34

6 5 0
                                    

CHAPTER 34
Sinco Time Pt. 1

Plano ko sanang matulog maghapon ngayong sabado pero alas-sais pa lang ng umaga ay nagising na ako dahil sa ingay galing sa labas. Sinubukan kong takpan ng unan ang tenga ko pero wala pa ring epekto.

Huminga ako ng malalim bago tumayo lumabas ng kwarto, na hindi ko na lang sana ginawa.

Sinco. Oo, dahil andito kaming lima. Nasa living room sila at tumigil sa pakikipagkulitan sa isa't-isa nang makita ako. Sinamaan ko sila ng tingin at tumalikod na walang binibitawang salita. Nagtungo ako sa c.r upang maghilamos at mag-toothbrush.

Rinig ko silang nagsisisihan sa labas kaya napairap ako sa hangin. Pinipigilan ko lang ang sarili kong sumabog sa pagkairita dahil hindi ako natutuwa. Aware naman siguro silang may natutulog pa!

“Uy, good morning!” bati sa'kin ni Micay paglabas ko.

Tinanguan ko lang siya at nagtungo sa ref para kumuha ng freshmilk na iinumin. Kaaga-aga, badtrip!

I know they're aware that I'm keeping my distance from ZL. They already know what happened between us, and I've asked them to let me know if they're going to bring him around so I can prepare myself and my emotions.

Hindi ko naman mamasamain pero kung bigla-bigla na lang nila siyang isusulpot, jusko rurupok ako. Okay lang sa'kin mag-stay as friends kami, pero siyempre hindi naman mawawala ang awkwardness.

“Ingay niyo kasi! Ayaw niya yung nagigising siya sa ingay!” rinig kong saad ni Akon.

“Ikaw nga 'tong nauuna!” si Brix naman ngayon.

“Uh, I'm sorry if nagising ka namin. Pumunta sila rito kasi nag-aaya sila mag-unwind sa Visca. Masyado raw stressful ang nangyayari.” Kamot ulo si Micay habang kinakausap ako.

Visca? Sa may campsite 'yon, ah?

“Ngayon?” curious kong tanong.

Tumango si Micay. “No worries at all kung hindi mo trip. Sabihin ko na lang na maiwan na tayong dalawa. They can handle theirselves naman.”

“Sige lang.” Bumuntong hininga ako. “Siguro hindi ko na talaga siya maiiwasan. Lalo na nasa iisang circle tayo.” Dismayado kong sabi.

“You don't have to make iwas naman, Nola. Kapag lalo mong iniiwasan, mas lalo kang nagiisip. Nagiging komplikado lang ang lahat.” Advice niya at iniwan ako sa kusina.

Bahala na. Hindi ko rin alam saan patungo 'to. Gustuhin ko man bawiin ang sinabi ko kay ZL, hindi ko na mababawi dahil baka nasa process na siya ng pagmo-moveon.

Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana ng sasakyan habang nasa byahe. Nasa gitna si Micay at sa kabilang gilid naman si ZL. Si Brix ang nasa shotgun seat habang si Akon ang driver namin.

“Okay ka lang diyan, Karm? Napapagitnaan ka ng dalawang pusong sawi.” Salita ni Brix sa harap kaya nagtawanan sila ni Akon.

“Gago ka, kita mong nagmomove-on sila!” gatong ni Akon.

“Hayaan niyo na nga sila!” awat sa kanila ni Micay pero kita pa rin sa harap na humahagikhik si Brix kaya sinipa ko ang likod ng upuan niya.

“Sorry na nga, Nocie! Patugtog na lang tayo!” ani niya at nagtingin ng kanta sa cellphone.

“Enchanted by Taylor!” suggest ni Micay at nag-agree naman sila.

Nagsimula silang magkantahang tatlo habang kami ni ZL ay tahimik lang sa gilid. Todo birit pa si Akon at Brix na pumipiyok kaya hindi ko mapigilang matawa.

Seeking the Wellspring of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon