Trigger ⚠️: Harassment. You can skip this chapter if you're not comfortable reading it. Read at your own risk.
Gwapo sana kaso hindi gentleman. *umirap*
"Maduling ka sana"
Napatingin ako sa harap ko. Aba! Nasa harap si Prof ta's sakin siya nakatingin!
"Mabali sana leeg mo" sabi ko at dumila. Tumawa lang naman ang gagu at tumingin na sa harap. Batuhin kita ng papel eh! Kahapon ka pa sa library ha!
Nag-action pa ako na susuntukin siya.
"Ginagawa ninyong 'yan..... Baka kayo magkatuluyan. " nilingon ko si Dray at sa labas ng bintana ang tingin niya. Weird, wala namang tao sa labas ng bintana dahil class hours. Kami ba sinasabihan niya? Ay kung kami man, tsk....kahit maubos pa lahat ng lalaki sa mundo hinding-hindi ko gugustuhin na si Aries ang makakatuluyan ko!
"Kahit siya na lang ang lalaki na natitira sa mundo hinding-hindi ako papayag na siya ang makakatuluyan ko 'no. " bulong ko at saka umirap-irap sa ere.
"Yuck, mas lalo naman ako" napatingin ako sa Dahunan. Sakin na naman siya nakatingin. Umirap pa siya bago pinihit ang ulo paharap.
Tsk, nakakainis!
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───Ang gulo ng room! Parang preso na nakawala ang mga classmate ko, wala kasi kaming teacher ngayon dahil may meeting sila kaya ito,tawanan dito, sigawan doon──hayyss samantalang ako nape-pressure na sa reporting. Akala ko kasi madali lang, sobrang hirap pala. Hindi pa naman ako marunong makipag-away. Dagdag pa 'yong partner ko daw na hindi marunong tumulong. Puro cellphone!
Dumukdok na lang ako sa lamesa, susubukan kong umidlip. Inaantok na naman ako, kulang lagi ang tulog ko dahil sa trabaho ko.
Hindi pa ako nakakaidlip ay narinig ko na ang pangalan ko.
"Hello everyone. Nandito ba si Miss Lesley Zamora?" Tanong ng kung sino. Lalaki siya.
May naghahanap sakin! Wanted na ba ako?
"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya? " si Yukino ang humarap sa lalaki.
"Gusto ko lang sana makipagkilala sa kanya" sagot naman ng lalaki.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at tinakip sa mukha ko at pumikit ulit. Bahala sila dyan! Matutulog ako, pagod ako.
Pero hindi pa ako nakakatulog ay may humatak sa braso ko.
Ano ba!? Kitang pagod 'yong tao!
Tinignan ko kung sino 'yon at aba! Ang salbaheng Dahunan. Ano bang problema nito?
"Problema mo? Natutulog 'yong tao eh! " singhal ko sa kanya.
"Fans mo sa labas." sagot naman niya sakin.
"Pake ko! Pagod ako. Bahala siya dyan. " akmang dudukdok ulit ako sa mesa pero hinatak niya ko patayo. Bumangga pa 'yong hita ko sa desk.
"Aray, ano ba!?" Sigaw ko sa kanya. Hindi niya ko sinagot, kinaladkad lang niya ako papunta sa pinto.
Pagkarating d'on, pabato niya kong binitawan dahilan kaya sumubsob ako sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Tighter
RomanceA girl who desires attention and love from her father, but what she got is pain, sadness, mistreatment and betrayal. A leader of a team and heiress of Reigo-Fuentevieros. Who always want revenge to those people who hurt his love ones. What if...