"Iyon ang tingin niya sa akin dahil..." Napahinto siya. Hindi niya malaman kung itutuloy pa ba ang sasabihin. Masyado kasing personal iyon at kahit kay Tita Eva ay hindi niya iyon naikuwento. Sinarili niya ang sinabing iyon ni Albert. At may mga pagkakataong tila gusto na niyang paniwalaan iyon.
"Drew, you can trust me," mahinang wika ni Riley sa kanya.
"Albert told me I'm frigid because the whole three years of our relationship I didn't allow him to... to..." Napatingin siya rito nang hindi niya matapos ang sasabihin.
"To make love to you." Ito na mismo ang nagdugtong sa hindi niya magawang sabihin.
"Y-yeah... Exactly..." sang-ayon niya.
"Ang kapal naman ng mukha ng gagong iyon," ani Riley.
Nararamdaman niya sa tinig nito ang galit at iritasyon. "Pagkatapos niyang magloko ay sa iyo niya ipapasa ang sisi. Don't tell me naniwala ka naman sa sira-ulong iyon?"
"For... for a while I did," aniya.
"What? You can't believe that jerk."
"Paulit-ulit na naririnig ko sa isipan ko ang mga sinabi niya, hanggang sa panaginip that I was cold and incapable of passion; that there is something wrong with me. Na walang lalaking matutuwa kapag nalamang... kapag nalamang wala pa akong karanasan..." Hindi niya alam kung bakit nagawa niyang ipagtapat dito ang lahat ng tungkol doon kasama na pati ang takot niya. Hindi niya alam kung bakit kay Riley pa niya iyon napiling sabihin.
Napailing-iling ito. "That jerk is sick. It's obvious na gusto lang niyang i-justify ang ginawa niyang panloloko sa iyo. Drew, it's your prerogative if you want to take care of yourself the way you did. Kung pinili mong maghintay at huwag ibigay ang sarili mo kay Albert, it's your choice. At hindi ka dapat sisihin dahil doon. Kung mahal ka talaga ni Albert ay iginalang niya ang desisyon mo hanggang sa maramdaman mo ang tamang panahon kung kailan mo ipagkakaloob ang sarili mo. But it turned out he's a jerk after all. At hindi mo dapat sisihin ang sarili mo dahil doon."
"Yeah, I know that. Thank you. I needed to hear that..." Pinangiliran siya ng mga luha.
"O, huwag ka nang umiyak. I hate it when I see someone cry, especially women. It makes me want to make everything all right for them. It makes me want to do right... for you," anito habang nakatitig sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi nito. "Kaya nga gustung- gusto ka nila, eh," natatawa nang wika niya.
"Ouch! Anyway, I'll take that as a compliment."
Muli siyang napangiti. "I'm such a crybaby," aniya nang maalalang napaluha siya sa harap nito kanina. Ngunit sa halip na matawa ay naningkit ang mga mga nito at nagsalubong nang husto ang mga kilay. "He hit you back?"
"Oo. Pero nakaganti naman ako kaya-"
"Sira-ulo pala talaga ang lalaking iyon, eh!" galit na sabi nito. "Kalalaki niyang tao ay nagawa ka niyang pagbuhatan ng kamay! Saan ba banda 'yong law firm na dating pinasukan mo?" tanong pa nito.
"S-sa Ortigas, bakit?"
"Madalaw nga minsan ang Albert na iyon. Gusto ko lang ipaalam sa kanya kung paano ang tamang pagtrato ng babae."
"Naku, hayaan mo na iyon. Matagal nang nangyari iyon. At hindi naman niya ako naisahan, eh."
"Kahit na. Malaki pa rin ang kasalanan niya."
Napatitig siya sa mukha nito. Sinserong concern ang nabasa niya roon. Talagang nagalit ito sa nalamang pisikal na pananakit sa kanya ni Albert. May kung anong malamig na bagay na humaplos sa kanyang puso dahil sa concern nitong iyon.
"Ngayon ay hindi na talaga ako nagtataka pa," nakangiting wika niya.
"Na ano?" nakakunot-noo pa ring sabi nito. Halata pa ring inis ito.
"Na hinahabul-habol ka ng mga babae. Ngayon ay alam kong hindi lang pera mo ang dahilan kundi dahil very gentleman ka pala," puri niya rito. Hindi niya inaasahan ang labis na pamumula ng mukha nito dahil lang sa sinabi niyang iyon. Kaya naman tawa siya nang tawa at katakut-takot na kantiyaw ang inabot nito sa kanya. Nang gabing iyon ay nabuo ang isang pagkakaibigan sa pagitan nila ni Riley. Tila nabago ang tingin niya rito.
Tama nga yata ang Tita Eva niya. He wasn't that bad after all. Babaero pa rin ang tingin niya rito pero alam na niya ngayon na hindi nito kayang manloko at manakit ng babae nang sinasadya.
Babaero pa rin, bulong ng kontrabidang bahagi ng isip niya.
Hindi na niya magiging problema pa iyon dahil hindi naman niya magiging nobyo si Riley. Bukod doon ay imposible namang magkagusto ito sa kanya. Ang mahalaga ay magkaibigan na sila.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...