FUMIKO'S POV:
Napapailing na lang ako sa pagiging showy ni Kuya mula nang mawala sa poder namin si Tina. Hindi naman siya ganun dati at madalas pa nga kaming mag-away at tawagin siya sa kanyang pangalan ng walang paggalang. At mukhang malaki talaga ang epekto ni Tina sa kanya.
"You can't sleep?"
Napaigtad ako nang may magsalita sa likuran ko at bumungad sa akin ang bulto ni Yakuji na nakasuot ng sweat pants na itim at hoodie jacket. Nakasuksok rin ang mga kamay nito sa bulsa ng hoodie niya.
"Ikaw pala Yakuji. Huwag mo nga akong ginugulat."
Pagak na tumawa si Yakuji at saka ito sumalampak ng upo sa tabi ko at ginaya ang posisyon ko.
"I didn't startle you, Fumiko. I just saw you here sitting alone and I thought you can't sleep. What are you doing here anyway?"
"Kakatapos lang namin mag-usap ni Kuya. Nasermonan pa nga kasi hindi daw ako tumawag agad. Malay ko bang miss niya agad ang pinakamamahal niyang kapatid?"
"I like the way how you treat each other." Aniya.
"Bakit? Wala ka bang kapatid?" Usisa ko.
"Yeah, I am only child and David is like a brother to me. I mean all of my friends are like my brothers. Pero iba pa rin sa pakiramdam 'yong kadugo mo mismo."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Ganun ba talaga sa mayayaman? Kailangan isa lang ang anak kung pwede namang isang dosena lalo na kung kaya naman nilang buhayin?
Pero siguro ganun talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha agad.
"Kadugo mo nga pero kung isumpa ka naman parang hindi kayo magkapatid." Mapaklang sambit ko pero natawa na lang kaming pareho ni Yakuji.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin pero hindi ako nakaramdam ng awkward. Parang normal lang sa amin na magkasama sa iisang tahimik na lugar.
"Fumiko?"
Muntik na akong mapaigtad nang magsalita si Yakuji. Akala ko pa naman matatahimik na siya.
"Hmn?"
"Do you know Damon Venencio?" Aniya na siyang ikinagulat ko. Buti na lang hindi nakatingin si Yakuji sa akin dahil nakatingala siya sa kalangitan na may kaunting bituin. "Don't get me wrong if I asked you this. Napansin ko kasi kanina na tinignan ka niya and he smiled at you as if he's thankful that he saw you earlier."
Mukhang hindi makakaligtas sa isang Yakuji ang mga simpleng galawan ng mga taong nasa paligid namin.
I cleared my throat. "Damon is uh,...Paano ko ba sasabihin?"
Nangatal ang kamay ko dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Yakuji ang totoo tungkol sa kung anong relasyon ang meron ako kay Damon.
"It's fine if you don't want to tell me. It's like I am invading your personal matters."
Lumagapak ang kamay ko sa braso ni Yakuji na siyang ikinabigla ko. "S-Sorry. I mean, ano ka ba!? Hindi naman invading of privacy 'yon. Actually, napansin ko rin ang ginawa niya kanina at hindi ko inaasahan na napansin mo rin pala 'yon?"
"Yeah, because of the spotlight."
Napangiwi ako.
Oo nga naman Fumiko. Malamang lahat ng atensyon ay napunta kina Damon kanina.
"Damon is my mentor. He's the one who introduced me the world of gaming. Matyaga niya akong tinuruan kung paano maglaro ng dota at kalaunan naging addiction ko na. Suki ako ng computer shop ng pinsan niya at naging tagpuan din namin 'yon. He even became my boyfriend pero isang balita ang gumising sa akin."
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...