CHAPTER 54

30 1 0
                                    

KASALUKUYAN ko ngayong sinusuklay yung maliit kong buhok na hanggang balikat nalang ang haba nito.

Paunti-unti na siyang nalalagas ayoko pang magpakalbo ng tuluyan hangga't hindi pa nila alam yung kondisyon ko.

"Kailan ko ba sabihin sa kanila ang totoo?"tanong ko sa sarili ko.

Napitlag ako no'ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Anong totoo? May tinatago ka ba sa amin?"magkasunod-sunod na tanong nito sa akin. Hindi ko magawang makapagsalita.

"Kuya Lerk."nanlaking mata kong sabi." Bakit hindi ka kumatok bago pumasok?"

"Kumatok ako at parang hindi mo ata narinig yung pagkatok ko, kaya pumasok na ako."lumapit ito sa akin at hinuhulog ko naman yung mga buhok kong nalalagas sa sahig. "Anong kailangan naming malaman mula sa'yo?"

"Kuya."Wala akong matinong maisagot sa kaniya.

Naghahalo na yung nararamdaman ko, sakit sa sarili kong puso at nasasaktan ako para sa kanila.

"Tell me what you hide for us!"napasigaw ito sa akin ngayon ko lang ulit nakitang ganito ka galit si Kuya.

Napayuko ako at nag-uunahan na naman yung mga luha ko. "Kuya, bilang na po yung buhay ko dito."napahagulgol ako.

Natigilan ito sa sinabi ko at muntikan ng mawalan ng balanse sa sarili. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa.

"Kailan mo pa nalaman ito?"walang emosyon nitong sabi sa akin pero ang mas masakit pa no'n yung umiiyak siya na walang kahit anong emosyong mababasa sa kaniyang mga mata.

"Noon pa, ayokong sabihin sa inyo dahil-"natigilan ako dahil sumisigaw ito.

"Kailan mo pa gustong sabihin kapag wala kana! Kapag wala ng, Lollie, sa harapan namin para magsalita!"

Umiyak lang ako ng umiyak sa harapan niya, huminahon naman ito at. " Kapag patay ka na."

Napahagulgol ito, ang sakit kapag mismong kapatid mo yung umiiyak na sa harapan mo. Mas lalo lang akong nanghina ng pumasok lahat yung kapatid at mga magulang namin.

"What happening here? Narinig naming may sumigaw."tanong ni Kuya Lenard.

Nanatili namang tahimik yung mga magulang namin, at alam kong alam na nila yung nangyari.

"Mawawala naman yan diba?"parang batang tanong sa akin ni Kuya Lerk, at napabaling naman lahat sa kaniya yung iba ko pang kapatid na nagugulohan sa nangyari.

"Dude, ba't ka umiiyak diyan."natatawa pero may kabang sabi ni Kuya Louie. "Shit! Can you please tell us, what happening here!"

Humarap ako sa kanilang lahat, tinignan ko sila isa-isa. "Hindi ko alam paano simulan ang lahat pero, I'm really sorry for not telling this condition I have right now. . .Kuya, I'm dying."

Umiyak na naman ako, napaupo ako dahil sa paghihina. Hinang-hina na yung puso at utak ko ngayon.

"Kuya, ayoko pang iwanan kayo!"galit ako, galit ako sa sarili ko. Hindi ko na magawang punasan yung mga luha ko dahil bumuhos na talaga yung emosyong meron ako.

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED/Under edited)Where stories live. Discover now