Chapter 01

3.1K 67 3
                                    

Hinanda namin lahat nang dadalhin sa pagtitinda. May stall kami na mayroong permit malapit lang dito sa amin. Tatlo lang kaming nagtitinda. Si Skim ay minsan lang siya tumulong kasi iba yung raket niya at si Safara naman ay hindi naman interasadong sumama sa amin sa pagtinda. Taga-hatid at sundo lang siya namin dahil siya yung naka-toka sa pedicab.

"Paki-ayos nalang itong mga tupperware na nandito, Sack." Marahan kong utos sa kapatid ko.

"Okay, ako na diyan." sabi nito.

Nagpasalamat naman ako sa mahinang tono.

Umupo ako sa gilid at huminga ng malalim. Nakakapagod ngayong araw. At mas napagod ako doon sa problema ni Skim. Nakausap ko pa kanina yung kapitan ng barangay namin kung ano talaga ang nangyari, ang sabi ko lang ay pinag-awayan ng dalawa yung Wilbert na yun.

Makita ko lang talaga yung Wilbert na yun at talagang pagsasabihan ko siya na ang gwapo niya dahil pinag-aagawan siya ng daalawang—ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kagaling sa sarcasm.

Pinamaypay ko ang sarili ko gamit ang pinunit ko mula sa kahon sa gilid. Si Skan ay nagbabalat ng hinog na saging para gawing turon mamaya. Yung mga paninda namin. Si Sack naman ay piniglas niya ang plastic ng fish ball.

Tumayo narin ako para tulungan si Skan. Mayroon na kaming niroll sa may lumpia wrapper kanina sa bahay pero mabilis kasing maubos itong mga paninda namin kaya kailangan ng backups. Maswerte kami dahil nagkaroon kami ng stall dito sa may kalye. Daanan na kasi dito ng mga sasakyan kaya swerte nalang kung may pumarang sasakyan at may bumili sa amin.

Ang hirap kumita ng pera kaya lahat talaga ng maisipan naming itinda ay ititinda namin para magkaroon ng pera. Kaming tatlo nina Skim at Sack ay marunong manahi. Isa yun sa namana namin sa lola namin, mayroon siyang pamana sa amin na sewing machine kaya yun ang gamit namin sa pagrerepair ng mga damit o di kaya ay kung may nagpapatahi ay go lang kami.

Kung skill man namin yung pagtatahi ay mabuti nalang at mayroon kami niyan dahil sa pag-iwan ng mga mahal namin sa buhay, hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung hindi kami madiskarte. Hindi siguro kami makakapag-aral kung hindi kami nagtitinda, nagtatahi, o naglalabada.

Nagsimula na kaming magluto at may mga tao narin na lumalapit sa amin para bumili. Tulong-tulong lang kami dahil yung kikitain namin ay para sa amin din, pambili ng bigas at iba pang kakailanganin namin.

Sa isang oras naming pagtitinda ay dun lang may pumara na isang magarang sasakyan. Nagkatinginan kami ni Sack dahil ito yung unang beses na may pumarang isang sasakyan sa tapat mismo ng stall namin. May mga humihinto namang mga sasakyan pero hindi kagaya ng isang 'to na sobrang gara. Mas mahal pa nga yata ang kotse na'to kaysa sa tinitirahan namin.

May mga tao din na nakatingin sa sasakyan na yun hanggang sa bumukas ito at lumabas ang isang matangkad na lalaki. Akala ko noong una ay isang matandang lalaki pero hindi pala.

Nakasuot siya ng itim na polo shirt at pantalon. May makapal siyang buhok na malinis na nakasuklay tapos ay hindi masyadong maputi yung balat niya, parang kapeng barako na may krema na hinalo ang balat niya pero yung labi niya ay pink na parang yung kulay ng baby pink roses. Matangkad din siya at doon ako napamangha dahil yung kagaya niya ay napadpad sa ganitong lugar namin eh yung iba na mga feeling rich ay hindi nga dumadaan dito sa amin.

Tinignan niya ang mga paninda namin. Tapos ay tinignan niya yung mga kapatid ko pero nang dumapo ang kanyang tingin sa akin ay doon niya binuhos yung isang nakakalaglag na panga niyang ngiti.

Nagulat nga ako dahil nginitian niya ako ng matamis. Si Skan ay tinignan ako ng blanko pero yung mga mata niya ay tinutukso ako. Siguro sa pagtingin ng lalaki dahil ang bilis din ng mata ni Skan eh.

Leighton (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon