STEVE'S POV
I am not really into parties. I hate celebrations. Hindi ko kaya makipag plastikan sa mga di ko kilala. I will rather stay at home playing guitars than attending.
Pero sa invitation ni Mrs. Abueva, CEO of Abueva Development Inc. ay wala akong choice. I have to, para to sa company lalo pa at isa itong malaking account na kailangang kailangan ko to prove sa father ko na I made the right decision to start from the scratch.
At ang isa pa sa di ko inaasahan ay ang kondisyon nito sakin.
Pipirmahan lamang daw nito ang contrata kapag isinama ko sa party si Alora. Di ko alam kung ano ang mayroon sa secretary ko at parang natuwa ito sa kanya.
"Mr. Steve may party ako bukas as a celebration of 25 years of ADI. I want you to be there with your secretary, Alora." Naalala kong sinabi nito kahapon.
"Don't forget that or else I will not sign the contract." Dagdag nito at ngumiti. "Make her beautiful, okay?"
So ayun, wala na nga akong choice. Mamayang gabi na ang party. Mabuti na lamang at may friend akong isang sikat na fashion designer at stylist. Kinausap ko ang mga ito para gawan kami ng masusuot ni Alora. Sinabihan ko na rin ang stylist na siya na ang bahala para ayusan si Alora.
'Hey, Alora. Be there in Marco couture 3 pm and I will pick you at 6'. Text ko kay Alora. Mabuti nalang at Saturday ngayon. I can take a rest bago ko daanan si Alora.
Humiga ako sa kama. These past few days, parang ambilis lang lumipas ng araw. Hindo ko alam kong hilahin ang araw para agad na lumipas.
Maybe pressured lang ako dati lalo na at ipinagkatiwala sakin ang firm.
Ngayon, mas gumaganda na ang takbo nito. Hindi na ako nahahassle lalo na nung dumating si Alora.
Alora? Why her?
Napailing ako. Ganun na ba kalaki ang inpluwensya sa akin ang babaeng iyon at lagi ko nalang naiisip?
"Tsk! Come on Steve. Wake ip. Hindi ka dapat basta basta magkagusto sa babaeng di mo pa gaano kilala!" Napailing kong sabi sa sarili.
Wait! Gusto? Nagkakagusto na nga ba talaga ako? Damn!
Naramdaman kong bumigay ang talukap ng aking mga mata. Napapikit ako.
Pagdilat ko.
Tumambad sa akin ang maliwanag na kapaligiran. Asul na ulap at luntiang palayan.
Nasaan ako?
Napaupo ako. Nasa ilalim ako ng isang puno. Malamig at presko ang simoy ng hangin. Naririnig ko ang huni ng mga ibong naglalaro sa mga sanga ng puno.
Napangiti ako. Ang ganda ng tanawin. Ganito ang nais nanaisin kong makita compared to skyscrapers in the city.
Luminga linga ako at tinanaw ang kapaligiran. Kay gandang pag masdan.
Sa di kalayuan ay may nakikita akong hardin ng mga rosas. Pink ang mga kulay nito. Waring hardin. Na nasa mga pelikula ko kamang makikita.
Tumayo ako at lumapit sa hardin. Gusto kong maamoy ang mga bulaklak. Parang may kung anung humihila sa akin para tumungo doon.
At nang makalapit na ako, lumitaw ang isang babae. Babaeng nakasuot ng puting gown pero di ko maaninag ang kanyang mukha. Natatapatan ito ng ilaw ng araw kung kaya di ko makita.
Tinitigan ko sya. Isa ba syang diwata? Prinsesa? Bagay na bagay sa kanya ang suot niya at ang hardin. Akma ko syang lalapitan nang.....
"Sir? Nandito na po ang suit nyo." Narinig kong sabi ni Aling Inday, kasambahay namin. Iminulat ko ang aking nga mata. Panaginip lang pala ang lahat.
YOU ARE READING
DESTINY UNCHANGE: TALE OF TWO LIFETIME
FantasyDalawang tao ang labis na nagmamahalan sa isa't isa, at nakatali ng Red String of Fate nang napakalapit, na sila ay magkikita at magmamahalan sa tuwing sila ay muling magkatawang-tao, habang-buhay. What do you think reincarnation is? Do you believe...