BAGONG KALABAN

247 11 0
                                    

"Ano? Hindi ko narinig, sorry." Lingon ni Estacie kay Eckiever.

Napa-kibit balikat naman ang lalake bago hinilot ang noo. "Nevermind. Baka gusto mo nang bumalik sa kwarto mo upang makapag-pahinga, ihahatid na kita."

Inisang lagok ni Estacie ang laman ng kanyang kopita bago humarap sa Duke. "Nope! Kaya ko na bumalik doon. Ikaw, wala kabang trabaho?"

Magkasabay na lumabas ng dining hall ang dalawa at binaybay ang pasilyo kung saan napapalamutian ng mga malalaking larawan ng mga dating kapamilya ni Eckiever. Sa itaas naman ng ceiling ay naroon ang malalaking chandelier na kung susuriin ni Estacie ay gawa sa ginto.

"I did my work already. Bagamat may ilang reports na kailangan kung marinig."

"Then, hindi na muna kita iistorbohin. Bukas, gusto ko na rin bumalik sa mansyon. Baka nag-aalala na rin sa akin si Mommy Vista."

"Rest assured, sinabi ko kay Tita ang nangyari. Yung Lolo at Lola mo naman ay ilang beses din na bumalik dito sa palasyo noong wala ka pang malay. Bagamat, kinailangan nilang umalis agad kahit pa hindi ka pa rin nagkakamalay."

Napahinto si Estacie sa paglalakad gayun din si Eckiever. "Dahil ba sa schedule nila o may iba pang dahilan?"

"Hindi ko masagot ang tanong mo na yan dahil hindi rin nila sinabi sa akin." Muling nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad.  "Pero narinig ko na sinubukang atakihin ang barkong sasakyan sana nila pabalik. Kaya napilitan ang Lolo mo na tanggapin ang inialok na tulong ng hari."

"Sinubukang atakihin? Ano namang tulong ang inialok ng hari sa Lolo?" Kunot noong tanong ni Estacie.

"Yeah.. Ayun sa report, pinutukan ng kanyon ang barko ng Lolo mo at medyo may nasira na bahagi. Kaya inialok ng hari ang isa niyang barko para gamitin ng mag-asawa pabalik sa kanila."

"Pero bakit parang nagmamadali na bumalik ang mga Lola? They should be waiting for me." Naguguluhan si Estacie sa nangyayari.

Bago kasi sila naghiwalay ng Lola at Lolo niya ng gabing nagkausap sila, nabanggit ng dalawa na isasama siya ng mga ito upang mapasyalan din niya ang lupang sinilangan ng kanyang namayapang ina.

"Ehem. Should we go to the garden to talk more about the matter?"

Napatango si Estacie at tsaka mabilis na tinanggap ang kamay na alok ni Eckiever. Magkahawak kamay silang tumungo sa hardin kung saan may magandang mesa at tatlong upuan na naghihintay.

Nang makaupo ay mabilis na niyang binawi ang kamay sa binata na natigilan din.

"So, tell me. Anong nangyare habang wala akong malay?" Pagpapatuloy ni Estacie sa paksa nilang dalawa.

"Ayun sa narinig ko, someone threatened them."

"Threat?! Siraulo ba ang taong nagbanta sa pamilya ng mama ko? Alam naman ng lahat na malakas ang pwersang hinahawakan ng Pamilya Hanvoc. Nagpapakamatay ba ang taong yun?"

"Yan din ang una kung naisip. Kaya lang, napag-alaman ng Lolo mo na may isang grupo ng sendikato ang kasalukuyang nang-gugulo sa mga negosyo ng Hanvoc."

"Saglit, why does it sound like, Scorpion doing? Ganyan na ganyan ang diskarte ng mga yun eh." Nasapo ni Estacie ang sentido habang naka-titig sa Duke at naghihintay ng sagot nito.

"Well, it's because, the leader of that syndicate is actually, Lucy's older brother. Yan din ang dahilan kung bakit, nag-assign ako ng mga kawal na mag-babantay sa Somyls mansion. Also, you will be accompanied by three guards na ako mismo ang nagtrain."

Natigilan si Estacie sa narinig. Ang kamay na naka-salo sa kanyang chin ay bahagyang gumeywang. Pero ilang sandali lang ay napa-tapik siya sa kanyang pisngi.

Naiintindihan niya ang pag-aalala ni Eckiever pero bakit parang gusto niyang biruin ang binata?

Napalunok pa si Estacie ng makita ang pamumula ng tenga ng binata kasabay ng pag-iwas nito ng tingin sa kanya.

"Hey!" Tawag pansin niya dito.

"What?" Tipid naman na sagot ng Duke.

"Sabi mo, naglagay ka ng kawal sa mansyon."

"En."

"Sabi mo din, nag-assign ka tatlong guards na magbabantay sa akin."

"En."

"Why?"

"To keep you safe, of course." Sagot ni Eckiever habang nakatitig sa kanya.

"Why?" Pigil naman ang ngiti na tanong ulit ni Estacie.

Sa halip na sagutin, mabilis na tumayo si Eckiever at tsaka lumapit sa kinauupuan ng dalaga. "Enough asking why, alam mo na rin sigurado ang sagot."

"Nope! Hindi ko alam ang sagot." Naka-tingalang sagot ni Estacie.

Ilang sandaling nag hinang ang kanilang mga tingin at walang sinoman ang nangahas na magsalita. Kung hindi lang umihip ang hangin, siguro matagal silang magtitigan.

"Let's go inside. Bago ka lang nagkamalay. Bawal kapa ma-expose ng msyado sa labas." Inialok ng binata ang sariling palad para alalayan ang dalaga sa pagtayo.

"I'm a saint. My body is well conditioned. So tell me, bakit mo binigyan ng mga guards-"

"Estacie-"

"Eckiever."

Halos maihilamos ni Eckiever ang mga palad sa mukha dahil sa frustration. Nang mapansin naman ni Estacie ang ekspresyon ng binata, napa-ngiti siya habang dahan-dahang tumayo.

"Hindi ko akalain na may ganyan ka din palang side. Akala ko kasi, puro lang pang-aaway ang alam mong gawin sa akin."

Dinaig pang tinamaan ng kidlat si Eckiever ng marinig ang sinabi ng dalaga. "Aren't you also the same?"

"Nang-aaway lang ako kapag inuunahan ako."

"Sinasabi mo bang ako ang palaging nang-aaway sayo?!" Ang lalim ng ikinunot ng noo ng Duke habang nakatitig sa sa dalaga.

"Hindi nga ba? Walang panahon na hindi mo ako inaway kapag nakikita mo ako. Inaabangan mo pa nga ako para awayin, remember?" Taas ang kilay na sagot ni Estacie.

Hindi na nga nakatiis, nahilamukos ni Eckiever ang mukha at ilang sandaling nanatili sa ganong pwesto.

"But now, I found them cute."

Napa-igtad lang ang binata ng marinig ang bulong ni Estacie sa kanya. Namumula ang mukhang napasilip siya dito. Hiyang-hiya sa sarili habang naaalala ang mga ginawa niyang pang-aaway sa dalaga.

"W-what?" Kanda utal na tanong pa nito kay Estacie.

"I said, the way I remember your actions before, and the way you acted right now..." Inilapit ni Estacie ang mukha sa binata na halos kalahating dangkal na lang ang layo.

Dahilan upang lalong mamula ang tenga at batok ni Eckiever. 

"Pfft... Cute." Ani Estacie bago inalayo ang sarili at nagpatiuna nang lumakad pabalik sa loob ng palasyo ng Duke.

Naiwan naman ang binata na habol ang hininga.  "Damn it!"  Mariing sambit niya habang nakatitig sa likod ng dalaga na naglalakad.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon