya rito.

At dahil iwas sa kanya si Drew ay ibang paraan na lamang ang ginawa niya. Pino-provoke niya ito upang mag-react ito sa kanya. Katulad na lamang ng ginawa niya rito kanina. Through the years, he had seen Drew on certain occasions. At sa bawat okasyong iyon ay hindi pa nangyaring hindi nito nakuha ang atensiyon niya. May mga pagkakataon pa ngang gusto niyang lapitan ito. Ngunit hindi niya magawa dahil nababasa niya sa mukha at gesture nito na hindi nito iwe-welcome iyon. Nagtataka siya dahil parang nagawan niya ito nang hindi maganda.

Ngayon ay nakumpirma na niya ang dahilan sa likod niyon. Drew disliked him because she thought he was a heartless womanizer. Hindi naman niya maaaring ikaila na wala pa siyang naging seryosong relasyon. Lahat ay panandalian lamang. Ngunit hindi naman niya matatanggap na manloloko siya dahil wala pa siyang nilokong babae.

Alam niyang maraming gustong sumilo sa kanya kaya maingat siya. At hindi dahil iyon sa personality niya o dahil mahal siya kundi dahil sa impluwensiya at pera niya. Nahihirapan siyang hanapin kung sino ang magiging tapat sa kanya. Kaya lahat ng relasyon niya ay walang commitment at hindi tumatagal.

Akala marahil ni Drew ay nag-e-enjoy siya sa ganoong setup. Kung alam lamang nito na gusto rin niyang mahanap ang babaeng magmamahal sa kanya bilang siya at hindi dahil sa laman ng pitaka at bank account niya.

In his heart, malalaman niya kung natagpuan na niya ang babaeng para sa kanya. Sigurado siya roon.

Nang muling lingunin niya ang katabing dalaga ay saka lamang niya napunang nakatulog na pala ito. Marahil ay napagod ito kaya nakatulog. Muling lumakas ang ulan.

Palipat-lipat ang tingin niya sa daan at kay Drew Napapangiti siyang habang pinagmamasdan ang dalaga. Ni walang makeup ito. Natural na mamula-mula ang mga labi at pisngi nito.

Lovely, he thought.

Sanay siya sa mga babaeng palaging naka-fully made- up, sa mga babaeng mahahaba at may kulay ang mga kuko, at sa mga babaeng puno ng accessories ang katawan. And he liked those kinds of women. Ngunit ipinakita at ipina-realize sa kanya ni Drew na iba pa rin ang natural na ganda. Na tila confident itong maganda ito kaya hindi na nito kailangan pa ng tulong ng maraming kolorete sa mukha.

Nang dumako ang tingin niya sa maiikli at malinis na mga kuko nito ay muli siyang napangiti. Her hands looked so soft. Gusto niyang hawakan ang mga iyon at idampi sa kanyang pisngi. Nang umakyat ang tingin niya sa bahagyang nakaawang na mga labi nito ay bumalik sa a isip niya kaninang magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila.

Katakut-takot na pagpipigil sa sarili ang kinailangan niyang ipunin upang magawa niyang ilayo ang mukha at katawan dito. Ngunit bago iyon ay pinagsawa niya ang mga mata sa maganda at maamong mukha nito. Tila ngayon ay saulado na niya ang hugis ng mga mata nito, ilong, at mga labi.

Masuwerte ang magiging nobyo nito. Ang pagkakaalam niya ay walang nobyo ito. Ngunit alam din niyang tatlong taon ang naging relasyon nito at ng dating nobyo nito na hindi na niya matandaan ang pangalan. Alam niya ang tungkol doon dahil naikuwento iyon sa kanya ni Tita Eva.

Iyon ay nang maihinga ni Tita Eva sa kanya ang pag-aalala nito para kay Drew. Labis daw na nagdusa ang dalaga nang masira ang relasyon nito at ng dating nobyo. Ayon pa kay Tita Eva, nahuli raw ni Drew ang ex-boyfriend nito sa piling ng ibang babae. Bukod doon ay bukas din sa kaalaman niya na hiwalay ang mga magulang nito dahil sa pagiging babaero ng ama nito.

Bakit nga ba ngayon lamang niya napagtagni- tagni ang lahat? Malaki ang disgusto sa kanya ni Drew dahil iniisip nitong wala siyang ipinagkaiba sa ama at saex-boyfriend nito. Kaya ganoon na lamang ang talim ng tingin nito nang ibigay niya ang pangalan ng mga tita niya sa bawat araw upang padalhan nito ng bulaklak. Sinadya niya iyon upang makita ang magiging reaksiyon nito.

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon