Game 52: Tsismis

28 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Walang katotohanan ang mga inaakusa nila sa akin. Nakapasok ako dito sa school dahil sa scholarship at walang sinuman sa mga kaibigan ko ang nagbabayad sa akin.

Aminado akong nakikipagpustahan ako sa kanila pero lahat 'yon ay napupunta lang sa pagkain namin.

"Shut the fvck up! You don't know her kaya wala kayong karapatan na husgahan siya!" Pantatanggol ni Bugoy sa akin.

"Bakit pre? Natikman mo na ba kaya mo pinoprotektahan sa kagagawan niya?" Rinig kong sambit naman ng isang lalaki na ginatungan pa ng mga kaibigan nito para pagtawanan ko.

"What did you just say?" Ani naman ni Aries.

"Come on, Aries, accept the fact that Fumiko is a whore."

Naipikit ko ang aking mga mata para pigilan ang luhang nagbabadya dahil sa mga paratang nila sa akin.

"Tama na." Sambit ko pero tila isa na lamang 'yong bulong sa hangin.

"Wala kang patunay sa mga paratang na sinasabi mo sa kanya. Sino ka ba!?" Sigaw ni Bugoy.

"Sumali lang naman 'yan sa grupo niyo para landiin sina Yakuji, David, Asher at Astaroth hindi ba? Ano bang alam niya sa mobile game? Kunsabagay, magbebenta na lang siya ng katawan niya para lang makapaglaro."

Nagsigalpakan ng tawa ang mga nakarinig at puro sigawan ang nasa paligid namin.

"Tama na!" Malakas na sigaw ko.

"Oh, the whore has a guts to stop us? Unbelievable!" Ani pa ng isang babae na kasama ng mga lalaking nakapalibot sa amin.

Nanlilisik na tinignan ko ito. "Nakapasok ako sa school na 'to dahil pinaghirapan kong makuha 'yon. At tungkol sa grupo nina Yakuji, pinaghirapan ko din makapasok doon hindi ang gumamit ng katawan kundi ng utak. Hindi ako katulad niyo na humiga sa pera para husgahan ako ng ganito."

"Ang tapang mo naman yata?" Kontra pa ng isa.

"Dahil wala namang katotohanan ang mga paratang ninyo!" Nanggagalaiting sagot ko.

Kung si Tina kaya kong patulan, malamang hindi ko aatrasan ang dagat ng estudyante na 'to para lang maliitin ako. Hindi pinalaki si Fumiko Yamamoto para lang magpa-api!

"O talaga? Paano mo ipapaliwanag ang pakikipag-halikan mo sa team captain ng Alpha? Kadiri ka girl, sa c.r pa talaga?"

"I didn't kiss him! Fake news yan!" Sigaw ko.

Hanggang sa magsabay-sabay na salita ang mga estudyante sa pangungutya sa akin, hindi ko na maintindihan kung sino ang papakinggan ko. Samu't-sari ang mga paratang na ibinabato nila sa akin pero mas malala ay yung pambabastos nila sa akin.

"Magkano ba ang isang gabi mo, Fumiko? Kahit huwag ka nang maglaro ako na ang bahala."

Napalingon kaming lahat nina Chris sa lalaking nagsalita. He's crim student too like Yakuji and the others but I think he's first year too.

"Kung sasabihin ko ba sa'yo ang presyo ni Fumiko kapalit ng buhay mo, papayag ka ba?"

Natigilan kaming lahat nang umalingawngaw ang pamilyar na boses sa paligid. Nahawi ang dagat ng tao at tumambad sa amin ang bulto ni Sir Rent; he's wearing his usual uniform but he's not a professor right now but a normal student.

Naglakad si Rent palapit sa grupo namin dala ang pinakamamahal niyang Ipad at hinarap ang lalaking nambastos sa akin.

"Now, Mr. Domingo, can you answer me if I told you how much her price in exchange of your life, would you accept?" Pag-uulit pa ni Rent.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon