Chapter 25

79 3 0
                                    

Hindi niya kilala ang lalaking lumapit kay Drew. Ngayon lamang niya ito nakita. Wala siyang aları na nanliligaw ngayon kay Drew. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang naupo na ang lalaki sa tabi ni Drew.

"Yan ang sinasabi ko kapag babagal-bagal ka," tatawa-tawang sabi pa ni Diane upang marahil ay inisin siya

Nahiling niyang sana ay dumating na ang mama at papa niya upang magkaroon siya ng excuse na tawagin na si Drew at yayaing umuwi. Ngunit isang oras pa ang lumipas bago dumating ang parents niya.

"ERIC, this is Riley, boss ko at kaibigan na rin. Riley, si Eric, an old acquaintance," pakilala ni Drew sa dalawang lalaki. Iyon ay nang lumapit si Riley upang sabihing uuwi na sila

"Nice meeting you, pare," ani Eric.

"You, too," sabi naman ni Riley na ang tingin niya ay pilit lamang ang ngiti.

"Ahm, Drew, nandito pa ba kayo bukas?" tanong ni Eric sa kanya bago sila umalis.

"Yeah. Sa hapon pa kami aalis."

"Okay lang ba kung yayain kitang mamasyal dito?"

"Ahm-"

"Mamamasyal din kami bukas, pare," sabad ni Riley bago pa man siya makasagot. "Pero kung gusto mo, puwede kang sumama sa amin."

"Thanks, Riley. So, Drew, bukas na lang." ani Eric. Tatawagan na lang kita."

"Okay. I'll see you tomorrow," aniya rito, pagkatapos ay sabay na silang umalis ni Riley.

"Sino iyon?" agad na tanong ng binata sa kanya. "Si Eric, isa rin siyang abogado," sagot niya.

"Nanliligaw sa iyo?" walang kangiti-ngiting usisa pa nito

"Hindi, Well, dati... I mean, nag-try. Kami pa noon ni Albert."

"Oh..." ang naging reaksiyon nito. "Seems a nice guy."

"He is. Of all places ay dito pa kami nagkita. Ngayon lang niya nalaman na matagal na kaming wala ni Albert."

"Kaya pala sinunggaban na agad ang pagkakataon na makasama ka," mahinang wika nito.

"You invited him. Sana sinabi mo na next time na lang."

"Malay ko bang tatanggapin niya ang imbitasyon ko. I was just being nice," anitong lalo pa yatang dumilim ang mukha.

Bakit ba parang... Imposible, agad na wika niya sa isip. Imposibleng nagseselos ito kay Eric.

Takang-taka talaga siya sa ikinilos na iyon ng binata. Para kasing nagalit ito sa kanya na hindi niya mawari. Nang pauwi na sila at lalapit na siya sa kotse ng papa nito ay agad na sinabi nitong sa kotse na lamang nito siya sumakay. At dahil hindi maganda ang mood nito ay sinunod na lamang niya ang gusto nito. Hindi ito kumikibo habang nagmamaneho. Kahit si Diane ay hindi nito kinikibo. Kinindatan naman siya ni Diane na tila ipinaaabot nitong huwag na lamang niyang pansinin ang nag- aalborotong binata.

Kinabukasan ay sumama nga sa kanila si Eric. Ito ang naging escort niya. At hindi pa rin nagbago ang mood ni Riley. Hindi pa rin ito kumikibo at tila walang gana. Kahit nang pabalik na sila sa Maynila ay tila nabubugnot pa rin ito.

Naiwan pa si Eric at ang pamilya nito sa Tagaytay.n Sa kotse uli ni Riley siya sumakay pauwi. Nauna nitong idinaan si Diane sa bahay ng mga ito. Nang makababa si Diane ng kotse ay bumaba rin siya upang magpaalam sa p parents ni Riley. Out of habit ay tinungo uli niya ang it backseat.

"Dito ka na sa harap," maagap na wika ni Riley sa kanya nang bubuksan na sana niya ang pinto sa i backseat.

Walang salitang sumakay na lamang siya sa harap. Habang nasa daan ay wala pa ring kibo ito.

"Nag-away ba kayo ni Diane?" tanong niyang hindi na nakatiis. Nabibingi kasi siya sa katahimikang namamagitan sa kanila.

"Hindi. Bakit mo naitanong?"

"Eh, buong araw kasing wala ka sa mood. Ni hindi m ka ngumingiti. Kaya inisip kong baka nag-away kayo."

"Nag-enjoy ka ba sa Tagaytay?" tanong nitong na nagbigay pa ng reaksiyon tungkol sa sinabi niya.

"Oo naman. Tama ka, talagang masasayang kasama ang mga tita mo," komento niya.

"At masaya ring kasama si Eric, I'm sure."

Napatingin siya rito. "Well, y-yeah. So is Diane, to right?" Lihim na pinagalitan niya ang sarili sa naidugtong na iyon.

Ito naman ang napatingin sa kanya. "Drew-" "We're here," aniya nang mapatapat na sa bahay nila. "Thank you sa paghatid. Ingat ka." Nagmamadali y na siyang bumaba ng kotse nito.

"Drew!"

Napahinto siya sa tawag na iyon ni Riley. Nang Sa pumihit siya paharap dito ay nakita niyang nakababa na ag ito ng kotse at palapit na sa kanya sa may gate.

"What?" tanong niya.

Ngunit hindi ito nagsalita. Matagal lamang na nakatitig Sa ito sa kanyang mukha. Bumuka ang bibig nito upang tıla magsalita ngunit muli rin nitong itinikom.

"What? May... may gusto ka bang sabihin?" lakas- loob nang tanong niya.

"Ahm... I... I..."

"What?" puno ng kaba at antisipasyong muling tanong niya. Marami siyang nababasa sa mga mata nito at hindi niya alam kung tama ba siya ng basa sa mga di emosyong nakapaloob sa mga iyon.

"I'll be gone for three days," anito na halos ikalaglag ng mga balikat niya.

Wishful thinking, Drew!

"Oh," aniyang napatangu-tango.

"I'll be attending a business conference in Singapore."

"Bukas na nga pala iyon," tanging nasabi niya.

"Yeah. Kung... kung hindi ka naman busy, pakisama- samahan mo na lang muna si Diane."

"S-sure."

"Okay, thanks."

"Ingat sa pagda-drive," aniya.

Tinungo na nito ang kotse. Tumalikod naman na siya

upang pumasok sa gate para lamang muling tawagin nito. Nang pumihit siya paharap ay naroon na ito malapit sa kanya. Bago pa siya makahuma ay hinalikan na siya nito nang mabilis sa mga labi. Mabilis din itong nakatalikod. "Goodnight. See you in three days. We'll talk when I get back, Drew. And this time I'm going to make you listen to me," wika nito bago sumakay sa kotse at pinaandar iyon.

Naiwan siyang nakatulala at habol ng tingin ang kotse nito. Wala sa loob na dinama niya ang mga labing hinalikan nito. Kasabay niyon ay sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Oh, how she missed him so!

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon