FUMIKO'S POV:
Maliit lang ang store pero hindi ko mahanap kung na saan si Thud hanggang sa mapadpad ako sa wine section at nakita ko ang bulto ni Thud na seryosong nakatingin sa salamin kung saan naroon ang mga alak.
"Anong ginagawa mo rito?" Usisa ko nang makalapit ako sa kanya.
"Iniisip ko lang kung sakaling maging wine ako, sa tingin mo magugustuhan ako ng tao?"
Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
Ano bang naisip ng isang ito at napakarandom ng mga pinagsasabi niya?
"Kung magiging wine ka sa tingin mo anong brand ang nababagay sa'yo?" Patol ko sa kalokohan niya.
Humalukipkip si Thud habang nakayakap ang braso niya sa kanyang tiyan at ang isa nitong kamay ay nakahawak sa kanyang baba na animo'y nag-iisip ng isasagot sa akin. Napatingala pa ito sa kisame at biglang pumitik ang daliri nito sa ere na siyang ikinagulat ko kaya naman napaigtad ako sa kinatatayuan ko.
"Right," biglang sambit nito. "Gusto kong maging Bulletin Place Cabernet Sauvignon because it is a delightful premium red wine that showcases the true characteristics. It has a full bouquet of fresh berries, subtly accompanied by French oak. The ripe plum flavor pours evenly onto the taste buds and is accompanied by integrated spice and vanilla oak for an eye-catching balance. Bukod sa gwapo kong mukha at katawan, malamang eye catcher din ako tulad ng Bulletin Palace kaya 'yon na lang."
Napangiwi ako sa bigla niyang pagsalita mula sa malalim na pag-iisip. Wala naman akong alam sa mga alak kaya nag-aalangang nginitian ko ito.
"Ang mabuti pa, bumili ka na ng gusto mo at umuwi na tayo." Sambit ko na lang dito.
Natawa na lang si Thud sa sinabi ko at saka siya kumuha ng limang smirnoff at binitbit niya yun hanggang sa makarating kami ng counter. Nang kami na ang sumunod agad na inilapag ni Thud ang hawak niyang bote at saka kinuha ang mga dala ko.
"I'll pay for it." Aniya kaya naman hindi na ako umangal pa. Nagkibit-balikat na lang ako at saka ako napalingon sa labas ng store nang bigla akong may mapansin sa labas.
Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Thud kaya naman nagtataka itong tumingin sa akin.
"May problema ba?" Bulong nito sa akin.
"Ang sama ng tingin sa atin 'nong dalawang lalaki sa labas. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako bumulagta dito." Nahihintakutang bulong ko sa lalaking kasama ko.
Agad naman nilingon ni Thud ang dalawang lalaki mula sa labas ng store kaya naman pinalo ko ang kanyang balikat.
"Aww. Why did you hit me?" Reklamo niya.
"Huwag mo kasing tignan. Baka hindi naman tayo ang target nila." Saway ko sa kanya.
Napanguso na lang si Thud at saka binayaran ang pinamili namin at saka kami lumabas ng store. At sa gulat ko, bigla kaming hinarang ng dalawang lalaking nakatingin sa gawi namin kanina.
"Anong kailangan niyo, pre?" Usisa ni Thud bago nito pasimpleng hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa kanyang likuran. Agad naman itong napansin ng dalawang lalaki pero hinarap nila si Thud.
"Ikaw ba si Thunder Clyborne?" Tanong ng isang lalaking may piercing sa ilong. Matangkad ito at parang kuto lang kung tignan kami ni Thud. Samantalang ang kasama nito ay kasing tangkad lang rin ni Thud.
"Anong kailangan niyo sa akin?" Naging malamig bigla ang boses ni Thud at parang nawala yung bibo at makulit na Thunder Clyborne. Parang ibang tao ang kasama ko ngayon.
Nayakap ko na lang ang paper bag na dala habang mahigpit na hinawakan ni Thud ang mga kamay ko at ang paper bag na hawak niya kung saan naroon ang alak na binili niya.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Storie d'amore**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...