Chapter 22

64 2 0
                                    

NGUNIT hindi agad nabigyan si Drew ng pagkakataong makapagpaliwanag kay Riley dahil pagpasok niya kinabukasan ay wala ito. Hindi niya alam kung bakit. Tinatawagan niya ito sa cell phone ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag niya.

Pagkaraan ng dalawang araw ay pumasok na ito. Ngunit hindi ito nag-iisa nang dumating. May kasama itong magandang babae. Nakaitim na leggings ang babae at itim din na boots na umabot hanggang sa ibaba ng mga tuhod nito. Ang minidress na ipinareha nito sa leggings ay umabot sa kalahati ng mga hita nito. Dalang- dala nito ang outfit na iyon. Glamorosang-glamorosang tingnan ito.

Nagulat siya dahil iyon ang unang beses na nagdala ng babae si Riley sa opisina. Nakaangkla pa ang babae sa braso ng binata na tila sanay na sanay na sa ganoong gesture. Slim ang babae at nagmukha siyang maliit nang tumayo siya upang batiin ang mga ito dahil sa taas ng takong ng boots na suot nito.

Matamis na ngiti ang ipinagkaloob sa kanya ng babae Mukhang mabait ito at hindi maarte na katulad ng mga babaeng madalas na nakikita niya noon na kasa-kasama ni Riley.

"Drew, meet Diane, kababata ko. Dumating siya para dumalaw at magbakasyon. Diane, this is Drew, my very efficient secretary and a friend as well," pakilala ni Riley sa kanila ng babae sa isa't isa.

"Hi, Drew. Nice meeting you," ani Diane sa kanya.

"Same here, Ma'am." ganting-wika niya.

"Oh, please, call me 'Diane.'"

Isang ngiti ang ibinigay niya rito. "I hope you'll enjoy your stay."

"I'm sure I will, dahil oobligahin ko itong boss mo na samahan ako at ipasyal dahil matagal na 'yong huling nakauwi ako rito sa Pilipinas," anito.

Napansin niyang humigpit ang pagkakaangkla nito kay Riley. Tila paraan nito iyon ng paglalambing.

Damang-dama niya ang pinong kurot sa kanyang puso na dulot ng eksenang iyon. Pagkatapos niyon ay pumasok na ang dalawa sa private office. Hindi niya malaman kung susunod ba siya kahit hindi sinasabi ni Riley o mananatili na lamang siya sa labas.

Ngunit nang maisip niya na baka kung ano ang gawin ng dalawa sa loob ay agad siyang nagpasyang sumunod sa mga ito.

"Coffee? Juice? Sandwich?" aniya sa dalawa nang mabaling ang tingin ng mga ito sa pagpasok niya.

"Diane?" konsulta ni Riley sa kababata nito.

"Coffee, please." Binalingan siya ng babae. "Thanks,

Drew." "Coffee rin ako, Drew," ani Riley sa kanya.

Habang nagtitimpla siya ng kape ay matamang nakikinig siya sa pag-uusap ng dalawa. Hindi nabanggit ni Riley sa kanya na may kababata pala itong ubod ng ganda. At mukhang close na close ang dalawa. Magkababata nga lamang kaya ang mga ito o dati ring childhood sweethearts?

Nakaramdam siya ng panibugho nang maisip iyon. Bakit ba bigla siyang natataranta ngayon? Dati-rati na halos nasa kanya ang lahat ng atensiyon ni Riley ay tila bale-wala iyon sa kanya. Ngayon namang sa iba nakatuon ang atensiyon nito ay damang-dama niya ang selos sa kanyang dibdib.

Dahil nasa iba ang isip niya ay hindi niya namalayang sa daliri na pala niya naibuhos ang mainit na kape. "Ouch!" naibulalas niya nang maramdaman ang hapdi sa balat na dulot ng mainit na tubig.

"What happened?" Mabilis na tumayo si Riley at lumapit sa kanya. "Ano'ng nangyari sa iyo?" ulit na tanong nito.

Parang gusto nang mawala ang selos at pagtatampong nararamdaman niya rito nang makita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. "Natapunan lang iyong kamay ko ng mainit na tubig."

"Bakit hindi ka nag-iingat? Let me see."

Bago pa siya nakahuma ay masuyo nang hinawakan nito ang kamay niya na natapunan ng mainit na tubig.

"Masakit ba?"

"H-hindi naman." Nang mag-angat siya ng tingin dito ay saglit na nagtama ang kanilang mga mata. May kung anong nabasa siya sa mga mata nito. Bagay na hindi niya mabigyan ng pangalan. Pagkatapos ay nag-iwas na ito ng tingin. "Be careful next time," sabi na lamang nito at muling lumapit kay Diane.

"Are you okay, Drew?" tanong ni Diane sa kanya.

"Yes, I'm fine," nakangiting tugon niya.

"Mukhang balak mo pang kunin ang maraming oras ko, ah," sabi ni Riley. "Kulang pa ba ang two days na ibinigay ko?"

Ngayon ay alam na niya ang dahilan kung bakit hindi ito pumasok ng dalawang araw. Kasama nito si Diane.

"Simula pa lang iyon. Two days is not enough," ani Diane pagkatapos itong tumawa sa sinabi ni Riley. "Nangako ka sa akin na kapag nagbakasyon ako ay pagbubuhusan mo ako ng panahon mo. Hindi ko pa nakakalimutan iyon, Riley."

Ang binata naman ang tumawa. "Did I promise you that?"

"Yes, you did!"

Parang mga batang naglalambingan, naiinis na naisip niya. At ang Riley na iyon, kung umasta ay parang silang dalawa lang ni Diane ang nasa silid na ito. Hmp!

"All right, all right, I'll keep my promise," sabi ni Riley na nang humarap siya upang ilapag sa mesa ang kape ng mga ito ay nakita niyang tila tuwang-tuwa itong nakatitig sa magandang mukha ni Diane.

"You better!" ani Diane dito.

Kunwa'y umubo siya. "Okay na ang kape ninyo," aniya.

"Salamat," ani Riley sa kanya.

Tse! Naiinis siya rito dahil mukhang enjoy na enjoy ito sa company ni Diane. Samantalang two days ago ay malungkot na malungkot ito dahil sa sinabi niya. Mukhang hindi naman na niya kailangan pang magpaliwanag dito dahil obvious na nakalimutan na nito ang tungkol doon ngayong nagpapa-cute na ito sa Diane nito.

Dahil sa paglalakbay ng isip niya ay hindi niya namalayang nakatingin na pala si Riley sa kanya. "What?" aniya rito.

"We're okay now, Drew. You can leave us now." Hindi naman masakit ang sinabing iyon nito ngunit nasaktan pa rin siya. Para kasing ipinagtatabuyan siya nito dahil gusto na nitong mapagsolo ito at si Diane. Bakit ba parang gusto niyang umiyak?

"Iniisip ko lang kasi na baka may iuutos ka pa," aniya rito.

"Wala na. Tatawagin na lang kita kung mayroon man."

"Okay," aniya, pagkatapos ay tinanguan si Diane. Mabigat ang loob niya na iwan ang mga ito.

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon