Last Chapter

126 6 0
                                    

HINDI maalis-alis ang ngiti sa mga labi ni Riley habang nagmamaneho pauwi sa bahay niya. Ang bahay na tinutukoy niya ay kanyang sariling bahay. Natapos iyon dalawang taon na ang nakararaan. Iyon ang bahay na gusto niyang pag-uwian kay Drew. Iyon ay kapag nagawa na niyang magtapat sa dalaga at kung tatanggapin nito ang pag-ibig niya.

God, sana naman...

Halos masabi na niya rito ang damdamin niya kanina. Ngunit pinigilan niya ang sarili sa huling sandali dahil ayaw niyang magtapat, pagkatapos ay aalis naman siya. Pagbalik niya mula sa business conference na dadaluhan ay gagawin na niya ang dapat gawin. Hindi siya papayag ya na makasingit pa ang Eric na iyon.

Hindi niya makakalimutan ang pagkabigla sa mukha Dit ni Drew nang nakawan niya ito ng halik kanina. How he ya wanted to prolong that kiss.

I love you so much, my Drew... nasambit na lamang  niya sa kanyang isipan.

DREW missed Riley the whole three days he wasn't around. At nang araw na iyon ang dating nito. Kaya naman tse hindi siya mapakali. Sa ginawang paghalik nito sa kanya ing ay alam niyang may naiwang tanong sa pagitan nila. At mis nangako itong mag-uusap sila pagdating nito.

Nang bumukas ang pinto ng opisina ay agad siyang nag-angat ng tingin. Ngunit hindi si Riley ang iniluwa niyon kundi si Diane.

ang "Hi, Drew! Nagsabi si Riley na didiretso na lang siya na rito sa office kaya pinapunta na lang niya ako rito para yon makuha ko na agad ang mga pasalubong na ibinilin ko," na natutuwang wika nito sa kanya.

Dalawang beses silang lumabas ni Diane habang wala si Riley. Noong minsan ay hindi natuloy dahil sinundo siya ni Eric sa opisina nang walang pasabi at inanyayahan  para sa isang dinner. Dahil nahiya siyang tanggihan ito ay pumayag na lamang siya. Iyon ay pagkatapos sabihin  ni Diane sa kanya na okay lang dito at kay Eric na lang  siya sumama.

Sa paglabas nilang iyon ni Eric ay sinabi na niya agad na hanggang pakikipagkaibigan lamang ang kaya he niyang ibigay rito. Nang tanungin nito kung dahil ba iyon ga kay Riley ay hindi na siya nagkaila pa.

"Nakaka-miss din ang lalaking iyon, 'no?" ani Diane sa sa kanya nang maupo ito sa silya sa harap ng mesa niya.

"You want juice or coffee?"

"No, thank you. Katatapos ko lang mag-coffee bago t umalis ng bahay nina Riley. Anyway, how did your date with Eric go?" tanong nito. "May pag-asa ba iyong tao sa iyo?"

Napangiti siya bago umiling. Nakita niyang lalong lumiwanag ang mukha nito. "I knew it! Kaya nga pinilit na kitang sumama kay Eric para masabi mo sa kanya na hindi siya ang mahal mo kundi iyong-" Natigil ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Riley.

Halos sabay pa silang napatayo ni Diane. Ngunit nauna itong sumalubong sa binata. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili.

"Welcome back!" ani Diane, sabay yakap kay Riley.

"Parang isang taon akong nawala, ah."

"How was your trip?" nakangiting tanong niya sa binata.

Nagtataka siya kung bakit pilit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Fine." Pagkasabi niyon ay pumasok na - ito sa opisina nito kasama si Diane.

Nagtaka siya sa ikinilos nito. Hindi ganoon ang inaasahan niyang reaksiyon nito. He kissed her before he left for Singapore. He promised they would talk. Bakit ganoon ito ngayon sa kanya?

Namalayan na lamang niyang napasunod na pala siya sa opisina nito. "Coffee?" tanong niya rito.

"Please." anito.

"Ito na ba ang mga pasalubong ko?" narinig niyang tanong ni Diane habang nagtitimpla siya ng kape.

"Yes. Nandiyan na lahat ng bilin mo," sagot ni Riley. Nang mailapag niya ang kape sa mesa ng binata ay tiningnan siya nito. "Iyong plastic bag na nasa couch, it's for you, Drew," anito sa kanya.

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon