Page 53

21 3 0
                                    

"Please cheska mali yung mga narinig mo"andito ngayon si warren sa condo nila karina. Nag mamakaawa na bumalik na kami sa condo niya.

Wow ngayon lang niya nakita yung halaga naming tatlo kung kailan umalis kami sa buhay niya, grabe ka talaga warren.

"Warren tama na, tama na yung naging masaya tayo"buti nalang lumaki ako na hindi iyakin kaya sa tuwing problemado ako hindi ako agad agad umiiyak. At baka kung umiyak ako sa harap nito ikwento na sa tropa na napaiyak niya ang tulad ko. Ulol warren.

"I'm really sorry cheska"umiiyak na sambit nito, wow siya naka sakit siya pa may ganang umiyak sa harap ko. Grabe kana talaga warren.

"Warren umuwi ka na"sambit ko at lumayo sakaniya, naiinis ako kasi tinitibok ng puso ko na sumama ulit sakaniya at kalimutan nalang ang nanyare pero tangina hindi madali kalimutan yung mga narinig ko hanggang ngayon masakit pa rin sakin.

"Sana pag balik ko dito sumama na kayo sakin pauwi"huling sambit neto at lumabas na ng condo.

Ilang araw na din naka lipas nung pumunta dito sa warren, sa loob ng ilang araw na 'yon at naka hanap ako ng trabaho at naka ipon ng kahit kunti para maka lipat na sarili naming condo.

Nag ipon ako para makalipat na kasi sobrang nahihiya ako kay karina, kahit minsan lang siya umuwi sa condo niya parang nagiging samin na 'yon. Kaya nakapag isip ako na aalis na muna kami dito at babalik nalang kami pag dadalaw sakanila.

"Mamimiss kita sadie"mangiyak iyak na sambit ni karina sa anak ko, nakapag paalam na kami kay karina na aalis na kami sa bahay niya nung una ayaw niya pa kasi nag eenjoy daw siya mag alaga ng bata. E kung gumawa na sila na hayes para sobrang maenjoy niya diba.

"Me too tita"sagot ng anak ko at niyakap si karina, ihahatid niya kami sa na kuha kong condo pero andito palang kami sa condo niya nag papaalam na yung dalawa jusko talaga.

"Teka nga ang drama niyo mag tita ihahatid mo pa kami, mamaya na kayo mag paalam sa isa't isa. Tsaka pwede ka pa naman pumunta kay tita karina na sadie pag hindi siya busy or wala kang pasok diba?"paliwanag ko sakaniya, na pag usapan na namin 'to kaya alam kong maiintindihan ni sadie. Pero jusko kabaliktaran umiyak pa siya akala mo mag aabroad na kami.

Napag isipan ko din na pag nag isang taon na si cam doon na ulit kami titira sa bahay ko, tinawagan ako ng kapatid ni warren na umalis na siya kasama naging boyfriend nito. Kaya walang nang naka tira doon.

Pag kahatid nila samin ay umuwi agad sila kasi may work pa daw si karina, buti nalang naayos na namin yung gamit namin dito bago kami lumipat. Nag patulong na ako kay hayes naka raan para madala dito yung mga gamit naming tatlo. Habang si karina ang nag babantay sa dalawang bata.

"Mommy malapit lang po ba dito school ko?"tanong ni sadie habang nilalabas yung mga damit niya sa maleta. Mga damit nalang ang aayusin namin at pwede na kami tumira dito.

"Yes baby, i think 10 minutes lang ang layo ng school mo hanggang dito"dahil walang mag hahatid kay sadie tuwing papasok siya, pinasama ko nalang muna siya sa school bus habang hindi pa ako nakakabili ng sasakyan namin.

Malaking laki pang ipon ang magagawa ko pag kumuha ako ng sasakyan, ibebenta ko nalang pag paalis na kami dito. Para pang dagdag gastusin sa america.

Pero ngayon mag fofocus muna ako sa mga anak ko, kumuha na din ako ng kasambahay para may mag asikaso sa mga labahan namin sa tuwing busy ako.

Pag may work naman ako isasama ko nalang si cam doon at si karina nalang ang papabantayan ko sana nalang may pasok si sadie non.

Next week may tatlong trabaho ako at medyo malayo yon dito kailangan ko pa bumyahe para maka punta doon, maiiwan ko kila karina nag dalawang bata at pinahiram naman niya sakin ang sasakyan niya.

Pag tapos namin mag ayos ng mga gamit sakto naman may nag door bell, pag silip ko sa butas ay yung kinuha kong kasambahay.

Hindi na ako kumuha ng yaya ng mga anak ko kaya ko naman alagaan sila, medyo malaki din yung condo na nakuha ko. May tatlong kwarto nasa master bedroom kaming tatlo at yung kasambahay naman namin ay sa isang kwarto. Ang isa naman ay gagawin kong play room nilang dalawa.

"Goodmorning po ma'am, ako po si maria"pag papakilala sakin ng kasambahay ko, magandang bata mahaba ang buhok at singkit yung mga mata, may kaputian ito hindi sobrang puti tulad ni sadie pero sakto lang para sakaniya.

"Ilan taon?"hindi na kasi humihingi ng mga papel, may tiwala naman ako.

"19 po"sagot nito at nakita kong yumuko siya, hindi ko alam kung nahihiya siya kasi sa edad niyang 19 nag tratrabaho siya bilang kasambahay habang yung mga kaedaran naman niya nag aaral.

Hindi ko na muna siya pinaluto ng dinner kasi nag pa food panda nalang ulit ako, wala pa kasi akong grocery dito kaya wala din siyang maluluto.

"Yung kwarto mo don malapit sa sala, 'wag kang mag papapasok ng kahit sino sa kwarto mo or sa loob ng condo ko"paliwanag ko habang karga si cam.

"Yes po ma'am"tipid na sagot nito habang naka yuko pa rin.

"Hindi lang yung condo namin ang titignan mo ha, pati yung dalawang bata"sambit ko at nilagay sa crib si cam. Antukin talaga si cam simula nung pinanganak ko siya wala akong problema sakaniya sa tuwing umiiyak siya kasi bigyan mo lang siya ng gatas kusa na siya tatahimik.

"Matulog ka na, bukas samahan mo kami mag grocery"sambit ko sakaniya.

Hindi ko pa siya nakikitang naka ngiti simula nung dumating siya, hindi ko alam pero pakiramdam ko may problema siya.

"May problema ka ba?pwede ka mag sabi sakin"dagdag ko pa dito.

"Nako po ma'am wala po, ganto lang po talaga ako"nag mamadaling sagot nito.

"Sige matulog ka na"sagot ko at kinuha si cam at pumasok na sa kwarto namin.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now