Richie
Nasa kalagitnaan ng biyahe ay nakatulog siya sa bisig ko. Karga-karga ko siya. Hinihimas ko ang buhok niya at hinalikan ko ang noo niya.
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko. Mahal na mahal kita Scarlet, kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon sobra saya ko." Sabi ko.
Pagdating sa bahay pumasok ako sa kwarto at maingat ko siya pinahiga sa kama ko. Binuksan ko ang Aircon at bago kinumutan ang Katawan niya.
"Bro sino ang bata yan? Umalis ka mag-isa, pag-uwi mo dito may kasama kana bata babae?" Tanong ni Zeke.
Pinasadahan ko siya ng tingin.
"Pwede ba huwag ka nga maingay Zeke, nakikita mo naman natutulog siya" sabi ko sa kaniya.
"Okay fine. Mabuti dumating kana dahil aalis ako" Saad niya.
Kinagat ko nalang ang labi ko.
"Umalis kana nga" sabi ko sa kaniya. Inutusan ko si Manang Delia na pumunta sa Mall para bumili ng mga damit at gamit ni Scarlet.
Umalis si Zeke. Gagala na naman ang isang yun. Mahilig sa gimik at party-party kasama ang mga barkada.Inalis ko sa paa niya ang doll shoes. Medyo malinis ang bestida niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
Hindi ako makapaniwala na anak ko talaga ang bata ito. Malinaw na malinaw ang pagkasabi niya na anak siya ni Veronica Aguas. Siya ang bunga ng pagmamahalan namin ng nanay niya. Malapit na matupad ang mga pangarap ko na mabubuo kami tatlo at bubuo kami ng masaya pamilya.
Sa wakas dumating si Manang Delia. Binili niya lahat ang pinabili ko sa kaniya sa Mall.
"Congressman ito na po ang pinabili mo" Saad niya.
Ngumiti ako sa kaniya."Maraming salamat Manang" sabi ko. Kasama ko talaga si Manang Delia kung saan ako mag travel. Siya ang nag-alaga sakin noon bata pa ako sa Orphanage. Malapit ang loob ko sa kaniya. Five years old ako ng inampon ako ng mag-asawa Montero. Binigyan ng Pangalan at apelyido, Pinag-aral sa maganda School at minahal na tunay na anak kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila.
"Walang anuman Congressman" sabi niya.
"Kapag Nakagising siya Manang paliguan mo siya at pakainin, lahat ng gusto niya ibigay mo." Sabi ko.
"Sino siya Congressman?" Na intriga tanong niya sakin.
"Anak namin siya ni Veronica Manang. Diba alam muna ang tungkol sa amin dalawa" sabi ko.
"Paano mo nalaman na anak mo siya kay Veronica?" Tanong niya.
"Sinabi niya sakin ang Pangalan ng Mommy niya, tugmang-tugma sa Pangalan ni Veronica at ang pangalan niya Scarlet Richie Montero" sabi ko.
Napaawang ang bibig niya.
"Ganun ba Congressman" Aniya.
"Yes! Manang alagaan mo mabuti ang anak ko ah. Kung ano ang gusto niya ibigay mo. Marami food sa kitchen. Ikaw na ang bahala sa kaniya dahil may kakausapin lang ako saglit" Saad ko. Hinawakan ko ang balikat niya.
"Okay Congressman ako na ang bahala sa anak mo" Saad niya.
"Thank you Manang" sabi ko. Binalingan ko ng tingin si Scarlet habang natutulog sa kama. King size ang kama kaya pwede siya pagulong-gulong.."Anak alam ko na miss muna ang Mommy mo. Maiwan muna kita saglit ah dahil may gagawin lang ako saglit. Babalikan kita" hinalikan ko siya sa pisngi."Ang cute mo talaga"
Lumabas ako sa kwarto ko. Parating na ang tao gusto ko makausap. May nag doorbell kaya pinagbuksan ko ng pintuan.
"Charlie bakit ngayon kalang?" Kumunot ang noo niya. Pumasok siya sa loob ng bahay.

YOU ARE READING
PS #3 My Hot Tito [R-18] Complete
RomanceRichie Montero most outstanding Congressman sa Sitio Espanola sa bayan ng Bicol. Mahal niya ang tao bayan kaya nanatili siya sa puwesto bilang isang Tanyag at sikat na Congressman sa Nasabi lugar. Sa tuwing nakikita niya ang babae nagpapainit ng kat...