MAAGANG dumaan si Riley sa bahay nila sa Corinthians upang dumalaw. Doon na rin siya nag- almusal. Pagkatapos niyon ay namalayan na lamang niya ang sariling nagko-confide sa mama niya habang winiwisik-wisikan nito ng tubig ang mga orchids nito.
Tumawa ito nang malakas. "You finally met your match," kapagkuwa'y komento nito. Nakaupo siya sa isa sa mga silyang naroon. "I have always liked Drew. Gandang-ganda ako sa batang iyon. Bukod pa roon ay may determinasyon at may goal. Nakita mo nga at successful ang bookstores na pag-aari niya. Minsan nga ay pumasok pa sa isipan ko na bakit kaya hindi na lang ang pamangkin ni Eva ang ligawan mo. Now, here you are telling me na hindi mo alam ang gagawin mo kay Drew dahil palikero ang tingin niya sa iyo," mahabang wika nito na muli na namang tumawa.
"'Ma, stop laughing at me," reklamo niya rito. "Hindi ko na nga alam ang gagawin ko, eh. Not once in my life have I courted a girl. Lalo pa at hindi basta-bastang babae si Drew. Hindi ko alam kung anong approach ang dapat na gawin."
"Nahihirapan ka, Riley, dahil diyan sa reputasyon mo. Matagal ko nang sinabi sa iyo, hindi ba? Magiging problema mo yan kapag natagpuan mo na ang babaeng magiging ina ng mga anak mo."
That was his mother. Hindi pa man siya nakaka-first base kay Drew ay masyadong advance na agad ang isip nito. Although wala talaga siyang ibang balak na gawing ina ng mga anak niya kundi si Drew lamang.
Ang kaso ay malabo pa ang kinalalagyan niya dahil mukhang hindi talaga siya seseryosuhin ng dalaga. Kahapon ay sinubukan pa lamang niyang tantiyahin ito. Panay hypothetical questions lamang ang ibinato niya rito. Ngunit hypothetical pa lang ay mukhang bagsak na siya sa standards nito.
"Ma, hindi naman talaga ako palikero. Hindi naman lahat ng sinasabing babaeng napaugnay sa akin ay talagang totoong naugnay nga sa akin. Dahil kung totoo iyon, malamang ay lamog na ako."
"Watch your language, young man," tila biglang nanghilakbot na babala sa kanya ng mama niya na ikinatawa niya.
Ang mga salitang-kantong iyon ay nakuha niya sa mga barkada niya noong nag-working student siya sa isang fast-food chain nang lingid sa kaalaman ng mga magulang niya. Gusto lang kasi niyang maranasang magtrabaho bilang crew upang makahubilo niya ang mga simple at ordinaryong tao.
lyon ang naging dahilan kung bakit napalapit ang puso niya sa maliliit na tao. Nadala niya iyon hanggang ngayong siya na ang CEO ng kanilang kompanya. Kahit si Drew kung minsan ay nagugulat na alam niya ang ilang salitang kanto.
"Akala ko, prim and proper ka lang," tatawa-tawa pang kantiyaw nito sa kanya nang ikuwento niya rito ang naging karanasan niya sa pagiging crew. Nabanggit kasi niyang dahil sa pagod ay lamon talaga ang ginagawa ng mga kasama niya noon sa trabaho na katulad din niyang estudyante.
"You really love her, don't you?" tanong ng kanyang mama.
"What?" puzzled na sambit niya.
"You're smiling and you're not even aware of it. Mukhang pag-ibig na nga yan."
Napangiti siya sa sinabing iyon ng kanyang ina, because that was exactly how he felt for Drew. Sa walong buwang lumipas na magkasama sila at nakilala niya ito nang lubos ay lalo niyang na-realize na attracted siya rito. At dumating sa puntong nasiguro na niyang hindi lamang iyon basta atraksiyon kundi mahal na niya ito.
At mula nang ma-realize niya iyon ay sinimulan na niya ang pagpapadama niyon dito sa kahit anong paraang alam niya. Ngunit mukhang wala namang kapupuntahan ang ginagawa niya dahil hindi nito napupuna iyon.
"Yeah," mahinang wika niya. "Dumating na ang araw na sinasabi n'yo, Mama. I love Drew. At nasasaktan ako dahil ni hindi man lang niya ako nakikita bilang prospect o candidate na maging boyfriend niya."
"Eh, bakit kasi paliguy-ligoy ka pa? Why don't you go to her and tell her straight about the way you feel?" suhestiyon nito.
"If only it's that easy," aniya.
"Lalo ka lang mahihirapan hangga't hindi mo sinasabi sa kanya kung ano ang totoong nararamdaman mo. Show her you're serious with her."
"Ang pagkakakilala niya sa akin, eh, iyong tipong papatusin lahat ng babaeng mapadikit sa akin. Na wala raw siyang balak na gabi-gabing mapuyat sa pag-iisip kung nasaan ako at kung anong oras ako uuwi kung sakaling katulad ko ang magustuhan niya." nakasimangot na wika niya.
"Drew told you that?" hindi makapaniwalang bulalas ng mama niya kasabay ng pagtawa. "Bilib na talaga ako sa batang iyon."
"Gusto ko nang magduda kung na kanino ang loyalty ninyo, "Ma."
"Tiyak na matatawa ang papa mo kapag ikinuwento ko sa kanya kung ano ang pinoproblema mo ngayon. Listen to me, hijo. Magtapat ka na kay Drew at pagsikapan mong makuha ang tiwala niya. Hindi naman kailangan na kapag nabasted ka niya ay agad ka nang susuko. Besides, ang kailangan mong gawin ay ipakitasa kanya na hindi ka katulad ng pagkakakilala niya sa iyo. Ipakita mo muna sa gawa ang mga bagay na hindi mo masabi sa kanya, hijo..."
Natigilan siya sa sinabi ng mama niya. She gave him an idea. Kailangan muna niyang ipakita sa gawa na kaya niyang maging faithful and serious.
God, Drew, ikaw lang ang nakagawa sa akin nito.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...