Nang makalabas siya at maisara ang pinto ng opisina ni Riley ay bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Dali- daling pinahid niya iyon.
God, Drew, nagseselos ka nga ba talaga? piping tanong niya sa kanyang sarili. At bakit ka naman kailangang magselos?
That was when the realization came. Mukhang gusto nga niya si Riley sa kabila ng ilang ulit na pagtanggi niya tungkol sa bagay na iyon. And worst, mukhang hindi lang niya ito basta gusto. Mukhang mahal na niya ito.
Oh, Drew, bakit sa lalaking iyon pa? Eh, numero unong palikero iyon? Ngayon pa nga lang na dumating ang kababata niya ay itsa-puwera ka na, malungkot na kastigo niya sa sarili.
Nang magpaalam sina Riley at Diane upang mag- lunch ay lalong bumigat ang dibdib niya. Niyaya siya ni Riley na sumama ngunit alam niyang pabalat-bunga lamang iyon. At nang hindi na bumalik pa ito buong maghapon ay para na siyang magkakasakit.
It was confirmed, mahal na nga niya si Riley Agustin. Ang lalaking ipinangako niyang hinding-hindi niya magugustuhan!
"O, EH, BAKIT affected ka?"
Hindi nakakibo si Drew sa tanong na iyon ni Lima. Dahil hindi siya nakasagot ay humirit uli ito.
"Affected ka kasi ilang ulit mo mang pilit na itanggi sawayin mo man 'yang puso mo ay gusto mo na rin siya Kaya nagseselos ka ngayon doon sa Diane na 'yon at hindi ka mapakali ngayon."
Gusto niyang pasubalian ang sinabi nitong iyon ngunit hindi naman niya magawa.
"Hindi makakibo, ah," sabi pa nito. "Noong nakaraang linggo lang, eh, tigas ang pagtanggi, ah. Kesyo hindi magugustuhan si Riley, masyadong sasakit ang ulo kay Riley, at kung anu-ano pa."
Parang batang sinimangutan niya ito.
"Ikaw ang higit na nakakakilala kay Riley, Drew. Sa tingin ko naman, eh, faithful siya kapag dumating na iyong taong mahal niya. At saka naniniwala ka ba talaga na lahat na lang ng babae ay papatulan niya?"
Pinangiliran siya ng luha nang maalala ang hindi magandang sinabi niya patungkol sa binata na narinig inito mismo. "He heard everything," malungkot na wika niya. "Hindi na nga ako nakapagpaliwanag pa dahil naging busy na siya kay Diane," tila naghahanap ng mapagsusumbungang wika niya. "At sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, parang... parang puno ng pagtatampo ang mga mata niya."
"Hindi ko rin naman kasi akalaing ganoon pala iyong sasabihin mo," ani Lima.
"Sinabi ko lang naman iyon kasi... natatakot akong amining gusto ko na siya gayong buo sa isip ko na katulad siya ng daddy ko at ni Albert. At saka... at saka-"
"At saka defense mechanism na rin. Ganyang- tanyan ngayong ginagawa ng mga taong alam nang may gusto, eh, in denial pa rin."
"Hindi ko siya gusto," aniya.
"Magde-deny ka pa rin?" nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
"I mean, hindi ko lang siya basta gusto. Mahal ko na siya, Lima..." Sa wakas ay nagawa na rin niyang aminin iyon dito. Nakaramdam siya ng pagluwag ng kanyang dibdib.
Nilapitan siya nito at niyakap. Pagkaraa'y nagsalita ito. "Huwag ka na kasing matakot na sumugal, Drew. Mahal mo naman talaga 'yong tao, eh. Ipaglaban mo. Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Puso mo ang magbibigay ng seguridad na iba si Riley sa daddy mo lalung-lalo na sa ex mo. Teka, ginugulo ka pa ba ng Albert na 'yon? Tinatawagan ka pa ba?"
Umiling-iling siya. Nagulat nga siya nang bigla ay tawagan siya noon ni Albert. Gusto nitong makipagkita sa kanya para humingi ng tawad at makipag-usap sa kanya. Bagay na agad na tinanggihan niya. Ngunit naging makulit ito, na bigla namang nahinto. Marahil ay nakakita na uli ito ng ibang pagkakaabalahan.
"Aaminin ko na mahal ko siya, eh, hindi ko nga alam kung ano ang nararamdaman niya para sa akin?"
"Siyempre, tinitingnan muna n'on ang reaksiyon mo. Bayolente ang reaksiyon mo, aba'y mangingilag talaga iyon. 'Tapos, narinig pa niya mismo 'yong famous remarks mo, talagang magdadalawang-isip na nga iyon."
"Ano ba ang dapat kong gawin ko?" naguguluhang tanong niya kay Lima. Maisip pa lamang niya ang masayang mukha ni Riley habang kasama si Diane ay nawawalan na siya ng pag-asa. Kasalanan kasi niya, eh! "Mukha namang enjoy na enjoy na siya sa company ni Diane at hindi na niya ako napapansin," mabigat ang loob na dagdag niya.
"Basta ang alam ko, may something sa inyo ni Riley. Nakikita ko 'yon kapag magkasama kayo. lisa ang obserbasyon ko sa inyo. Kaya kung gusto mo talagang magkaalaman na, sabihin mo na kay Riley. Tanungin mo siya kung sino ka ba talaga para sa kanya."
"Ako ang mauunang magsabi?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.
"Naku, day, nasa modernong panahon na tayo. lyong mga tutulug-tulog at pahintay-hintay lang sa tabi, eh, naaagawan ng taong mahal niya. Ngayon, heto ang tanong, kaya mo bang mapunta si Riley sa Diane na iyon o sa iba pang babae?"
Hindi siya nakasagot. At alam na raw ni Lima ang sagot niya.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...