Game 37: Meet the fam

28 4 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
"BOYFRIEND ka ba ni Fumiko?"

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Kuya Fumiya nang tumuntong kami sa bukana ng buhay habang magkasalikop ang braso nito sa ibabaw ng kanyang dibdib at nakatingin sa aming dalawa ni Thud.

"Seryoso ka sa tanong mo na 'yan, Fumiya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ni hindi man lang kami pinaupo muna sa sala bago siya umarangkada ng salita. Tila nakalimutan nito ang naging sagupaan namin kay Tina at Thanos sa tono ng pananalita ni Kuya Fumiya.

Ibang klase ka talaga Fumiya Yamamoto!?

"Fumiya! Paupuin mo muna ang bisita ni Fumiko." Saway ni Mama sa magaling kong kapatid.

Kaya naman padabog na hinila ko ang braso ni Thud patungo sa sofa at pinaupo ko siya roon. Hindi naman nagrereklamo si Thud lalo na't nasa teritoryo ko siya. Umupo ako sa tabi ni Thud at nang napalingon ako kay Kuya, nanatili itong nakatayo sa may pinto kaya naman tinaasan ko siya ng kilay pero hindi man lang ito natinag at saka naglakad patungo sa kusina.

Si Mama naman ay naupo sa single sofa at hinarap kaming dalawa ni Thud.

"Kumusta naman ang Indonesia anak lalo na ang laro mo? Pasensya na hindi namin napanuod ang laro mo." Panimula ni Mama.

"Ayos lang 'yon, Ma. Preliminary naman tyaka one game lang namagitan sa grupo namin kasi nandya sila pero panalo naman kami." Sagot ko.

"Eh, sino ba 'yang kasama mo 'nak?" Usisa pa ni Mama. Kahit nakangiti ito alam kong may takot na mababasa sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

"Si Thunder Clyborne Dierkshed po, Ma. Boss ko." Pakilala ko kay Thud.

"D-Dierkshed?" Biglang namutla ang mukha ni Mama sa hindi ko malamang dahilan nang banggitin ko ang apelyido ni Thud.

"Nice to meet you po, Ma." Tumayo si Thud mula sa kinauupuan nito at walang atubiling nagmano kay Mama.

Ang ikinalaglag ng panga ko ay nang tawagin niyang Mama ang Mama ko.

"Hoy, Thud! Apaka-ano mo, Mama ko 'yan!" Pinalo ko pa ang likuran ni Thud at saka ito napaiwas at tatawa-tawang bumalik sa tabi ko.

"Ang damot mo naman? Malay mo in the future, maging Mama ko rin siya. Advance ba?" Ani pa niya.

"Siraulo! Umayos ka nga!"

Nakarinig kami ng tikhim kaya naman umayos kami ng upo ni Thud at nakita ko si Kuya at Papa na may dalang tray ng juice at tinapay bilang meryenda.

"Anong pangalan mo hijo? Anong relasyon mo sa anak ko at paano kayo nagkakilala? Boyfriend ka ba niya o magiging asawa na?"

Tuluyan nang nalaglag sa sahig ang panga ko sa sunud-sunod na tanong ni Papa sa lalaking kasama ko. Samantalang si Thud ay nagpipigil ng tawa pero tumikhim lang ito at magalang na sinagot ang Papa ko.

"Thunder Clyborne Dierkshed po. Nagkakilala po kami ni Fumiko sa university, actually kaklase at Boss niya po ako mula sa pro league na kinabibilangan niya. Uhm, future husband niya po ako, Pa-- Araaaaay!!" Napasigaw si Thud nang kurutin ko ang tagiliran niya pero hindi naman literal na kurot. O.A lang talaga siya!

"Ang O.A mo! Umayos ka nga! Kapag hindi ka umayos sasapakin na kita." Sinamaan ko pa ng tingin si Thud pero ang loko ngumisi lang.

"Ang salbahe pala ng anak niyo, Pa. Hindi ko na lang po siya liligawan." Pagsusumbong niya pa sa Papa ko.

Akala ko magagalit si Papa pero nagulat ako nang humagalpak ito ng tawa pati si Kuya Fumiya ay nakiramay na.

Hindi ko alam kung may saltik ba sila o kulang pa 'yong naging sagutan namin kina Tina kanina?

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon