FUMIKO'S POV:
Hanggang sa umandar na ang sasakyan, tahimik lang kaming dalawa ni Thud. Hindi naman ako nakaramdam ng awkwardness sa paligid pero nahiya ako sa kanya dahil sa ginawa niya kanina.
"Where's your address?" Basag nito sa katahimikan namin habang binabaybay ang mahabang kalsada. Smooth lang ang byahe kaya naman ang sarap sa pakiramdam na mag-joyride.
"Iliko mo lang dyan sa dulo ng kanto. Kapag may nakita kang arko pumasok ka lang don at sa bandang kanan ang bahay namin."
Sinunod ni Thud ang sinabi ko at sa ilang minutong pagbabyahe namin, nangunot ang noo ko nang makita si Kuya Fumiya sa labas ng bahay namin sa kainitan ng araw.
"Thud ihinto mo ang sasakyan." Utos ko rito.
Napatingin pa sa akin si Thud pero agad niyang sinunod ang sinabi ko at itinigil niya yun sa isang tabi sa tapat ng tindahan ni Mang Jose.
Bumaba ako ng sasakyan at patakbong tinungo ang lugar kung saan naroon si Kuya Fumiya.
"Kuya!" Malakas na sigaw ko.
Lumingon sa akin si Kuya Fumiya at ang taong kausap nito. Nang makalapit ako ay doon ko lang napagtanto kung sino ang kausap niya.
"Ano na namang kailangan mo sa kapatid ko?" Nanggagalaiting sambit ko nang makita ko si Tina. Siya ang kausap ni Kuya Fumiya nang dumating kami ni Thud.
"Wala kang pakialam Fumiko. Labas ka sa kung ano ang pag-uusapan namin ni Fumiya," sambit nito.
Umangat ang isang kilay ko nang mapansing wala na ang umbok sa tyan niya at mukha siyang malandi ulit. Bumalik ang hubog ng katawan niya pero yung mukha niya nakakairita pa rin.
"Wow? Talaga ba? Sa lahat ng kasalanan na ginawa mo sa akin sa tingin mo palalagpasin ko pa ito?" Nilapitan ko si Tina at bago ko pa man siya maabot, may mga brasong pumigil sa akin at nakayakap na ito ngayon sa bewang ko.
"Hey, calm down." Bulong sa akin ni Thud pero hindi no'n natinag ang galit na nararamdaman ko ngayon.
Ang bilis naman niyang makarating sa pwesto namin? May super powers ba 'tong lalaking ito?
Pumasag ako mula sa pagkakahawak ni Thud sa akin pero masyado siyang malakas. Akala ko ba puyat ang isang ito? Bakit may lakas siya na pigilan ako?
"Ano ba Thud!? Bitawan mo ako, kakalbuhin ko ang babaeng ito!" Singhal ko sa kanya pero hindi ako binitawan ni Thud.
"Akalain mo nga namang nag-uwi ka pa ng lalaki, Fumiko? Hindi ka ba nahihiya sa magulang mo? May tinatago ka rin palang kalandian sa katawan?" Ani ni Tina na siyang nakapag-painit ng ulo ko.
"Anong sabi mo!? Ulitin mo 'yong sinabi mo!"
Pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay namin pero wala akong pakialam. Hanggat hindi ko nakakalbo ang babaeng ito hindi ako matatahimik.
"Sinasabihan mo akong malandi when in fact nasa loob ang kulo mo? Kawawa ka, Fumiko. Mukhang mayaman ang natira mo ah? How to be you po?" Panunuya pa nito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko agad akong kumawala sa braso ni Thud at tinawid ang distansya namin ni Tina. Malakas na lagapak ang pagtama ng palad ko sa mukha niya na halos matanggal ang ulo niya kung hindi lang siya tumimbwang sa kalsada.
Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko sa sampal na 'yon pero kulang na kulang pa. Gusto ko siyang kalbuhin ng paulit-ulit pero hindi ko gagawin yon at baka gumanti kaya sapak lang muna. Kawawa ang buhok at anit ko kapag sinabunutan ko siya.
"Ang kapal ng mukha mo! Sino sa atin ang malandi when in fact you dare to fool us with your scheme using your child? Tangna mo ka!" Panggagaya ko pa sa tono ng pananalita niya.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...