1

2.3K 22 0
                                    

Chapter One

"Hanie! Nasaan ang pinabili ko kanina?!" Halos kapusin ako ng hininga matakbo lang ang distansya ng common restroom at dirty kitchen.

"Binigay ko po kay Ate Marie kanina, Nana," hingal na sagot ko.

Hindi na ito sumagot at tinalikuran ako. Bumalik naman ako sa banyo upang ituloy ang paglilinis.

Abala ang mansyon ngayon dahil may magaganap na salu-salo bukas. Kaarawan ni Señorita Eloisa. Ang nagiisang anak ng amo namin. Malamang mga elite ang dadalo.

"Hanie, tawag ka ni Señorita Eloisa sa kwarto niya. Dalian mo dahil mukhang bad mood ang prinsesa," irap ni Ate Marie.

Katatapos ko lang sa paglilinis ng tatlong restroom at ito ang bungad nito nang makalabas ako. Lakad-takbo ang ginawa ko para mapadali ang pagpunta sa maid's headquarters. Kailangan ko munang magpalit dahil ang unang patakaran ng Señorita ay bawal ang madungis sa kwarto niya.

Humugot ako ng hininga bago kumatok ng tatlong beses. "S-Señorita...?"

Bumukas ang pinto at agad naman akong pumasok. Bumungad sa akin ang tila problemadong mukha niya. Takot na sa'kin ibunton ang hindi magandang araw niya, nagiwas ako ng tingin.

"Teach me." sabi nito. Lito akong tumingin sa kaniya at do'n ko lang napansin ang suot niya. She's wearing pale pink tutu dress and cream pointe shoes. Her hair was in clean bun with ribbon around it.

Sa suot niya palang ay parang alam ko na ang tinutukoy niya. But I acted clueless.

"Teach me dance ballet. I mean, just... just check if I'm doing it right." Tila alanganing sabi nito. Umirap ito at nagpatuloy. "I know you're dancing ballet. I heard from Marie when you two were talking in the kitchen last week." Nanlaki ang mata ko.

Sinabi ba niyang narinig niya ang usapan namin? Kasama ba ro'n ang pang-insulto ni Ate Marie?

"Don't worry, I won't fire her for speaking ill about me. But I'm expecting you to teach me." Matalim na aniya.

"Pasensya na, Señorita, pero matagal na po akong tumigil sa pagsasayaw. Tsaka h-hindi naman po ako m-magaling..." I bowed my head and looked at my dirty white shoes.

Hindi ko alam kung bakit gusto niyang turuan ko siya. Ang alam ko'y may private lesson siya tatlong buwan nang nakaraan para sa kaarawan niya. Sabi nga ni Ate Marie ay hindi naman daw talaga gusto ni Señorita Eloisa ang pagsasayaw ng ballet. 'Yon kasi ang gusto ng Mommy niya kaya wala siyang nagawa kundi sundin 'yon.

"Stop lying. Let's go to the studio and watch me. I just don't like that bitch who teached me. Parang kulang-kulang ang mga itinuro niya..." patuloy siya sa pagsasalita hanggang sa paglalakad namin papunta sa studio.

Ito ang unang beses na papasok ako ro'n. Sa third floor kasi ang studio at sa first floor lang ang trabaho ko. Madalas ay si Ate Marie at Ate Kris dito sa ikatlong palapag. Kaya siguro napanood ni Ate Marie ang sayaw ni Señorita at sinabi ito sa'kin. Alam niya kasing mula pagkabata ay sumasayaw ako no'n. Hindi man kami mayaman, pero hindi naman kami sobrang hirap para hindi kayanin ang gastusin sa pagsali ng ballet class. Pero nang nagkailangan ng pera sa bahay ay do'n na ako nagpasyang tumigil. That was four years ago. Ayaw pa ni Mama noon dahil kaya pa naman daw niya. But I didn't continue attending in class. Kahit pa napamahal na ako sa pagsasayaw no'n, pinili kong makatulong sa pamilya kaysa ipagpatuloy 'yon.

Almost Everything Where stories live. Discover now