Chapter 10
Binigyan ako bakanteng k'warto ni sir. Since may pamalit ako ay nagpalit na ako bago ako nanood ng iilang clips sa reels sa Facebook account ko. Dahil sa pagod na pagod ako kanina medyo nahihirapan ako magpaantok. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng pagkatok.
Tumambad sa akin si sir. Nakashorts at sleeveless shirt. May bitbit na Tupperware na ikinataas ng kilay ko. Lumabas na naman ang kaputian niya sa suot niya.
"Eat this. Sorry ito lang meron eh."
Sinilip ko ang laman noon at nakitang adobong baboy iyon at kanin. Napakamot pa siya sa likod ng ulo niya kaya medyo natawa ako.
Favorite ko na ata ang adobong baboy.
"Eh... salamat, sir. Hindi naman ako mapili sa pagkain."
Kinuha ko na iyon. Nang hindi pa siya kumikilos ay hindi ko tuloy alam ang gagawin. Ang awkward parati kapag kaming dalawa lang talaga. Hindi ko alam kung bakit.
"Sir?" takang tanong ko.
"Rest well, Palm."
Dali-dali siyang tumalikod at naiwan na akong mag-isa. Nalilito akong isinara ang pinto saka na kinain ang inihatid niyang pagkain. Kaagad na tumawag si mama para masiguro kung nasaan talaga ako.
Matapos ko makakain ay doon na ako talagang nakaramdam ng antok. Wala na eh... busog na ako.
Nagising ako kinaumagahan na mataas na ang sikat ng araw. Matapos ko maiayos ang gamit ko at makuha ang pinagkainan ko ay lumabas na ako. Nakita ko naman ang lobby kung saan may nag-istay kaya doon na ako magtatanong kung nasaan si sir.
"Nasa labas po si kuya. Naglilinis po ata ng sasakyan."
Tumango ako sa medyo bata na nagbabantay.
Pagkalabas ko sa compound ay doon ko nakita si sir. Topless at basang-basa habang naglilinis ng wangler. Hindi ko alam kung bakit pati siya ay basang-basa eh hindi naman siya ang pinaliliguan.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gawi niya. Ilang minuto akong nanatiling nakatayo at nanonood habang naglilinis siya. Doon ko lang napansin ang puti niya pala talaga. Hindi man gaano katikas ang katawan niya pero sakto lang. Masyado talagang seryoso ang mukha niya na akala mo may napakaimportanting ginagawa.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakamasid sa kaniya hanggang sa magawi sa akin ang tingin niya. Doon siya napaayos ng tayo kaya nagkunwari akong inayos ang sintas ko bago ako nagtungo sa gawi niya.
"Good morning, sir."
"Just a minute, Palm. Patapos na rin. Sabay ka na sa amin magbreakfast."
Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Masyado na akong nakakaabala kaya nahihiya na ako. Saka ang awkward talaga kapag nakakasama ko siya. Pati kasi ako nahihiya.
"Okay lang, sir. Sa bahay na lang."
"A minute, Palm."
Tinalikuran na niya ako at mukhang walang balak na paalisin ako.
Habang nasa hapag kami kasama ang pamangkin niya ay para akong namamahay. Ang awkward kasi. Hindi naman dapat ako namdito at kagabi pa talaga ako nahihiya.
Sana pala talaga sumama na lang ako kina Zayn. Hindi sana ganito kahirap gumalaw.
Hindi ako makagalaw ng maayos dito sa harapan ni sir.
Nakakaba.
Hindi ko nga alam kung bakit din ako kinakabahan. Ang tahimik nila. Pati ang pagtunog ng plato ay kinakabahan ako. Masyadong mahinhin ang galaw nila. Feeling ko once na tumama ng malakas ang kutsara sa plato ko ay iyon ang siyang magiging ingay aa buong kabahayan.
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand