Chapter 18

85 12 0
                                    

-Who's the impostor?

•SOPHENE•

Nasa kwarto ako ngayon, ginagawa ang aking project para ipasa sa school bukas. Nag-excuse muna ako sa instructor namin na hindi muna ako makakapasok ngayong hapon dahil hindi maganda ang pakiramdam ko, hindi ko din alam bakit ako nahihilo kanina sa school.

"Ma'am, baka gusto mong mamasyal sa park? Ipapasyal kita ngayon na." Nagbukas ang pinto at bumungad naman ang isa sa mga tauhan ni Zadeo.

Hindi ko alam ano ang plano nya nang isarado nya ang pintuan.

Pero kakaiba ang kutob ko ngayon, parang ngayon ko lang namamataan ang lalaking 'to. Hindi sya pamilyar sa akin. May tattoo sya sa kanyang leeg na nakasulat na ‘R’. Hindi kagaya ng mga myembro ni Zadeo, lahat sila naka-tatto ng ‘Z’ sa braso.

Dahil hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'to, agad akong tumanggi. "Hindi ako sasama. May ginagawa pa akong project, at saka magagalit sa akin si Zadeo kapag lumabas ako ng walang paalam." Sabi ko.

"Eh ayos lang naman 'yon sakanya. Hindi ka nya mahal kaya bakit ka nagpapacontrol sakanya? Tandaan mo, hindi ka nya laruan kaya gawin mo lahat ng gusto mo..." Mahinang sabi nya habang naglalakad papalapit sa akin.

Anong sinabi nya? Papaano nya nagawang sabihin 'yon, bakit madali lang sakanya sabihin ang salitang 'yon?

Habang tinutupi ang bondpaper na ginagawang project, nagsalita ako. "Ingatan mo ang mga salita mo, dahil hindi mo kakilala si Zadeo. Wala kang karapatan na sabih--"

Nagulat nalang ako dahil bigla nalang nyang itinutok sa akin ang isang matulis na bagay na tila isa itong kutsilyo. Nakatutok ito sa aking gilid, hindi ako makagalaw dahil 'pag ginawa ko 'yon, madidiin ito sa aking balat.

"A-ano 'yang ginagawa mo?" Nanginginig na tanong ko.

Hindi ito kayang gawin sa akin ng mga tauhan ni Zadeo pero sya, parang hindi sya natatakot.

"Sumama ka sa'kin." He hissed.

Umiling ako. "Ilayo mo 'yan sa akin. S-sisigaw ako ngayon di--" tinakpan nya ang aking bibig gamit ang kanyang kaliwang kamay.

"Hmmm!" Sumigaw ako ngunit hindi marinig dahil sa kamay nyang nakatakip sa bibig ko.

"Huwag ka nang sumigaw... Wala sila dito, nasa labas silang lahat. Dito tayo dadaan sa likod kaya umayos ka kung ayaw mong saksakin kita!" Inilayo sa akin ng lalaki ang kutsilyo at hinawakan ang braso ko para hilain palabas.

Saan ako dadalhin nito? Sino ba ang lalaking 'to?

"Bitawan mo ako kung ayaw mong magsumbong ako kay Zadeo!" Galit na pagbabanta ko sakanya kahit na imposible naman ang sinasabi ko.

"Okay. Go." He whispered as he chuckled.

Hindi pa kami nakakarating sa pintuan, agad ko syang sinipa sa ibaba dahilan para mapaluhod sya. Mabilis akong tumakbo papalapit sa pintuan ngunit hindi ko pa ito nabunksan, sinaksak nya ako sa likod.

Namanhid ang aking mga tuhod at unti unting dumidilim ang aking paningin. Tuluyan na akong bumagsak sa sahig at hindi ko na alam ang susunod na nagyari.

_____

•ALZADEO•

Nandito kami ngayon sa isa naming hideout, pinaparusahan ang isang baliw na lalaki, the guy who kissed Sophene last night. Matapos ang nangyari kagabi, inutosan ko ang aking mga tauhan na hulihin sya. Hinding hindi ako makakapayag na may makaagaw sa asawa ko.

I won't let that happen.

"Boss. Tumatawag si Eric! Si Sophene daw."

Napatayo ako. "Give me the phone." Ibinigay sa akin ni Brian ang telepono.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now