NAPAKUNOT-NOO si Drew nang makita niya ang larawan ni Riley sa society page ng broadsheets. May nakaangkla ritong isang magandang babae. At kuha pa iyon sa Hong Kong kung saan ito nagkaroon ng out-of- the-country meeting.
HOTTEST BACHELOR'S LATEST SQUEEZE! Iyon ang titulo ng artikulo patungkol sa binata. Ang aga-aga ay tila pinainit niyon ang ulo niya. Tatlong araw ding hindi sila nagkita ni Riley dahil sa meeting na iyon. Ngayon pa lamang uli sila magkikita kapag pumasok ito sa umagang iyon.
Pinakatitigan niya ang babaeng kasama ni Riley. Isa raw itong international model. Kung bakit magkasama ang dalawa at nakuhanan pa ay hindi na niya alam.
"Katulad ng sinabi ko na sa iyo noon pa, hindi mo dapat paniwalaan ang lahat ng balitang nababasa mo tungkol sa akin."
Kamuntik pa siyang mapaigtad nang marinig ang boses ni Riley. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niyang nakatayo ito sa harap niya.
"Panibago na naman," aniya rito na ang tinutukoy ay ang babaeng kasama nito sa litrato.
"That's Eunice."
"Bilib na talaga ako sa iyo, boss." Tinatawag niya
itong "boss" bilang biro. "Kakaiba ang karisma mo. Alam
mo ba kung saan kita maihahambing?" "At saan naman?" amused na pagsakay nito sa kanya.
"Sa isang madikit na madikit na magnet. Kasi kahit saan ka magpunta ay nadidikitan ka pa rin ng mga babae..." iiling-iling pang wika niya rito na ikinatawa naman nito.
"Si Eunice ay anak ng business associate ni Papa na naka-base na ngayon sa Hong Kong. Nagkita kami roon at nagkataong kasama si Eunice ng papa niya," anito sa tonong nagpapaliwanag.
"Oh, I see," aniya. Pagkatapos ay yumuko siya upang balikan ang isang bahagi ng artikulo. "Ayon pa rito sa balita, nakita raw kayo na sweet na sweet na nagsayaw sa dance floor. Halos wala raw hangin na makadaan sa pagitan ninyo sa sobrang lapit ninyo sa isa't isa. Comment?"
Muling ngumiti ito. "Exaggerated news. Yes, we danced. Pero saglit lang iyon at hindi totoong wala ng hanging makakadaan sa pagitan namin."
"Really?" sabi naman niya.
"Hindi mo ba itatanong kung may pasalubong ako sa iyo?" tatawa-tawang tanong nito. Mula nang manggaling sila sa Tagaytay at mag-confide siya rito may anim na buwan na ang nakararaan ay tuluyan nang natibag ang pader na inilagay niya sa pagitan nila. They became friends.
"Alam ko namang mayroon kaya hindi ko na itatanong pa," nakangiting wika niya. "Coffee?"
"Now you're beginning to sound like a secretary," komento nito.
Pumasok sila sa private office nito at doon niya ito ipinagtimpla ng kape.
"Siguradong matutuwa na naman si Manang Lilay sa mga chocolates na bigay mo," sabi niya pagkatapos niyang ilapag sa mesa nito ang kape. Si Manang Lilay ang kasambahay na matagal na nilang kasama ni Tita Eva.
"Ikaw, hindi ka ba magkakape? Oops, nakalimutan ko na hindi ka nga pala umiinom ng kape," nakangiting wika nito. "Mukhang si Manang Lilay lang naman ang kumakain ng mga chocolates na bigay ko, ah."
"Kinakain ko naman," aniya. "Naghahati kami ni Manang Lilay. Besides, alam mo namang mas interesado ako sa iba't ibang brand ng lemon tea na pasalubong ma sa akin from different countries so..."
Pagkatapos niyon ay iniabot nito sa kanya ang may kalakihang plastic bag. "Naku, ang dami naman yata nito." Nakita niya mula sa plastic bag ang marami at sarisaring brand ng chocolates. At hindi nito nakalimutang pasalubungan siya ng paborito niyang inumin. May nakalagay rin doong dalawang paper bags na may lamang bestida. "Hay, naku, Riley, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na okay na sa akin ang chocolates at lemon teas. Hindi mo na ako kailangan pang bilhan ng mga damit. Ang dami-dami mo nang binili para sa akin."
"Bakit ba panay ang reklamo mo? Bigay ko 'yan sa iyo. Hindi kompleto ang trip ko kapag hindi kita nabibilhan. Hayaan mo na ako. Kahit naman sina Tita Eva at Mimi ay ganoon ang ginagawa ko."
"Pero—"
"Tingnan mo kung maganda ba ang napili ko," putol nito sa pagpoprotesta pa niya.
Wala na siyang nagawa kundi ang tingnan ang dalawang bestidang binili nito para sa kanya. Maganda ang mga iyon at alam niyang kasyang-kasya sa kanya. Madaling nakabisa nito ang sukat niya maging sa sapatos.
"Ano pa ba ang hindi mo alam sa mga babae?" aniya. "Ha?"
"Ano pa iyong hindi mo kabisado? Alam na alam mo kung ano ang dapat na ibigay. Pati sizes ko sa damit at sapatos ay namemorya mo agad. Jeez, you're an expen No wonder, madali mong nakukuha ang atensiyon ng isang babae."
"For your information, Miss Antonio, size lang ng mama ko, ni Tita Eva, at size mo ang kabisado ko, anito na tila nasaktan sa sinabi niya.
"Ows? Do I have to believe that?" Hindi pa rin niya mapigilan ang mang-inis at mamikon dito.
Lately kasi ay nagiging extra sensitive na ito kapag issue na ng mga babaeng nauugnay rito ang topic nila. Napapansin pa niyang tila nagiging defensive na ito.
"Wala ka namang pinaniniwalaan pagdating sa akin, eh," kunwa'y pagtatampo nito. "You easily think the worst when it comes to me. Para namang ang sama- sama ko tuloy."
Tawa siya nang tawa sa parang batang pagmamaktol nito. "Hindi naman. Palikero ka lang."
Lalo pang sumimangot ito sa sinabi niya. "Para kang bata," tatawa-tawa pa ring dugtong niya. "Salamat dito sa chocolates at sa damit, ha? Salamat sa suhol."
"Suhol? Saan naman kita susuhulan?"
"Para hindi ko sabihin sa mga babaeng tumatawag dito na hindi lang sila nag-iisa kundi marami sila."
"Drew, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko ine-encourage ang pagtawag ng mga iyon. At saka matagal na akong hindi nakikipag-date. 'Yong mga patuloy na tumatawag, dati pa iyon. Nag-i-invite lang."
"Sabi mo, boss, eh." Gustung-gusto niyang kinakantiyawan ito tungkol sa mga babaeng tumatawag dito dahil defensive ito.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...