Game 62: Goodluck

28 4 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Ito ang unang beses na mapadpad ako sa China at sa tingin ko magi-enjoy kaming lahat dito kahit na wala kaming maintindihan na lenggwahe sa paligid at puro noodles ang nakikita namin.

"Alright guys, settle down now and we will go to the nearest hotel where your game is held." Ani ni Senri na mukhang mataas ang energy.

Sumakay si Perth sa passenger seat at si Yakuji at Senri naman ay pumasok sa loob at pinili nila ang upuan na nasa likuran namin. Nang sumara ang pinto ng van, sumandal ako sa bintana at tulalang napatitig na lamang sa labas.

Mga nagtataasang gusali at mga magagandang tanawin ang nadadaanan namin na parang dinadala kami sa ibang dimensyon. Kung nandito lang ang pamilya ko, tiyak na matutuwa sila sa nakikita ko ngayon.

"Gusto mo?"

Napalingon ako kay Bugoy at may hawak itong malaking chichirya kaya naman kumuha ako.

"Ang tahimik mo, okay ka lang ba?" Dugtong pa nito.

"Tanga mo naman. Kita mong hindi makapagsalita si Fumiko, malamang tahimik talaga 'yan." Sabat naman ni Aries.

Nginitian ko lang ang dalawa at saka kami kumain ng chichirya na dala ni Bugoy. Wala kaming ideya kung saan kami tutuloy at isa pa hindi pa namin napupuntahan ang arena kung saan kami maglalaro.

Makalipas ang ilang minuto, may bumulagang bote ng mineral water sa gitna namin ni Bugoy kaya naman sabay kaming napalingon. Ang kamay ni Yakuji ang may hawak no'n pero ang atensyon niya ay nasa kay Senri na tila may pinag-uusapan silang dalawa.

Nagkatinginan pa kami ni Bugoy at saka niya kinuha ang mineral water.

"That's for Fumiko, Bugoy. Give it to her." Rinig naming sambit ni Yakuji.

Umangat ang katawan ni Bugoy at hinarap si Yakuji nang may pang-aasar.

"Hindi ako kasali? Nauuhaw din naman ako." Ani ni Bugoy.

"Edi sana bumili ka bago ka pa kumain. Ni hindi ka nang-alok." Sabat ni Asher na nakaupo sa pinaka dulo ng van katabi ang ilan pa naming kasama.

"Ay nagtampo ang Abo. Gusto mo bigyan kita ng uling?" Pang-aasar pa ni Bugoy.

Napailing na lang ako at inagaw ang bote ng tubig kay Bugoy at saka sumenyas ng pasasalamat kay Yakuji. Binuksan ko ang mineral water at saka ako uminom doon.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan at nasa tapat na kami ng isang hotel kaya naman binuksan ni Aries ang pinto at saka ito naunang bumaba. Inilagay ko sa bag ko ang tubig at saka ako sumunod sa pagbaba ni Bugoy.

Tumambad sa amin ang mataas ng building at tila napakarangya ng lugar na 'yon. Naunang naglakad si Kuya Jobert kasunod si Kuya Chase, Kuya Marion, Ate Alessa, Ate Mika, Asher, Astaroth, David, Senri, Perth at Yakuji. Sumunod naman kaming tatlo nina Bugoy hanggang sa mapadpad kami sa reception area ng hotel.

"Three bedrooms please?" Ani ni Senri ss dalawang babaeng nasa reception area gamit ang salitang hindi namin maintindihan.

Mukhang kinilig pa ang dalawa dahil isang Senri Kurusaki ang nasa harapan nila. Agad silang kumilos at may binigay silang tatlong key card at may pinapirmahan kay Senri. Matapos niyang mapirmahan at mabayaran, humarap ito sa amin.

"Magkakasama sa iisang kwarto si Alessa, Mika at Fumiko. Sa pangalawang kwarto ay sina Jobert, Chase, Marion, Aries at Bugoy at sa pangatlo ay ako, si Dezrail, Yakuji, David, Asher at Astaroth," Ani ni Senri bago nito binigay sa isa sa amin ang key card.

"Tara na."

Naunang naglakad si Kuya Jobert patungo sa elevator na agad naming sinundan. Mabuti na lamang at sina Ate Alessa pa rin ang kasama ko kaya naman nakahawak silang pareho ni Ate Mika sa magkabila kong braso.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon