Game 44: Wrangler

31 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Tulad ng sinabi ni Brix kanina, ganun din ang sinabi ni Mario sa akin kung paano silang nagulat nang bigla na lang akong bumulaga sa classroom nila.

"Malay ko ba na matapang ako sa pinili kong kurso?" Natatawang sambit ko bilang sagot kay Mario bago ako kumagat sa hotdog sandwich na binili ko.

"Dapat nga pinili mo na lang maging nurse, flight attendant o kaya naman maging model." Ani ni Hulk na sinundan pa ng pagsang-ayon ng mga kaklase namin.

"Kadiri kayo. Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang nurse o flight attendant. Mas nakikita ko ang sarili ko na nasa harap ng computer, hindi bilang office worker kundi developer."

"Ang weird talaga ng taste niyong mga babae." Napapailing na sambit na lang ni Fern at saka kami nagpatuloy sa pagkain.

Isang subject per day lang naman kami pero sagad naman sa oras at nakakadrain ng utak. Kaya naman pinili muna naming tumambay sa canteen nang may lumapit sa akin at paglingon ko, ang bulto ni Yakuji ang bumungad sa akin.

"What time will you be home later?" Ani ni Yakuji na siyang ikinatahimik ng mga kasama ko.

"Mga 3pm. Bakit?" Sagot ko.

"We will have a practice game for our match next week at a school fest and L.A University is invited. I'm also on the basketball varsity and maybe we can't go home together?" Aniya.

Napatingin ako sa mga kasama ko at saka muling ibinaling ang paningin kay Yakuji.

"Wala naman na akong gagawin buong maghapon, baka pwedeng manuod na lang ako sa praktis niyo then hintayin na lang kita hanggang sa makauwi tayo?" Boluntaryo ko na siyang ikinatango naman ni Yakuji bago ito nagpaalam sa akin.

"Pinopormahan ka ba ni Finnegan, Fumiko?" Biglang sambit ni Jase nang makalayo si Yakuji at pumunta ito sa kanyang grupo.

Umangat ang isang kilay ko bago uminom sa soft drinks na binili ko kanina.

"Paano mo naman nasabi?"

"Wagas makapagtanong kung anong oras ka uuwi at sinabi pa niya ang gagawin niya mamaya." Ani pa ni Jase.

"Malamang magkasama sila sa boot camp. Utak nito may ubo." Pang-aasar ni Hulk na agad naman nakatanggap ng masamang tingin mula kay Jase.

"Hindi ko nakakalimutan 'yon Hulk apakaano nito." Ganti naman ni Jase kaya natawa ako.

"Hayaan niyo na. Ganito talaga ang buhay ko lalo na't napapaligiran ako ng mga gwapong nilalang na tulad niyo."

"So, nagugwapuhan ka sa amin? Ipapaalala ko lang sa'yo Fumiko na dati kang lalaki noong past life mo." Ani naman ni Denver na siyang dahilan para tuksuhin ako ng mga kaklase namin.

Napuno ng asaran ang table namin at sa amin lang talaga ang maingay. Mukhang wala namang pakialam ang grupo nina Yakuji sa ingay namin.

"Siraulo. Aminado naman akong lalaki ako pero nasa katawan ako ng babae." Umangat ang gilid ng labi ko at saka sila nagsihagalpakan ng tawa.

Nakakatuwa lang na kasama ko ang mga ito ngayong araw na kung tutuusin ay halos ipagtabuyan nila ako sa classroom namin kung hindi lang nagsalita si Thud noon. At ngayon magkakasundo na kami dahil lang sa natalo ko sila ng Fuse Flight Dementia at nakipagpustahan pa.

"Mahaba pa ang oras natin at ayoko pang umuwi, saan tayo mga repa?" Ani ni Denver nang magpasya kaming lumabas ng canteen dahil sobrang ingay na namin.

"Tara sa computer shop dyan sa labas lang nitong campus?" Segunda naman ni Fern.

"Tara, may barya pa ako dito." Sang-ayon naman ni Jase.

"Ikaw ba Fumiko?" Baling sa akin ni Brix kaya naman nginitian ko ito.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon