FUMIKO'S POV:
"Ano na naman ang problema mo?" Kunot-noong tanong ko dito. Pakiramdam ko may kasama akong bata na three years old dahil sa ginagawa ni Asher.
"They bullying me. Bugoy told me that you're not accepting any suitors." Aniya na ikinalingon ko sa gawi ni Bugoy at Aries na nasa likuran namin habang kausap si Ate Alessa at Kuya Chase.
I snorted. "Duh? Malamang seventeen pa lang ako at isa pa bawal sa akin ang may manligaw."
Lalong humaba ang nguso ni Asher. "But I like you, Fumi,"
Napairap ako sa kawalan.
"Ewan ko sa'yo. Mas isip bata ka pa kaysa sa akin kaya manahimik ka na lang."
Hinawakan ko ang kamay ni Asher na nasa balikat ko at ang isa kong braso ay iniyakap sa kanyang bewang at saka siya hinila papasok ng elevator.
Kaya kami laging napagkakamalang magsyota dahil sa inaasta ni Asher pero kaibigan at kapatid lang ang turing ko sa kanya. Kahit nga si Thud na nakahalik na sa akin hindi ko alam kung ano ang status naming dalawa?
Speaking of Thud, I didn't talk to him for weeks now and it seems he's too busy that he forgot we are employed under him.
'Ang sabihin mo, miss mo lang siya.'
Napangiwi ako sa sarili kong isip.
I'd rather miss my keyboard than missing someone.
Nang tumunog ang elevator, bumukas ang pinto at saka naunang lumabas si Wyat at tumambad sa amin ang isang malawak na pent house.
"Woah! Ang ganda." Bulalas ko at saka ako kumalas mula sa pagkakaakbay ni Asher at nilibot ang buong sala.
May karangyaan ang pent house na kinaroroonan namin at gawa sa salamin ang ibang parte ng bahay. Ang mga mwebles ay sumisigaw ng karangyaan at ang coffee table na halos makita ko na ang sarili kong mukha dahil gawa ito sa salamin.
May maliit din na chandelier na nakasabit sa kisame at tila gawa ito sa crystal dahil kumikinang ito kahit hindi nasisinagan ng araw.
"Stay here for the meantime. If you need anything, just call me. I'll go first." Tumungo pa si Wyat bilang paggalang at akmang aalis na ito nang nilapitan ito ni Yakuji, David at Asher at saka sila sama-samang bumalik sa elevator.
Nagkibit-balikat na lang ako at saka nagpatuloy sa paglilibot sa loob ng bahay. Merong limang pinto doon at sa tingin ko ay mga kwarto 'yon.
"Fumiko, sa pinakadulong kwarto 'yon ang gagamitin mo." Untag sa akin ni Kuya Jobert na siyang ipinagtaka ko.
"Wala po akong ibang kasama sa kwarto?"
"You need to rest, Fumiko. May laro kayo bukas ng hapon at kailangan mo ng maraming energy para mapatumba ang grupo ng Alpha," ani naman ni Ate Mika.
Lumapit si Bugoy at Aries sa gawi ko at saka nila ako sabay na inakbayan.
"Kaya na ni Fumiko 'yan." Sabat naman ni Bugoy dahilan para mapasimangot ako.
"Ano ba!? Bitawan niyo nga ako, sumasakit na ang balikat ko sa kakaakbay niyo." Natatawang humiwalay naman si Bugoy at Aries at ginulo pa nila ang buhok ko na lalong ikinainis ko. "Isa pa, team play ang gagawin natin. Anong kaya ko na 'yon? Kaya nga may grupo tayo kasi hindi lang iisa ang gagalaw kundi lima sa loob ng kompetisyon."
"Napakasensitive mo naman." Komento ni Aries na lalong ikinalukot ng mukha ko.
"Hindi no. Ang sinasabi ko lang, grupo tayo. Hindi tayo pwedeng umasa sa iisang tao kasi nga five brains is better than one. Hindi lang ako ang manlalaro."
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...