ATHALIA'S POV
"Lilipat siya sa Benison?!" bungad ko agad kay Mama.
"Oo, ano namang problema? Maganda nga 'yon nang magkakilala kayong mag-kapatid." sagot naman nito.
I immediately rolled my eyes. "Hindi ko nga siya kapatid. Tsaka, paano? Ang mahal ng tuition sa Benison, sinong magpapaaral sa kanya?"
"Kami ni Nelson, mag-loloan kami para sa pampaaral niyo." sagot nito.
Agad naman napaawang ang bibig ko sa sinagot ni Mama. "Pampaaral niya. Hindi pampaaral namin. Simula nang mawala si Ate, hindi mo na ako sinuportahan. Emotionally, mentally, lalo naman financially. Ang sabi mo tumigil muna ako, dahil wala ng pera. That's why ako na ang nagpaaral sarili ko, how come na hindi mo kayang suportahan ang sarili mong anak, tapos nagawa mong umutang para sa anak ng ibang tao?"
"Athalia..."
"Grabeng effort para sa anak ng iba, pero bulag-bulagan pagdating sa sariling anak? Hindi mo nga ako magawang tulungan sa kaso ng Ate ko na anak mo rin. Hindi mo nga ako masustentuhan, pero pagdating sa putanginang Nelson na 'yan at sa anak niyang pakarat, go lang? Anong klase kang ina? Bakit ang sakit-sakit mong maging ina?" sabi ko at naglakad na papasok sa kwarto ko.
Isiniksik ko ang mukha ko sa unan ko, hindi ko na alam ang paglalagyan ng inis at sakit na nararamdam ko. Bakit ba kasi ang unfair ng mundo? Bakit pa kasi nauso ang katulad ni Nelson at Aliana sa mundong 'to? Bwisit talaga.
Kagagaling ko sa bahay nila Rana, nag-movie marathon kami pero hindi ko rin naman naintindihan ang pinanood namin dahil sa nalaman ko. Bwisit, panira talaga sa buhay ko ang mag-amang 'yon!
*beep*
Agad ko namang kinuha ang phone ko mula side table ko at bumungad sa akin ang pangalan ni Ate Tina.
From: Ate Tina
Hello, Tata! Ask ko lang, nasa sayo ba ang phone ni Akime?Napaisip ako sa tanong ni Ate Tina, simula nang mawala si Ate wala sa kahit na anong gamit niya ang nahawakan ko. Sa pagkakatanda ko, nasa kwarto niya lahat. Hindi rin naman ako nakakapasok doon, dahil nakasara na ito.
To: Ate Tina
Sa pagkakatanda ko nasa kwarto niya pa rin ang lahat ng mga gamit niya.From: Ate Tina
Hindi ka ba nagtangkang pasukin ang kwarto niya?To: Ate Tina
Wala ang susi sa akin, ate. Nakasara 'yon eh.From: Ate Tina
Find the keys. Sigurado akong may mga impormasyong nakatago r’yan tungkol kay Akime including the ripped paper na biglang sumulpot sa kwarto mo.Hindi pa man ako nakakapag-reply ay nag-text na naman si Ate Tina.
From: Ate Tina
You have to find the keys, lalong-lalo na ang phone niya. Trust me, Tata. Kilala ko ang Ate mo, mahalaga sa akin ang Ate mo. Kukunin natin ang hustisyang para sa kanya.***
Maaga akong nagising ngayong araw, pinapupunta kasi kami ni Ate Tina sa THE JOURN ngayon upang simulan ang mga article na gagawin namin. Hindi na naman kinuha pa ang permiso ng nakatataas at maging nang adviser namin sa club namin, dahil ayon kay Ate Tina karapatan ng mga estudyante sa Benison na malaman ang mga nangyayari sa paaralang pinapasukan nila. Lalo't may namamatay na. May pinapatay na.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Misterio / SuspensoMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...