Chapter 18
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa pero sa huli'y lumapit na ako kay Christian. Hinawakan ko ang kamay niya at giniya siya palapit kay Glaiza. Medyo nakabawi na si Christian pero si Glaiza ay tila napako pa rin sa kinatatayuan.
Tumikhim muna ako para mawala ang lump sa lalamunan ko.
"Uhm..Glaiz...s-si Christian, siya ang boyfriend ko."
Wala akong nakuhang reaksiyon mula kay Glaiza kaya kinabig ako ni Christian at binulungan. "Baby, ok lang ba iwan mo muna kami?"
Marahan akong tumango at kinuha ang susi ng kotse mula sa kamay niya.
"Wait for me in the car. I'll meet you there later, ok?" Kinintalan muna niya ako ng halik sa sentido bago niya ako binitawan.
Humarap ako kay Glaiza. Hinawakan ko ang isang kamay niya at marahang pinisil, tumingin siya sa akin saka tipid na ngumiti.
Tumalikod na ako papunta sa kotse ni Christian.
Honestly, kinakabahan ako pero mas mabuti ng ngayon sila mag-usap para matapos na rin ang hindi nila pagkakaunawaan. Sana'y maging maayos ang pag-uusap nila dahil pareho silang mahalaga sa buhay ko.
Pagdating ko sa kotse ay hindi na ako nag-abalang buksan pa ang aircon. Mas nakatuon ang atensiyon ko sa dalawa. Malapit lang sa bench na kinauupuan namin ang kotse ni Christian kaya kita ko sila mula dito. Nakita kong iginiya ni Christian si Glaiza sa bench. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko nakikita ang ekspresiyon ng mga mukha nila.
Hindi ko mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko. Daig ko pa ang naghihintay ng resulta ng exam. Sumandal ako sa upuan habang nakatingin pa rin sa dalawa at pinag-cross ang mga braso ko. May inabot na panyo si Christian kay Glaiza kaya alam kong umiiyak ito.
Kakaunti lang ang detalyeng alam ko sa buhay ni Glaiza. Hindi ko nga alam kung nasaan na ang mga magulang niya. Ang alam ko lang pinalayas siya ng kanyang ina-inahan at napilitan itong magtrabaho sa club. Hindi kasi ako ang taong mahilig mag-usyoso sa buhay ng ibang tao dahil ayoko ring may ibang tao na mag-uusyuso sa buhay ko. Hinihintay ko silang magkwento sa akin. Naiintindihan ko si Glaiza kung bakit hindi siya nag-oopen up sa akin tungkol sa pamilya niya. It's either, ayaw na niyang maalala pa ang masasakit na nangyari sa kanya o kaya'y mas gusto niyang sarilinin na lang ang sakit.
Pagkalipas marahil ng humigit-kumulang tatlumpong minuto ay tumayo na silang dalawa, pareho pa rin silang seryoso. Napangiti ako ng yakapin ni Christian si Glaiza at marahang tinapik sa likod. Nakangiti na si Glaiza ng kumalas ito sa pagkakayakap. Di ko mapigilang maging emosyonal dahil ibig sabihin niyon naayos na ang anumang gusot sa kanila. Sana ito na ang simula ng tuloy-tuloy na pagdating ng magagandang pangyayari sa buhay ko.
Nakita kong papunta na sila sa direksiyon ko kaya lumabas na ako ng kotse. Nakangiting Glaiza na ang humarap sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit pagkalapit niya. Tumingin ako kay Christian at nakangiting kumindat siya sa akin. He mouthed 'thank you' na ginantihan ko ng 'i love you' na ikinalaki ng ngiti nito.
"Wanna have lunch with us?" Tanong ni Christian kay Glaiza pagkatapos ng yakapan naming dalawa.
"Hindi na muna siguro ngayon. May kailangan pa akong puntahan eh." Nakangiti pa ring sagot ni Glaiza kahit bahagyang mugto ang mga mata nito. Maaliwalas at peaceful na ang mukha niya. Saka ko na uusisain kung anong pinag-usapan nila.
"Kung ganun pala e double flight na lang muna kami ng girlfriend ko." Niyakap ni Christian ang isang braso sa baywang ko at ganun din ang ginawa ko sa kanya.
"Ganun na nga. Mag-date muna kayong dalawa saka ayoko rin namang langgamin habang kumakain." Biro niya.
Nagkatawanan kami.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...