"ATTORNEY Beltran?"
Nahinto si Albert sa gagawing pagsakay sa kotse nang marinig niyang may tumawag sa kanya. Madilim ang mukhang nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Mainit ang ulo niya dahil nang gabing iyon ay lalo siyang nabaon sa pagkakautang. Inakala niyang makakabawi siya sa casino ngunit minalas na naman siya.
Ang pagsusugal ang isang bagay na hindi niya matanggal-tanggal sa katawan at kahit ang dating nobya niyang si Drew ay hindi iyon alam.
Nakaramdam siya ng pait nang maalala niya si Drew. Mula nang makipaghiwalay ito sa kanya ay nagkasunud- sunod na ang kamalasan sa buhay niya.
Hindi tumagal ang affair nila ni Atty. Ojeda dahil hindi naman pala ito seryoso sa kanya. Isa lamang siya sa naging affairs nito na nang pagsawaan ay sa iba naman sumama. Isang pamilyado at mayamang businessman ang kasalukuyang kalaguyo nito.
Ang pagkakahuli ni Drew sa kanila ang isang bagay na pinagsisisihan niya hanggang ngayon. Dahil doon ay pinakawalan niya ang isang matinong babae. Isang babaeng lalong gumanda ang kabuhayan at ang career, habang siya naman ay unti-unting nagiging miserable ang buhay dahil sa sugal.
Just a week ago ay tinawagan niya si Drew, hiniling niyang makipagkita ito sa kanya. Nang tumanggi ito ay paulit-ulit pa rin niya itong tinawagan at kinulit. Gusto niyang makipagbalikan dito. Gusto niyang bumalik uli sa tamang direksiyon ang buhay niya.
"Attorney Albert Beltran, right?" bigkas ng lalaki sa buong pangalan niya habang palapit ito sa kanya. Mas matangkad ito sa kanya. Tulad niya ay nakaamerikana rin ito. Iyon nga lang ay malinis na malinis itong tingnan kompara sa kanya na nakainom at wala na sa ayos ang damit.
Pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi lamang niya matandaan kung saan niya ito nakita.
"What is it to you if I'm Attorney Beltran?" nakakunot-noong tanong niya rito. The man was Intimidating. His presence spoke of authority and influence. Ngunit hindi niya gustong mahalata nitong nai- intimidate siya rito.
"I'm Riley Agustin, Attorney," pakilala nito sa kanya.
Doon na niya ito lubos na nakilala. Ito si Riley Agustin na CEO ng Agustin Group of Companies. Madalas itong mai-feature sa diyaryo at magazines hindi lamang sa galing nito sa pamamalakad ng kompanya ng pamilya nito kundi dahil isa ito sa most sought-after bachelors sa bansa.
Nabuo sa isip niyang pulos papogi lamang ito, na wala itong alam at nagkataon lang na mayaman ang pamilya nito. But looking at him up close, he could tell he was a somebody. It was in the way he walked and carried himself.
"Right, right," agad na wika niya. "Riley Agustin, yes, I know you; Sir." Hindi naman niya gustong makabangga ang katulad nitong maimpluwensiyang tao kung ipagpapatuloy niya ang magaspang na pakikiharap dito.
Isa pa, pending ang loan niya sa bangkong pag-aari ng mga ito. Baka kapag magkamali siya ay mapurnada pa ang loan niya. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit mukhang sinadya siya nito. Imposibleng kukunin nito ang serbisyo niya bilang abogado dahil alam niyang marami itong abogado na de-kalidad.
"What can I do for you, Mr. Agustin?" tanong niya rito.
"I know about your gambling habits and the extent of your obligations. I mean, money obligations, Attorney Beltran. I am also aware that you applied for a loan in one of our banks."
Nagulat siya sa mga sinabing iyon ng lalaki. Hindi niya mapaniwalaang alam nito ang tungkol sa mga bagay na iyon. What does this man need from me?
"Mayroon lang akong kailangang gawin kaya kita ipinahanap at ipinaimbestigahan, Attorney Beltran." patuloy nito.
"Ano iyon?" tanong niyang nakaramdam ng kaba. "Simple lang," anitong lumapit pa sa kanya. "Ito..." Bago pa siya makahuma ay sinuntok siya nito nang malakas sa kanyang mukha, na sinundan pa nito ng isa.
Hinayaan nitong makatayo siya upang makalaban siya. Sa galit niya ay agad na sinugod niya ito ng suntok. Ngunit mabilis itong nakailag kaya muli siyang umani ng suntok mula rito. Mukhang mas galit ito kaysa sa kanya. Halata ring tila bihasa ito sa pakikipagsuntukan.
"Boss, tama na, tama na!" aniya, sabay takip sa mukha niya nang bumagsak siya at umakto pa itong uundayan siya ng suntok. Laking pasasalamat niya at hindi na nito itinuloy pa ang gagawin. "Ano ba'ng ginawa ko sa iyo? Wala akong natatandaang ginawa para gawin mo ito," dagdag niya, sabay pahid sa dugo sa gilid ng pumutok niyang labi.
"Tama ka," wika nitong puno ng galit ang mukha. "Wala ka ngang atraso sa akin. Pero kay Drew Antonio, mayroon! Palalampasin ko na sana ang ginawa mo sa kanya noon ngunit nalaman kong tinatawag-tawagan mo siya ngayon. Kung anuman ang binabalak mo'y huwag mo nang ituloy dahil may paglalagyan ka sa akin. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo."
"Opo, opo, Boss," aniya.
"Hindi mo alam ang kaya kong gawin, Attorney Beltran. I can destroy you. So if I were you, I would stay out of Drew's way. At sa susunod, matuto kang gumalang ng babae, gago ka!"
"I swear I'll leave Drew alone from now on. I won't even call her up anymore..." aniya dala ng takot.
"Good. Nagkakaintindihan naman pala tayo."
Laking pasasalamat niya nang tumalikod na ito. Inilibot niya ang tingin. Nag-aalala kasi siyang baka mga bodyguards nito ang tumapos sa kanya.
Ngunit natanto niyang nag-iisa lamang ito. "Sino ka sa buhay ni Drew?" nagawa pa niyang itanong dito nang tuluyan siyang makatayo.
"I'm her man," maikling tugon nito at sumakay na ito sa kotse nito.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romantizm|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...