Inisip nitong babae niya ang lahat ng mga pangalang ibinigay niya rito. Napangiti na naman siya dahil sa isiping iyon. Kung siya ba ang naging nobyo ni Drew ay magagawa niya itong lokohin at ipagpalit sa iba?
Bago pa man niya masagot iyon ay nauna nang sumagot ang puso niya. Hindi, bulong niyon. Taliwas sa kaalaman ng marami ay hindi totoong palikero siya. Kilala niya ang sarili. Kung kikilalanin lamang siya ni Drew nang lubos ay malalaman nitong hindi totoo ang lahat ng nasusulat sa diyaryo at magazines patungkol sa kanya.
Nauwi sa pagiging pilyo ang pagngiti niya nang maalalang natuklasan nga pala nito ang naganap noon na pagsasabunutan ng dalawang ex-girlfriends niya na pinagsabay niya. Well, dala lamang iyon ng kanyang kabataan. Isang bagay iyon na hindi na naulit pa. Besides, hindi naman seryoso ang naging relasyon niya sa mga iyon.
"And that gives you the right to fool them?" Parang naririnig na niya si Drew na iyon ang sasabihin sa kanya.
Natigil sa paglalakbay ang isip niya nang marinig niyang tila umungol si Drew. Nilingon niya ang dalaga. Nakita niyang bumibiling-biling ang ulo nito na wari ay nananaginip ito at hindi maganda ang panaginip na iyon.
"Drew?" mahinang wika niya. Nang muling umungol ito na tila nahihirapan ay nilakasan na niya ang pagtawag sa pangalan nito at tinapik-tapik niya ang braso nito.
Nang hindi pa rin ito magising at nakita niyang tumulo na ang luha sa gilid ng mata nito ay nagpasya na siyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng daan.
"Drew? Drew?" sunud-sunod na tawag niya rito. Nilakasan niya nang bahagya ang pagyugyog sa braso nito. "Drew!" mas malakas nang tawag niya rito. Hindi na kasi niya matiis ang paghihirap na nakikita niya sa mukha nito.
"A-Albert..." anas nito.
Natatandaan na niya ngayon na "Albert" nga ang pangalan ng dating nobyo nito.
Pagkatapos ng muling malakas na pagtawag niya rito ay doon pa lamang ito nagmulat ng mga mata. Tila hindi pa ganap na nagigising ang diwa nito dahil patuloy sa pagtulo ang mga luha nito.
"Drew, it's all right, it's all right. I'm here. You're not alone..." masuyong wika niya rito.
"It's not m-my f-fault..." garalgal na wika nito sa kanya. "It's not my f-fault. I'm... I'm not frigid. You have to believe me..."
Nagulat siya sa sinabi nitong iyon. Kinabig at niyakap niya ito. Isinandal niya ito sa kanyang dibdib habang masuyong hinahagod niya ang likod nito.
"Sshh... Tahan na... Panaginip lang iyon," pag-aalo niya rito. "No. It's not a dream. It happened..." Pagkatapos
ay naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Sshh... Kung nangyari man iyon ay tapos na. You're okay now. Kasama mo ako. At hindi ako papayag na may mangyari sa iyo," paniniyak niya rito kahit hindi pa niya alam kung ano ang kabuuan ng panaginip nito.
Ang tanging hangad niya nang mga sandaling iyon ay pumanatag ang kalooban ni Drew at makalimutan na nito ang panaginip nito na halatang nagpapahirap sa kalooban nito.
And she mentioned about being frigid. Sino ang nagsabi niyon dito? Gusto niyang malaman ang sagot sa maraming tanong sa isip niya. But in the meantime, si Drew muna ang mahalaga. With that in mind, he held her tighter.
"ARE YOU okay now, Drew?" masuyong tanong sa kanya ni Riley nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Siya na lamang ang nakatira sa bahay na iyon ni Tita Eva at isang kasambahay.
Tumangu-tango siya. Kung bakit naman kasi mananaginip na lamang siya ay sa loob pa ng kotse nito at naroon pa ito upang saksihan iyon. Matagal na niyang hindi napapanaginipan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Albert. Anim na buwan din siyang pinahirapan ng panaginip na iyon pagkatapos nilang maghiwalay. Ngayon na lamang siya muling dinalaw ng panaginip na iyon.
"Can I ask you a question?" tanong nito pagkaraan. Kaninang pagkatapos siyang mahimasmasan ay hindi siya tinanong ni Riley. Muling nagmaneho ito at hinayaan lamang siyang makapagpahinga hanggang sa makarating sila sa Maynila at maihatid siya nito sa bahay. Alam niyang marami itong gustong itanong. Kaya hindi na niya ikinagulat ang sinabing iyon nito.
Isang tango ang isinagot niya rito.
"You... you mentioned about being frigid. Sino'ng... sino'ng nagsabi sa iyo n'on? Habang nananaginip ka ay nabigkas mo ang pangalang 'Albert.' May kinalaman ba siya sa panaginip mo? He is your ex-boyfriend, right?"
"Yes. May kinalaman siya sa panaginip ko. About... about that frigid thing, he was the one who told me that after I... after I found him in his office making out with a colleague," dire-diretsong wika niya.
"Bakit ka niya kailangang sabihan ng ganoon?" seryosong tanong nito. Nagsalubong ang mga kilay nito na tila galit. "Siya na nga ang nanloko sa iyo,"
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romansa|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...