Chapter 52

62 2 0
                                    

Pagkaen

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Tumayo ako at bumati sa kanila. Tumayo naman ang isang board at lumapit sakin. Nagitla naman ako sa ginawa niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito.

"Hello, Marionne. Napakaganda mo sa tanghali. Ako nga pala si Jason Ramos, you can call me Babe." Sabi nito. Napangiti lang ako ngunit naestatwa ako ng makita ang nakairap na mata ni Brayden na nakatingin saamin.

"So much for that Jace, we're here for the meeting not for flirting.." nakakatakot na sabi ni Brayden.

Agad ako napalunok sabay bawi ko sa kamay ko kay Sir Jason.

Tumawa naman si Sir Jason. "Maybe later? We can go out for lunch?" tanong niya sakin.

"Jace!" tumaas na ang boses ni Brayden.

"Ok!" Natatawa naman si Sir Jason. At bumalik na sa upuan niya.

Naupo na din ako. Kasabay nun ay ang pagkiliti sakin ni Sandy.

"Uy! Sabi sayo makakahanap ka ng fafa rito eh.." aniya.

Umiling ako. "Loko, tumigil ka dyan..." sabi ko naman.

"Tignan mo si putok-labi oh... Ang sama ng tingin sayo" sabay tawa niya. Napatingin naman ako sa gawi ni Ms. Lalaine, at totoo nga. Parang kakaen ito ng tao sa titig niya sakin. Nakakatakot tuloy. Hindi ko nalang siya tinignan at nagpatuloy sa pakikinig sa meeting.

Halos 20mins ang tinagal ng usapan. Naubos lang ang oras ko sa paninitig kay Brayden. I can't help it, I really miss his face, all things from him. Hayyy

"Okay, the meeting is adjourned" sabi ni Sir Brayden.

Nagsiayos na kami ng gamit nang bigla siyang magsalita. "Ms. Esguerra, procede to my office now..." aniya saka lumabas sa pinto ng AVR.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Lahat sila nakatingin sakin. What? Anong ginawa ako at pinapapunta niya ako sa office niya? My toes started to shake. Fck!

"You're dead!" sabi Ms. Lalaine sabay halakhak.

Nag-ayos nako ng gamit kahit sobrang kabado. Hindi ko kasi mawari kung anong kailangan ni Brayden sakin. After how many months ay makakaharap ko ulit siya.

"Okay lang yan Marionne..." nangingitu si Sandy sa gilid ko.

Tumango lang ako at ngumiti. Naglakad na kami ni Sandy papunta sa kanya-kanyang office namin. Ibababa ko lang ang gamit ko doon at pupunta na sa office ni Brayden, I mean Sir Brayden.

"Goodluck!" sabi pa ni Sandy.

Grabe! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Naglalakad na ako papunta sa office ng Chairman. Napapadasal nalang ako dahil sa kaba. Ano kayang dapat maging reaksyon ko? Should I stay calm? Should I stop myself to hug him? Argg! God knows how I want to hug him tight. God! I missed him.

Nagpakawala ako ng tatlng malalalim na buntong hininga bago kumatok sa pintuan.

"Come in..." sabi lang sa loob.

Sht! This is it!

Bumungad sakin ang malamig na hanging nanggagaling sa aircon. Agad tuloy akong nanginig. Kinakabahan na nga ko, super lamig pa dito sa office niya. Namataan ko syang nakaupo sa swivel chair niya. May binabasa siyang mga papeles. Nakapolo na siya ngayon, tinanggal niya ang kanyang coat. Ang gwapo talaga!

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon