Nang maluto ang noodle soup ay hindi ito pumayag na hindi siya subuan, kaya naman pampered na pampered ang pakiramdam niya. Hindi niya tuloy maiwasang mangiti.
"At para saan naman ang ngiti ng ale?" nakangiting tanong nito.
"Naisip ko lang na maalaga ka pala. No wonder-" "Maliban sa mama at lola ko ay ikaw lang ang ginawan ko nang ganito, Miss Mary Drew," agad na putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Keep that in mind."
Matamis na ngiti ang ipinagkaloob niya rito. Kung alam lamang nito na gusto talaga niyang paniwalaan ang sinabi nito. Ngunit sumasalit pa rin sa isip niya ang reputasyon nito bilang isang ladies' man.
Nang maubos niya ang soup ay pinainom siya nito ng gamot at inihatid pa sa kanyang silid. Nang matiyak nitong maayos na siya ay saka nito hiningi ang permiso niya na doon magpalipas ng gabi.
"I'm sorry, Drew, pero hindi ko kayang iwan ka rito
nang nag-iisa sa ganyang sitwasyon. Kahit sa sala lang
ay okay na ako. O kung ayaw mo talaga, kahit sa terrace
na lang. Basta hindi ako aalis," anito sa nagsusumamong tinig.
God, he's so sweet. Malapit na siyang maniwala.
Kapag ganoon ito ay nakakalimutan niyang inihahalintulad niya ito sa kanyang daddy. Kaya nga ba niyang kainin ang mga salita niya at tuluyang mag-swoon sa binata?
"Drew?"
"You can use the guest room. Katabi lang ng kuwartong 'to. Help yourself," nakangiting wika niya rito. Hindi niya makakalimutan ang labis na tuwa at relief na rumehistro sa mukha nito dahil sa pagpayag niya.
"Kung may kailangan ka'y tawagan mo ako sa cell phone ko at pupuntahan kita agad. Goodnight, Drew. See you in the morning."
"Yeah, goodnight, Riley. And thank you." Bago ito lumabas ng kanyang silid ay muli siyang hinalikan nito sa kanyang noo.
Nang pumikit siya ay panatag ang kanyang loob at dama niyang masayang-masaya ang kanyang puso.
PAGKATAPOS ng gabing matulog si Riley sa bahay nina Drew ay lalo silang naging malapit sa isa't isa ng binata. Kapansin-pansin ang pagiging extra sweet at extra attentive nito sa kanya. Bukod doon ay napadalas ang pag-imbita nito sa kanya na mamasyal at kumain sa labas. At kapag ganoong lumalabas sila ay tila nakasanayan na nitong hawakan ang kamay niya. Kung umakto ito ay tila nobya siya nito. Tinatawagan siya nito sa umaga pagkagising niya at ganoon din bago siya matulog. And to top it all, she, too, started to get used to Riley's sweet gestures. Umaabot na sa puntong pakiramdam niya ay nobyo nga niya ito.
Katulad na lamang nang gabing iyon. They just had dinner in a restaurant at inihatid siya nito sa bahay nila. Papasok na sana siya sa gate nang pigilan siya nito sa braso. Nang mapaharap siya rito ay walang babalang inangkin nito ang mga labi niya. She was so stunned! Ngunit ilang saglit lamang ay namalayan niya ang sariling tinutugon ang halik nito. Hanggang sa palalimin pa nito iyon.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata pagkatapos
ng halik na iyon ay hindi niya malaman ang sasabihin. "Goodnight," maluwang ang ngiting wika nito sa kanya.
"G-goodnight," ganting-wika niya na tila nawala siya sa huwisyo.
"Pumasok ka na sa loob. At baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Ngunit hindi niya magawang kumilos man lang. Tila napako siya sa kinatatayuan. Ganoon kalakas ang impact sa kanya ng halik nito.
"Seems like Mary Drew wants to be kissed again, huh?"
Sa sinabi nitong iyon ay tarantang agad siyang pumasok sa gate na ikinatawa nito.
Masayang-masaya siya nang gabing iyon. Paulit-ulit na inire-replay niya sa kanyang isip ang namagitang halik sa kanila ni Riley. At tila maraming nais ipahiwatig ang halik nitong iyon. Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.
Ngunit napawi iyon dulot ng isang masamang panaginip. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang sarili sa sitwasyon ng kanyang mommy na paulit-ulit na niloloko ng asawa. Paulit-ulit na pinapaiyak at sinasaktan. Sa panaginip na iyon ay si Riley ang nasa katauhan ng kanyang papa.
Hindi pa roon natapos ang lahat. Sumunod na napanaginipan niya ang masakit na eksenang nasaksihan niya sa opisina ng dating nobyong si Albert. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi si Albert ang kaulayaw ni Atty. Katrina kundi si Riley!
"ALAM mo, Drew, malakas na talaga ang kutob kong may tama sa iyo ang boss mo," ani Lima sa kanya habang nakaupo sila sa couch sa loob ng bookstore.
Linggo noon at katatapos lamang ng ginanap na storytelling session para sa mga bata. Silang dalawa ni Lima ang readers.
Napakunot-noo siya nang marinig ang sinabi nito. "What?" Hindi niya gaanong narinig ang sinabi nito dahil muli na namang sumalit sa isip niya ang kanyang panaginip nang nagdaang gabi. Dahil doon ay hindi siya nagawang sagutin ang mga tawag ni Riley kaninang umaga. Masyado pang sariwa ang panaginip niya na tila kahit boses ng binata ay ayaw muna niyang marinig.
"Ang sabi ko, malakas ang pakiramdam ko na may tama sa iyo si Riley."
"Imposible. Bakit naman pumasok sa utak mo na may gusto sa akin ang lalaking iyon?" Hindi nga ba't en din ang eksaktong pumasok sa isip niya pagkatapos Myang halikan ng binata?
"At bakit naman imposible?"
"Nakita mo naman iyong mga babaeng napapaugnay on, di ba? Malayung-malayo sa akin," aniya kay Limana malapit na kaibigan din niya bukod sa pagiging assistant niya sa bookstore.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...