CHAPTER 30
Midnight Rain
Nakasimangot akong nag-tungo sa cottage. Hindi kasi ako naka-swimming! Sayang effort kong mag-swimsuit!Nauna na si Zoren sa hotel dahil kailangan niyang mag-ready sa celebration niya. Ganoon din sila Brix at Zamie, wala naman sila nagawa kasi kailangan ni Zamie ihatid sa Kuya niyang nag-walkout.
Hulaan kung sino ang kumag na naiwan sa'kin.
"Aminin mo na kasi! Siya yung crush mo 'no? Yieee, layag-layag ang ship ko!" todo iwas ako dahil sinusundot ni Akon ang bewang ko na malakas ang kiliti.
"Wala akong crush!" depensa ko.
"Konek na konek kaya ang mga dots! For sure kasama ni ZL si Zamie kahapon noong nagkita kayo! Tapos kasama nila yung....sino na ulit 'yon? Alisa?" kulit niya sa'kin.
"Tanga! Aliya!"
Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig. Malakas na tawa ang pinakawalan niya pagkatapos ko 'yon sabihin.
"Tignan mo! Kilala mo! Hahahahaha!!!" sambit niya at namumula na siya sa tawa niya.
Liminga-linga ako sa paligid para makasigurong walang nakakarinig sa'min. Dalawa lang naman kami sa cottage at hindi namin kilala ng mga taong nasa paligid.
"Oo na! Siya yung tinutukoy ko, okay?!" pag-amin ko na kinabigla niya na kamuntikan pa na mahulog sa upuan.
Nasamid pa si loko kaya higop na higop ang hangin sa kanya. Uminom muna siya ng tubig bago ako hinarap ulit na may ngisi sa labi.
"Gusto mo siya?" tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at yumuko. "Hindi ko alam."
Una pa lang, duda na ako sa nararamdaman ko. Hindi kasi ito normal, hindi rin ito nararamdaman ng isang kaibigan lang. Alam kong may kakaiba, hindi ko lang mawari kung ano 'yon.
"Alam mo." Ani niya at kumuha ng pakwan.
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Nowie, hindi ako tanga o bulag para hindi mahalata ang mga tinginan na binibigay niyo sa isa't-isa. Noong una, hindi ko kasi pinansin...noong nasa apartment tayo at nagkakantahan. Masyado akong nilamon ng emosyon ko pero alam kong may kakaiba sa mga tingin niyo. After non, napapansin ko na." Malawak na ngiti niya.
"Anong connect niyan sa sagot mo kanina?" naguguluhan kong tanong.
"Alam mo na may kakaiba, aware ka sa nararamdaman mo. Pero hindi mo lang maamin sa sarili mo kasi ayaw mong maramdaman 'yon. You keep denying your feelings because you think they're just a false alarm. But the truth is, you're too inexperienced to fully grasp that kind of emotion." Paliwanag niya kaya napakagat ako ng labi.
I really want to believe what Akon is saying, and I want to convince myself that I'm not just denying these uncertain feelings I have. But deep down, I can't shake the sense that this isn't genuine - that it's more a passing admiration that won't last.
I'm not sure, I really couldn't figure out what this is. How could I admit something that I don't even know myself?
"E-ewan ko rin... noong nasa hospital ako, aware ako sa paligid pero hirap akong buksan ang mga mata ko. Parang patay yung katawan ko, pero yung isip ko, buhay..." nakikinig lang siya sa'kin. "...hinawakan niya kamay ko. Even with my eyes closed, I knew it was him. In that moment, all I could focus on was the way his hand clasped mine. It's hard to put into words, but the sensation was so warm and comforting, like my heart was pumping new life through my entire body."
BINABASA MO ANG
Seeking the Wellspring of Heart
RomanceNocia's life has been marked by a sense of disconnection and isolation from her family. From a young age, she was made to feel like she didn't belong and that she was a burden, despite her efforts to meet her family's expectations. This experience h...