Chapter Three
Kanina pa ako nakahiga. It's already 5am and I need to get up to help Nana prepare breakfast. It's been two weeks since Eloisa's debut. Pero hindi ako masiyadong nakatulog kagabi dahil sa isang text.
I got messages from my mother and brother. But before I could open their messages, a message from an unknown number popped up.
Unknown Number:
Hey. This is Pia's brother. Is the offer still up? Don't worry, the salary is pretty tempting. But I need your approval first.Napatulala ako. Seryoso ba talaga?
Tumulong ako kay Nana sa kusina. Naunang bumaba ang mga amo namin. Madam Eliana stopped sipping to her cup of coffee when she noticed me.
"Ah. It's been two weeks but I didn't have the chance to thank you, Hanie," nakangiting sabi nito.
"Po?" nalilitong tanong ko.
"For helping Eloisa, I mean. Nasabi niya sa'kin na tinulungan mo siya."
Ang ibig bang sabihin, alam niyang hindi effective ang private class ni Eloisa?
Ngumiti ako kay Madam. "Masaya po akong matulungan siya, Madam."
"I know my daughter, Hanie. Suplada at maarte. I was shocked that you two have been friends." umiling ito.
Sasabihin ko kayang bago ang kaarawan lang din niya kami naging magkaibigan?
"Pakigising na lang siya, Hanie. She has to go to university today for her enrollment."
Papunta na ako sa kwarto ni Eloisa ngunit hindi na yata kailangan.
"Magandang umaga, Eloisa," bati ko.
"Morning," tamad na sagot nito.
"May problema ba?" tanong ko. Sabay kaming naglakad pabalik sa dining area.
"Wala naman. I'm just too lazy to get up this early."
"Alas otso na, Eloisa," I pointed to the huge wall clock.
"Yeah, and that's early, babes." Napailing ako sa sagot nito.
"Ano'ng kukunin mong degree program? Nasabi ng Mommy mo na pupunta ka sa university para sa magenroll," tanong ko.
"I'll take BA. Ikaw? Saan ka magaaral?"
"Sa USL," sagot ko. Tapos na ang admission sa USL (University of San Lorenzo). I was enrolled last week. Naipasa ko naman ang gustong degree program. I took Elementary Education. It was my first choice.
Matapos ang umagahan ng pamilya ay pinakiusapan ako ni Madam na kung pwede raw ay samahan ko si Eloisa sa university kung saan siya magaaral. Wala na akong nagawa dahil si Madam na ang nagsabi sa'kin. Eloisa even clapped after hearing it. Napailing nalang ang ina at ama niya.
Nasa loob kami ng SUV nila Eloisa nang may tumawag sa cellphone ko. It was my mother. Tumingin ako kay Eloisa. She nodded to me to answer my phone.
"Ma?"
"Anak, kumusta?"
Napangiti ako. I miss my mother. I heard my brother from the background.
"Okay lang, Ma. Uuwi po ako next week dahil malapit na ang pasukan."
"Nasabi mo ba sa mga amo mo na bakasyon ka lang papasok?"
"Opo."
Napaayos ng upo si Eloisa at tumingin sa'kin, kunot ang noo.
"Sige, anak. Tatawagan ulit kita mamaya. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho," Tumanga ako kahit hindi naman niya nakikita.
"Sige po. Ingat, Ma." I heard her say the same before bidding her goodbye.

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24