I love you; mahal kita; ikaw lang at wala ng iba. Yang mga katagang yan dyan ako naniwala at umasa pero sa huli nasaktan lang ako at iniwan.
I'm only 19 years old when I got pregnant and left by my boyfriend. Nang nalaman nya na buntis ako ayon nawala na parang bula. Hindi na nagpakita sakin, ni hindi ko na rin mahagilap. Bakit ko naman sya hahanapin? Dahil para panagutan nya ako. Siya mismo sa sarili niya alam niya kung ano ang nangyari at naging resulta sa ginawa namin.
Oo, may kasalanan din ako dahil naniwala ako sa mga binitawan niyang pangako. Padalos-dalos din ang mga desisyon ko at hindi muna inisip kung ano ang mga consequences kung gagawin namin yon.
I never thought that by doing those thing can make my life change. As in totally change. Totoo nga ang kasabihan na "NASA HULI ANG PAGSISISI." Pero ang nangyari na yon sa buhay ko ay natuto ako.
Hinusgahan ako ng mga tao pero natuto akong lumaban. Hindi ako nagpadaig sa mga panghuhusga nila sakin. Maski mga magulang ko pinandirihan at tinaboy ako.
Nung una inisip ko na ipalaglag na lang bata saking sinapupunan pero naisip ko may pagka iba pa ba ako sa isang mamatay tao. Wala, dahil ako mismo papatay ng isang bata na wala pang kamuwang-muwang sa mundo na sarili ko pang dugo't laman at saka hindi din naman nya kasalanan kung bakit siya nabuo.
Nang umalis ako samin ay nagsikap akong magtrabaho para may pangtustus ako sa sarili at sa baby ko. Nag ipon ako para saking kapanganakan. Namasukan akong dishwasher sa restaurant sa umaga at tumatanggap ako ng labahin sa mga kapitbahay tuwing day off ko.
Nagsikap ako ng maigi dahil hindi lang ang sarili ko ang iniisip ko. Nagdadasal ako araw-araw na sana maayos palagi ang baby sa tiyan. Nagpasalamat ako na may naging mga kaibigan ako na tumutulong sakin.
Lumipas ang buwan at mas halata na ang umbok ng tiyan ko. Patuloy pa din ako sa pagkayod. Maraming humanga sa katatagan ko sa buhay. Isa lang naman ang lagi kong sinasabi sa kanila na kung hindi ako magiging matatag para sa sarili ko magiging matatag ako para sa ANAK KO.
Hanggang sa manganak ako. Ako lamang mag-isa ang pumunta sa Health Center. Hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko. Ang iniisip ko lang ng mga oras na iyon ay makapanganak ako ng maayos at maging maayos din ang paglabas ni baby. Pumutok ang water bag ko pagkarating ko agad sa Health Center. Nagpasalamat ako ng malaki sa Diyos na pinaabot niya ako sa Health Center.
Nang marinig ko ang unang iyak ng aking anak hindi ko mapigilang umiyak din. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Umiiyak ako habang naka ngiti na hawak-hawak ko sa aking mga palad ang munting anghel na galing sakin.
FOR ME THAT WAS THE MOST UNFORGETTABLE AND HAPPIEST DAY IN MY LIFE. Wala man sa plano ko ang mabuntis at magkaroon ng anak ng maaga pero hindi ako nagsisisi. THAT'S THE BLESSING THAT I WILL NEVER FORGET.