FUMIKO'S POV:
--
NAGISING na lang ako nang marinig ko ang munting ingay sa loob ng kwarto ko kaya naman napilitan akong magmulat ng akong mga mata. Doon ko lang napansin na nakayakap ako sa taong nakahiga sa tabi ko habang naglalaro ito ng mobile game kaya naman nagtatakang bumangon ako mula sa kama."Bakit nandito ka pa?" Inaantok na usisa ko kay Thud na abala sa paglalaro sa phone niya pero nang makita niya akong gising na, agad niya yung pinatay at hinarap ako.
"Magkasama tayong pumunta rito sa bahay niyo, malamang sabay din tayong uuwi." Aniya bago tumabi sa akin na nakaupo sa gilid ng kama.
"Anong oras na ba?"
"Oras na para mahalin mo ako-- Ahh!" Napasigaw si Thud nang walang pag-alinlangang kinurot ko ang kanyang tagiliran.
Biruin niya ang lasing pero huwag lang ang bagong gising.
"Umayos ka nga!" Singhal ko rito.
Napanguso naman si Thud habang himas-himas ang nasaktang tagiliran.
"Alas otso na ng gabi. Ang haba ng tulog mo mare, humihilik ka pa." Pang-aasar pa niya.
Sinamaan ko ng tingin si Thud pero agad naman nitong isinangga ang braso sa kanyang katawan na akala mo ay sasaktan ko siya. Padabog na tumayo na lang ako mula sa kinauupuan kong kama at saka ako nagmartsa papasok ng banyo ko.
Muntik ko pang makalimutan na kagigising ko lang at malamang amoy na amoy ni Thud ang sinumpang hininga ko na parang galing sa porgatoryo. Busangot ang mukha ko nang makapasok ako sa banyo at hinarap ang salamin. Naghilamos ako at inabot ang toothbrush ko bago nilagyan ng toothpaste at nagsimulang magsipilyo.
Hindi naman na ako magtataka kung magising ako ng gabi dahil galing pa kami sa byahe ni Thud at napasubo pa ako ng away kay Tina kanina. Kung sana hindi siya nagpakita sa akin edi sana matiwasay ang pagdalaw ko sa pamilya ko. Kaso masyadong makapal ang mukha niya at ang lakas ng loob niyang magdemand ng usap kay Kuya Fumiya.
Nang matapos akong maghilamos at magsipilyo, agad akong lumabas ng banyo at muli kong nadatnan si Thud na abala sa paglalaro ng isang sikat na mobile game.
"Hoy, Thud ang tanga mo. Sa bush ka kasi." Rinig kong singhal ng isang babae mula sa phone niya at mukhang kalaro ni Thud. Hindi ako nito napansin kaya naman lumapit ako sa walk-in closet ko para maghanap ng damit pampalit.
"Manahimik ka baby, baka matalo tayo."
Umangat ang isang kilay ko sa sinabi ni Thud at saka ako napapailing na bumalik sa banyo at pabagsak na isinara ang pinto.
"Baby pang nalalaman tapos magpapakilala sa magulang ko na boyfriend ko siya? May tulok ba siya sa ulo? Bwisit ka talaga Thunder Clyborne!" Bulong ko sa aking sarili.
Padabog na hinawi ko ang shower curtain at matapos kong mahubad ang damit ko. Agad akong pumasok sa bath tub at binuksan ang shower at saka ako naligo.
Inaantok pa sana ako kaso kailangan na naming bumalik ni Thud sa boot camp lalo na't hindi pa naman tapos ang kompetisyon namin sa Indonesia. Hindi ko alam kung ilang araw ang magiging pahinga namin bago kami sumabak ulit sa laro. Mas gusto kong makipagbalbagan ng laro sa mga kalaban kaysa makipagsagutan sa isang malandi tulad ni Thunder Clyborne.
Nang matapos akong maligo, agad akong nagbihis ng damit at paglabas ko nakahiga si Thud sa kama ko habang nakapatong ang kanyang braso sa ibabaw ng kanyang mukha; sa mismong mga mata niya.
Lumapit ako sa kanyang kinaroroonan at nakita ko pa ang phone niya na nakalagay sa stats ng laro. They've won it and I am not familiar with his teammate kaya hinayaan ko na.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...