Game 45: My fault

27 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
HINDI ko mapigilang umiyak nang makita ang kalagayan ni Yakuji. Wala pa rin siyang malay at may mga nakakabit sa kanyang katawan.

Marahan akong naglakad palapit sa kama ni Yakuji at saka ako umupo sa gilid ng kanyang kama. Ang mga kaibigan ni Yakuji ay tahimik lang din na nagmamasid kung ano ang gagawin ko.

"Y-Yakuji," tawag ko sa pangalan nito habang hilam sa luha ang mga mata ko.

"He's not dead, Fumiko. Stop crying." Sita sa akin ni Asher nang makalapit ito sa akin. Nakanguso pa nga na parang nagtatampo habang magkakrus ang mga braso nito sa ibabaw ng kanyang dibdib.

"Kasalanan ko kung bakit siya nandito sa hospital." Humihikbi na sambit ko.

"No one's fault, Fumiko. You are both victim of that explosion." Ani naman ni David pero hindi ako nagpatinag.

Napayuko na lang ako sa mga kamay ni Yakuji at doon ako tahimik na umiyak. Kung alam ko lang na mangyayari ang ganun edi sana hindi ko na inaya si Yakuji na pumunta kami ng mall.

Kasalanan ko lahat.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa ulo ko kaya napatingala ako at ganun na lamang ang gulat ko nang makitang gising na si Yakuji.

"Why are you crying? I'm not dead yet," paos na sambit niya bago nito pinilit na makabangon mula sa kama na kinahihigaan nito kaya naman bumaba ako sa kama at tinignan si Yakuji.

"O-Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Tatawagin na ba namin ang doctor?" Sunud-sunod na tanong ko pero napangiwi lang si Yakuji.

"Hey, kalma. I'm fine, although my head hurts but I'm okay, really. How about you?" May pag-aalalang tanong ni Yakuji sa akin kaya lalo akong pumalahaw ng iyak.

"H-Hindi naman ako nasaktan kasi nailabas mo ako agad sa kotse mo. Pero 'nong makita kitang walang malay natakot na ako."

"Damn, this is the first time I saw someone will cry for Yakuji. This is new." Rinig kong sambit ng isa sa mga kaibigan ni Yakuji pero hindi ko sila pinansin.

"Don't worry about me Fumiko as long as you are safe. Uh, can I have a request?" Aniya na siyang ipinagtaka ko.

"Ano 'yon?" Marahas kong pinunasan ang luha sa mga mata ko pero kahit anong pigil ko ng pag-iyak kusa itong tumutulo sa mga mata ko.

"Can you call Doc Gun for me? And also I need to discuss something with my friends if its alright with you?" Nakangiting sambit ni Yakuji kaya naman marahan akong tumango dito at saka nagpaalam na iiwan ko sila sa loob ng kwarto.

Mukhang importante ang pag-uusapan nila kaya hindi nila ako kailangan pero okay lang naman sa akin basta makita ko lang si Yakuji na gising na, okay na ako.

Nang makalabas ako sa kwarto ni Yakuji, agad akong pumunta sa nurse station para magtanong kung saan naroon si Doc Gun.

"Yes po, Ma'am?" Usisa sa akin ng isang nurse nang makita ako nito. Alam kong namamaga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak pero unti-unti ko nang pinapakalma ang sarili ko dahil masyado nang nakakahiya kung makita nila akong umiiyak pa rin.

"Uhm, pwede ko po bang malaman kung na saan si Doc Gun?" Sambit ko.

Tinignan ng nurse ang ilang dokumento na nasa kanyang harapan at isang clipboard ang binuksan nito na tila may binabasa doon.

"Nagra-rounds po si Doc Gun, may pasyente po ba kayo dito?"

"Meron po sa room 305, Yekun Akuji Finnegan po ang pangalan."

"Ah, si Sir Yakuji po? Mamaya pa po siya pupuntahan ni Doc Gun,"

"Gising na po kasi siya saka inutusan niya po akong hanapin si Doc Gun,"

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon