Epilogue

71 4 3
                                    

Epilogue

The most beautiful hello, holds the hardest and most painful goodbye.

Omniscient

A casket adorned with variety of flowers she loved, and photos she treasured was resting at the edge waiting to finally descend. Tears are flowing nonstop, Fabio didn't even shed a tear sa mga araw ng burol maging ngayong ililibing na ito, hindi man ito lumuluha ngunit ramdam ang paghihinagpis n'ya. Raki hugged Frett and Aldie in her arms tightly as she prays for her peaceful departure from the earthly realm.

Amari was held by her great-grandfather, on his side, Falco was standing just staring blankly at the casket. Nasa tabi rin nila si Benjamin na humahagulgol sa iyak. Nagpabitaw si Amari at nilapitan ang kanyang pinsan saka ito niyakap.

"Stop crying na Benj... At least, at least hindi na s'ya mahihirapan at mapapagod diba?" Saad nito. Yumakap lang pabalik si Benjamin sa pinsan n'ya.

"Ipagdasal natin ang payapa n'yang paglisan. Tinatawag ko ang lahat ng kapamilya n'ya upang basbasan..."

Wala ni isa sakanila ang gustong lumapit. Hanggang sa binuhat ni Fabio ang anak n'ya at kinuha ang holy water na binibigay ng pari. Lalong bumuhos ang iyak ni Benjamin nung iabot sakanya ng ama n'ya ang bote matapos nitong wisikan ng holy water ang casket. Napatakip si Raki sa bibig n'ya upang hindi marinig ang kanyang paghikbi. Nagmamasid lang si Hugo na nakasalamin sa gilid at si Koda, hindi namalayang may luha ng tumutulo sa mga mata n'ya.

Sa ginawa ni Fabio, nagsunod sunod na sila. Lahat ng naroon ay binigyan ng huling pagkakataong mabasbasan ang casket. Niyakap ng mahigpit ni Fabio ang anak n'ya. Noong oras na para ibaba ang casket, kumawala si Benjamin sa pagkakakarga sa ama n'ya at yumakap sa casket. Fabio's heart broke seeing his son mourning.

Yumuko lamang si Fred, Felix didn't want to look at the casket descend on the ground. Pero hindi nakayanan ni Felix, tumakbo din ito at yumakap sa kabaong. Mayroong mga hindi nakayanan ang hinagpis nila kaya nilapitan nila ang mga ito.

"Anak? Anak listen to Mummy ok?" Lumingon si Benjamin sa likod n'ya.

"Si Lola... Si Lola nahihirapan na s'ya anak. Hindi na kaya ng katawan ni Lola. Amari is right, at least hindi mo na makikitang nahihirapan si Lola diba?" Yumakap ng mahigpit si Benjamin sa Mama n'ya. Nilingon ni Rowena si Fabio, pinalapit n'ya ito sakanya. Hindi pa rin ito umiiyak hanggang ngayon.

Tumabi sila at pinalapit ng lolo nila si Hugo sa casket nang mapansin na mula noong namatay ang itinuring na n'yang ina ay hindi pa ito lumalapit.

"Falco apo, pakiantabayanan si Hugo," bilin ng Lolo nila. Matagal ng tinanggap ng Lolo nila ang kalagayan ng asawa nito mula nung naratay s'ya. Kung kaya't hindi na ito gaano naging emosyonal, ang iniisip na lamang nito ay magiging maginhawa na rin sa wakas ang pakiramdam ng kanyang pinakamamahal na babae sa buong mundo.

Ang bawat hakbang ni Hugo ay kalkulado, ayaw nitong makaagaw ng atensyon lalo pa't pakiramdam n'ya ay wala naman s'yang karapatan sapagkat inampon lamang s'ya. However, Falco told him to loosen up.

"Lapitan mo si Grandma. Siguradong hinahanap n'ya ang bunso n'yang anak," bulong ni Falco kay Hugo. Habang papalapit ito, tuluyan itong tumangis. Naiyak din si Rowena, agad namang inabutan ni Kaida ng panyo si Hugo na tinatago pa rin ang paghihinagpis n'ya. Tinatapik tapik lang ni Falco ang balikat nito.

"Ma... Labis labis ang pasasalamat ko at binigyan nyoko ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Kayo ni Papa," bulong ni Hugo at tuluyang yumakap, hindi lamang sa casket, kundi sa mismong katawan nito.

She Conceived A Morgan's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon