Kabanata 4 -

3 2 0
                                    

Someone's pov

Bigla na lamang dumilim ang paligid. Wala akong makita at may mga yapak akong naririnig papalapit sa kinaroroonan ko. Bumukas ang pinto at nagkaroon na ng ilaw, dito ko naaninag ang pumasok na isang lalaki. Matangkad at makisig, medyo mas matanda ito sa akin ng kaunti ngunit gwapo pa din ang itsura.

"How's my favorite creation, my beautiful Rubylin." Saad nito at agad namang nangilabot ang buong pagkatao ko. Kaagad kong inilipat sa ibang section ang nasa screen.

"Sir Anthony..." Hindi ko akalaing makikita kong muli ang lalaking sumira sa buhay ko at ng buong eskwelahan na ito. Isa siyang hayop at baliw!

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Sabi ko at nginitian ito kahit na gusto ko na siyang patayin ora-mismo.

"Well, napadalaw lang ako dahil madami nanaman ang mga bagong estudyante." Lumapit siya sa akin at inakbayan ako at tumingin sa screen. "Do you see anyone with the same potential as you?" Tanong nito at ngumisi ng nakakadiri.

"You're nothing but a madman!" Isip ko.

"You've already had your first lab rat?" Tanong ko pabalik. Alam kong may ginawa siya kay Jet dahil ibang tao na ang kasama nila ngayon.

"You know me so well. I've only injected him with the serum 002 to alter the way he thinks. It's still in trial phase though." There he goes with those serums. He said his serums can control people and change the world.

"Pero wala pa ding makakapantay sa serum 001, the very serum you were injected with." Dagdag niya. The serum he injected in me made me insane. That serum...it's all his fault this happened.

"I'll be going now. See you around Rubylin." Paalam niya at lumabas na. Sigurado akong mag hahanap nanaman siya ng susunod na biktima.

Ibinalik ko ang cctv sa room ng B6.

"Kailangan na nating kumilos bago maulit ang lahat." Nakita kong nagkakagulo sila kaya naman pinakinggan ko ang mga sinasabi nila.

"Panong mamamatay Sam? Diba sinapak mo pa nga siya?" Sarkastikong tanong ni Ashlee.

"Nakita nga namin siyang namatay! Diba Gab?!" Sagot ni Sam at tumango naman si Gab.

"Kung totoo ang sinasabi niyo, sino ang Jet na kasama natin?" Sabat ni Melo at nagkaroon ng konting katahimikan.

Gusto kong mag salita ngunit hindi ko kaya. Magagawa ko lamang iyon kapag nagkaroon ng power outage. Pag nag salita ako ngayon ay maririnig iyon ng office at masisira lahat ng mga plano ko.

"Sa ngayon ay huwag muna nating pagkatiwalaan si Jet." Suhestiyon ni Merlinda na sinang-ayunan naman ng nakararami.

Mabuti na lamang at ako lamang ang nakakarinig sa section nila mula sa cctv dahil noong nag aaral pa ako dito ay nilagyan ko ng hidden mics ang mga cctv. Matagal ko plinano na patumbahin ka Anthony at gagawin ko ang lahat magtagumpay lang.

Lumipas ang oras at uwian na. Nag paiwan sila Jezy, Karl at Shane upang pumunta sa library. Habang papunta sa library ay naging tahimik at maingat ang tatlo. Nang makarating sila ay nakakandado na ito.

"Pano tayo niyan?" Nag aalalang tanong ni Shane.

"Sirain na lang kaya natin?" Suhestiyon ni Karl.

"Hindi pwede! Lagot tayo pag ginawa natin yon!" Pabulong na sigaw ni Shane dito.

"Gamitin niyo to." Sabi ni Jezy at inabot kay Karl ang susi. "Dating katulong ng librarian ang kuya ko kaya may spare key siya, iniwan niya sakin yan bago siya mamatay." Paliwanag niya.

Kaagad nilang binuksan ang lock at pumasok sa loob. Madilim kaya naman nagtangka si Karl na buksan ang ilaw ngunit pinigilan siya ni Jezy at binuksan ang flashlight mula sa phone nito.

Naglakad lakad sila at napunta sa dulong bahagi ng library kung saan ang mga libro ay walang label. Nakakandado din ang mga ito kaya sinubukan nila na sundutin ito ng manipis na bakal, mabuti na lang at gumana ito. Isa-isa nilang binuklat ang mga libro at binasa ang mga nilalaman nito.

"Parang...diary?" Sabay nilang bigkas.

"Anthony? Sino si Anthony?" Tanong ni Shane.

"Narinig ko na ang pangalan na yan kay kuya, pero hindi ko masyadong matandaan." Sagot ni Jezy.

"Tignan mo Jezy, kapatid mo ba siya?" Sabi ni Karl ng makita ang isang lalaki na kaapelyido ni Jezy.

Nakatala dito na namatay ito dahil hindi kinaya ng katawan niya ang "serum 001" na siyang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

"Kuya..." Naluluhang sambit ni Jezy.

Dali-dali nilang kinuhanan ng litrato ang mga mahahalagang impormasyon nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang guard. Agad nilang inayos ang mga libro at nagtago. Hindi naman sila nakita ng guard at umalis na.

Tumayo sila at muntik nang matumba si Jezy, mabuti na lamang ay nasalo siya ni Karl.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Karl habang nakatitig sa mga mata ni Jezy.

"Oo." Sagot naman nito sa kanya naglakad na sila papunta sa pinto ngunit nang buksan nila ay nakakandado na.

"Pano tayo nito?" Tanong muli ni Shane.

Bigla naman nilang naramdaman na may tao sa kabilang side ng pinto at kaagad na tumahimik.

"Akin na ang susi. Tutulungan ko kayo." Bulong sa kanila ng isang babaeng pamilyar ang boses.

"Mapagkakatiwalaan ba natin siya?" Tanong ni Jezy.

"Wala tayong choice." Kinuha ni Shane ang susi at isinuot sa ilalim ng pinto. Matapos ang ilang segundo at bumukas ito.

"Ma'am Wendy?" Sabay-sabay nilang bigkas.

"Bilisan niyo at tumakas na kayo bago pa kayo makita ng guard." Utos nito at inabot ang susi sa kanilang tatlo. Agad naman silang lumabas ng school at umuwi.

"Ingat kayo ha? Jezy okay ka lang ba? Gusto mong ihatid na kita?" Alok ni Karl dito.

"Ako di mo hahatid?" Biro ni Shane ngunit nginitian lamang siya ni Karl.

"Hindi na, ingat kayong dalawa." Paalam ni Jezy at umalis na.

"Okay lang kaya siya?" Alalang tanong ni Karl.

"Sana ayos lang siya— umuwi na tayo at gabi na." Aya naman ni Shane at umuwi na din sila.

B6 11 - Unang TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon