Game 63: Bloodbath Bunnies

32 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
ISANG malaking arena ang siyang sumalubong sa amin nang mapadpad kami sa China, ang Shanghai E-sports Arena. Ito ang unang beses na papasok ako sa ganito kagarang gaming arena at literal na laglag ang panga namin.

"Damn, this is too big for a gaming arena." Bulalas ni Aries at tila naglalaway sa nakikita nito sa kanyang harapan. Madaming tao din ang nasa loob ng arena at mostly ay supporters ng iba't-ibang grupo sa mundo ng e-sports.

"China is one of the largest country of having a game arena for this generation." Komento naman ni David.

Tahimik lang ako nang magsimulang maglakad sina Kuya Jobert patungo sa pwesto namin sa harapan ng stage. Magkakaroon pa kasi ng maikling programa bago magsimula ang laro at hindi lang kami ang unang sasabak sa panibagong season ng Fuse Flight Dementia.

Sabay-sabay kaming naupo sa isang hilera na gawa sa metal at tahimik na nagmamasid lang sa paligid.

"She's the famous Majesty inside the Howl, right?"

"She's pretty."

"Woah! Dude, a female player. This is new?"

"Someone told me that she's dangerous inside the game."

Rinig ko ang bulongan sa paligid pero hindi maintindihan ang sinasabi nila dahil naghahalo ang mandarin at cantonese sa paligid. Maging sina Yakuji, David, Asher, Astaroth, Senri at Perth ay pawang mga tahimik lang. Sumama sa amin si Perth at Senri dahil boring daw sa hotel na tinutuluyan namin. Hinayaan na lang nina Kuya Jobert dahil sila naman ang maghahatid sa amin pauwi ng Pilipinas pagkatapos ng laro namin.

Makalipas ang ilang minuto, umakyat ang isang babae na sa tingin ko ay siyang emcee ngayong araw. Nakasuot ito ng isang backless long gown na kulay itim at kumikinang ang bids mula sa laylayan ng damit nito hanggang sa kanyang balikat.

"Alright, ladies and gentlemen, welcome to Fuse Flight Dementia. Are you all ready to winess this much awaiting match for Howl and Bloodbath Bunnies?" Nagsigawan ang mga manunuod sa loob ng arena at halos mayanig ang paligid namin.

Napangiwi pa ako dahil sa lakas ng sigawan ng mga taong nasa likuran namin. Isinilid ko lang sa suot kong jersey jacket ang mga kamay ko habang nakikinig sa host kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nito.

"Since everyone is here, may we call all the participating groups to come up the stage?"

Tumayo mula sa kinauupuan nila si Yakuji, David, Asher, at Astaroth at akala ko aakyat na sila pero nanatili silang nakatayo kaya naman napatingala ako at nagsalubong ang kilay ko dahil nakatingin silang lahat sa akin.

"You should go with us, Fumiko,"

Kahit nagtataka ako sa sinabi ni Yakuji, marahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko at saka ako sumunod sa kanilang apat. Napalingon pa ako kay Kuya Jobert pero nag thumbs up lang ito.

Limang grupo ang nauna sa ibabaw ng stage at panghuli kaming umakyat. Halos nagbubulongan pa ang iba nang dumaan kami lalo na sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin.

Tumayo ako sa gitna ni David at Yakuji nang humarap kami sa tao at halos masilaw ako sa liwanag ng spotlight na siyang nakatutok sa gawi naming lahat.

"Please all welcome the players, from Knock Out, DGQ, YF Esports, Hoods, Bloodbath Bunnies and Howl!" Malakas na sambit ng Host.

Hinawakan ni Yakuji at David ang makabila kung kamay at saka nila ako hinila para tumungo kaya naman sinunod ko na lang. Nang umayos sila ng tayo, ginaya ko na lang din at saka nag-exit ang lahat sa ibabaw ng stage.

Nakasunod kami sa Bloodbath Bunnies nang lingunin kami ng isa sa mga players nila.

"Hello, Majesty. I hope we had a good fight." Ngumiti pa ito sa akin na akala mo matagal na kaming magkakilala kaya tinanguan ko na lamang ito at saka kami lumihis para pumunta na sa aming designated rooms.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon