PART 127 🎭

116 3 1
                                    

THIRD-PERSON POV

Mavz was stunned when he spotted his friend and the guy exiting the warehouse. Concerned, he stepped out of the car and hurried towards them, but Pablo ignored him. They walked past Mavz and got into the car, driving off. Left behind, Mavz was filled with questions about what was going on.

 Left behind, Mavz was filled with questions about what was going on

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PABLO'S POV

Nang malaman ko na ako pala punot dulo ng lahat ng ito, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, kung sana hindi naging ganon ang trato ko, sana hindi nasaktan si Stell ngayon.

Mas lalo akong nasaktan nang maalala ko kung paano ang trato ko kay Stell dati nung hindi pa kami. Ganito ba ang naramdaman niya? Hanggang ngayon ba meron pading lamat sa dibdib niya, sa lahat ng masasakit na nagawa ko at salitang nabitawan ko?

Hindi ko mapigilang mapakapit ng mahigpit sa manibela, masyado na akong kinakain ng mga emosyon ko. Ganito pala pakiramdam kapag binawian ka at sa taong mahal mo pa.

Huminto kami sa liblib na lugar pinark ko muna ang sasakyan sa tapat ng poste ng ilaw bago maglakad kasama ng anak ng dating PA ko papasok sa isang eskinita.

"Oh buboy ginabi ka ata galing trabaho, sino yang kasama mo, kaibigan mo ba?" Bati sa kanya ng matandang babaeng pasara palang ng tindahan.

"Naku manang bebang huwag niyo akong alalahin, isara niyo na po ang tindahan at matulog na para bumata tayo ng 10 years." Pilit na ngumiti ang lalaking kasama ko sa mantang babae.

"Bolero ka talagang bata ka, bukas bumalik ka dito ako ng bahala sa agahan niyo." Masayang sabi ng matanda.

"Salamat po manang, goodnight po."

Habang naglalad kami, pasikip ng pakisip ang dinadaanan namin, halos hindi ko nadin maaninag ang daan dahil bilang lang ang poste ng ilaw sa eskinitang ito.

Napahinto naman ako ng huminto din ang lalaking kasama ko sa isang maliit na barong baro, binuksan niya ang pinto at sinabihan akong pumasok.

Napatakbo naman ang lalaki sa loob, papunta sa isang maliit na kwarto. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag lakad ang mga paa ko para sundan ito.

Habang papalapit narinig ko ang boses ng lalaking kasama ko kausap ang isang matandang lalaki.

"Hala tay basang basa ng pawis yang damit niyo, teka kuha ako ng pang palit. "

"Buboy ako na, kaya ko sarili ko."

"Tay naman huwag na po matigas ulo, ako na po."

Dahil sa maliit na ilaw sa mababang kisame, naaninag ko ang sinapit ng dating PA ko. Inaalalayan ito ng anak na maka upo, dahil hirap na itong kumilos dahil wala na ang isang paa nito. Nakaramdam ako ng awa sa nakita ko, bigla nalang nag balik sa alala ko ang itsura ng dating PA ko na malayong malayo na sa ngayon.

TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon