CHAPTER 4

11 1 0
                                    

Koa's POV

Nanginginig na ang buong sistema ko dahil sa kaba, habang itong si Mikhael, wala lang, pakalma-kalma lang ang bwesit. Mawawalan pa ata ako ng scholarship dahil sa lalaking ito.

"Ano naman ang pumasok sa isip ninyo . . .", tinuturo pa kami ni Dean. "at nagawa ninyong gawing playground ang labas ng office ko?", may diin na pagpatuloy niya.

"D-Dean k-kasi po . . .", magpapaliwanag na sana ako

"Hush! Shhh . . .", pagpatahimik niya sa akin  Nag-aalala na talaga ako, hayop ka Mikhael!

"Nabasag ninyo ang isa sa pinakalumana, pinakamaganda at napaka-rare na vase sa buong mundo. Binili ko pa 'yang ng 30 million dollars sa US, tapos . . .", pinakita niya sa amin ang basag-basag na piraso ng vase. "Binasag niyo lang! Dios mio, mga hijo."

Mas nanginig pa ang sistema ko sa perang narinig ko. 30 million dollars para lang sa isang vase!? Abay, ilang bigas at ilang tao na ang mapapakain nun! Gusto ko pa sana mag-explain kaso nagsalita ang gago.

"Send me your band account, Sir. I'll pay for the vase.", walang reaksiyon niyang saad kay Dean. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay tinaasan lang ako ng kilay.

"Mikhael . . . ayaw kong bayaran niyo ang vase. Dahil kahit anong bayad ay hindi na ako makakabili ng gano'n, because that's the one and only old vase in the world's greatest history.", explain naman ng Dean kay Mikhael.

Hindi na ako nakapagpigil at nagsalita na. "E-Eh, s-sir . . .", lumunok ako. "A-Ano po'ng gusto ninyo namong g-gawin?", tanong ko.

"Hindi ko na kayo pipilitin sa contest. Kukuha ako sa ibang section for the contest but, I want you two to be a partner sa isang project for school gathering this coming next next week. Mikhael, Koa . . .", tinuturo niya pa kaming dalawa. "Kayo ang gagawa ng program and project for the gathering. Kayo ang magiging lead, okay?", nakangising saad ng Dean. Kumulo ang dugo ko.

"S-Sir, partnert? siya?", tinuro ko si Mikhael. Tinaasan naman ako ng kilay ng lalaki.

"Exactly, Koa my hijo. You and Mikhael will be partners for this project to lead the gathering. You have enough time and I expect a best outcome. It's all set, hm?", pumapalakpak pa ang Dean kaya mas sumama ang timpla ko kay Mikhael. Nag-smirk naman sa akin ang lalaki kaya mas nainis pa ako.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala, pero baka madagdagan pa ang kasalanan ko sa school na 'to. Sa dinami-dami ng tao, siya pa? Talagang kunchaba ng panahon ang taong ito. Nakakayamot!

"Whatever tantrums you're going to throw, his decision will be final.", rinig kong saad ng lalaki. May pang-iinis sa tono ng boses niya kaya hindi ko na lang siya nilingon.

Naglakad ako ng naglakad pero napahinto ng may humawak sa braso ko, masama ko namang nilingon ang lalaki.

"Ano na naman ang gusto mo?", galit kong turan sa kaniya.

"You're so ugly when you're mad.", walang reaksiyon niyang saad sa akin at sinamaan siya ng tingin. Hayop na . . .

"Let's talk after the class.", sabi niya sa akin.

"Makautos ka akala mo kung sino. Sabi nga ng Dean diba? We have enough time. May lakad ako mamaya.", galit kong saad.

He rolled his eyes. "Fine.", saad niya at binitawan ako. Nauna na akonv maglakad pabalik sa room. Nasa likod ko naman si Mikhael.

"Bakla!!!", rinig kong sigaw ni Heart at Frinn pero inunahan na sila ni Leigh.

"Ilay, ayos ka lang? Ba't daw kayo pinatawag?", kaagad na tanong ni Leigh sa akin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman, napangiti ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

[AES1] Loving Him  Where stories live. Discover now