Chapter 9
Matapos maibigay sa akin ang schedule ay may iilan nga na subject itong masasagasaan. Kasama ako ni sir na nagpaalam sa mga instructors at instructress. Sinabi rin na bibigyan ako ng consideration pagdating sa pagpapasa ng mga output. Ang mga demo teaching ko naman ay fixed na rin kaya maliban sa practice ay kailangan ko rin iyon paghandaan. Ang mga reportings ko naman ay gagawin ko through video lesson para less hassle na rin.
Lahat naman naayon sa gusto nila.
Unang sabak namin sa training ay talagang sumakit buong katawan ko. Hindi na rin kasi ako sanay at nanibago dahil sa hindi na ako masyado nakakapaglaro dahil sa lesson plan na halos parati na lang laman ng araw ko.
Hindi naman ako ganoon kagaling para makagawa ng lesson plan ng madalian.
"Send ko sa'yo mamaya mga activity na kailangan mo ipasa."
Ilang araw na rin ang training namin at talagang nakakatamad ng pumasok. Wala naman akong choice dahil baka naman bumagsak ako.
"Nakakatamad na. Napapagod ako," sabi ko habang sumusubo ng baon niyang adobong baboy. Lunch ngayon at may baon siya. "Pati mga demo teaching ko hindi ko na alam."
"Don't be overdramatic. Nandito kaya ako." Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Pwede naman ako tumulong if ikaw na magdedemo para sa instructional materials mo. Tsaka sama na rin natin si Kiarra. Isang buwan lang naman na, Palm. Sayang din kasi eh."
Sa training namin doon na pumili sina coach sa magiging posisyon namin. Paminsan-minsan ay binibisita ako ni Hail kapag tapos na ang klase. Doon na niya binibigay ang mga notes, to do list, at mga kung ano-ano pa.
Nasa dribbling session kami ngayon at ngayon din naman malalaman kung ano posisyon namin. Nasa isang tabi sina Hail at Kiarra na pareho ng tapos ang klase.
"Palm!" tawag ni coach Ryan sa akin. "Gather in front everyone!"
Naglakad ako papalapit kina Kiarra at kinuha ang bottled water na binili nila para sa akin bago patakbong lumapit kina coach. Naka-standby lang din sa tabi si sir Miah na seryosong nakatingin sa gawi ko.
"So ang tatawagin ko ang mga team A player. Kayo ang mas pinaka-inaasahan ko. Palm, Zayn, X, Reagan, at Off."
Pumunta kami sa harap nang sabay-sabay.
"Sir Miah and I decided to have Palm as the team Captain."
Ginawa ba naman akong caption ng grupo. Nawindang ako masyado sa nangyari. Gusto ko lang naman maglaro pero ba't naman bigla nila akong nilagay sa team captain.
Mas komportable ako maging point guard mukhang nakuha naman nila iyon kaya iyon ang naging posisyon ko. Si Zayn ang power-forward na galing sa lower year ng Bsed science. Naging center naman si Off na kapareho kong nasa 3rd year English naman siya. Small forward si Regan, at shooting guard naman si X. Kami ang nasa team A.
As we continue our practice I enjoyed it a lot. Iba talaga ang feeling kapag nasa court. Dati pangarap ko na maging propisyonal na manlalaro ng basketball. Sadyang pratikalan ang buhay.
Matapos ang practice namin sa ikalawang linggo ay kinausap ako ni coach. Sa mga strategies. Kapag breaktime naman namin hawak ko cellphone at notes dahil sa mga activity na kailangan ko sagutan.
"Palm?" Napalingon ako kay sir na kadarating lang. "Are you good?"
Tumango ako bago siya naupo sa tabi ko.
"Nakakahabol ka ba sa klase?"
Hininto ko muna ang ginagawa ko para sa kaniya.
"Tinutulungan ako ng kaibigan ko, sir. Tapos nga pala iyong demo ko." Tumango siya saka inilapag ang chocolate drinks sa harapan ko. "Next week na."
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand