"Enough, I told you just before the red line!" Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman makati.
Tinutulungan ko ngayon si Amor sa paggawa ng puto at medyo nahihirapan ako, medyo lang naman.
"I thought it's after the red line." Pagdadahilan ko.
Mayroon kasing marka ng red line iyong cup nila na pangputo para pare pareho ang sukat ng mga puto kaso nalilito ako kung before or after the red line. Madalas sa mga nalagyan ko ay umaabot sa red line, hindi before at hindi rin after. Mukhang masakit na nga ang ulo ni Amor sa akin.
"Mom, huwag mo akong sisisihin kung magkakaiba ang size ng puto. You're the one who let her help me." Sabi nito nang dumating ang Mommy niya sa kusina para tingnan ang ginagawa namin.
Dalawa pala ang kitchen nila. Naroon sa kabila ang ilan pang mga kapatid niya kasama ang mga asawa at kasintahan nila at nagluluto sila ng iba't-ibang putahe. Mayroon pa kaming kasama rito, ang Ate Coril niya na nagbebake naman ng cake. Kanina pa nga niya ako tinatawanan sa tuwing mapapagalitan ako ni Amor.
"Don't be so hard on her. It might be her first time, is it Red?" Nakangiti pa rin sa akin ang Mommy niya.
When Amor told me na baka siya pa ang ma-out of place kung dadalhin niya ako rito, she really meant it. Ang layo naman kasi ng ugali niya sa ugali ng pamilya niya. And when I asked her why? She just told me she's so tired of all the noise in their house, she decided to be quiet. Like, wth?
"Opo Tita, first time ko tapos inaapi ako ng anak niyo." I even pouted.
"See? You've been doing this since you were 7, what did I tell you if some people don't know how to do the things you can do?" At nagsimula na ngang magsermon si Tita.
"Be patient in teaching them and if they still can't do it, do it instead. So am I allowed to use the latter method now?" Bored na tanong ni Amor.
Napaawang naman ako sa sinabi niya bago nilingon si Tita. Hindi ko tuloy alam kung mabuti ba o masama iyong tinuro niya sa anak niya.
"Oh right. Halika rito Red, sumama ka na lamang sa akin."
Naghugas ako ng kamay bago sumunod sa Mommy ni Amor. Naupo kami sa upuang magkaharapan na napapagitnaan ng maliit na bilog na lamesa rito sa garden nila.
"You know what? It's the first time Denise brought a friend here. I've always told my children to bring their friends here lalo kapag ganitong may mga okasyon. Tho, I understand that holidays are for family pero kung may pagkakataon ay gusto ko talagang matao rito sa bahay." Kaya pala nag-anak sila ng pito. Syempre naman hindi ko sinabi iyon.
"Bakit po?"
"Alam mo Red, kung tutuusin ay hindi sapat na maraming tao rito sa bahay. Mas buhay ang bahay kung maayos ang samahan ng mga tao rito. That's my goal when I married my husband. I want a big and happy family. Medyo sumablay lang ako nang kaunti kay Denise at hindi yata namin nahawaan ng kakulitan." Tumawa ito nang bahagya.
"Mukhang ang saya nga po ng pamilya niyo."
"I don't wanna ask further regarding your reaction but you are always welcome here to join our happy family." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"Oh bigla kong naalala, hindi kami totally sumablay sa makulit and happy genes namin kay Denise." Tumawa siya at halata ngang may naalala.
"May makulit na side din po siya?" Sinabayan ko ang tawa niya dahil iniimagine ko ang makulit na side ni Amor.
"Oo. She may act cold, has a bad temper and all but it all fades when she's sleepy." Natigilan ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita agad.
"She's like drunk when she's sleepy, parang naiwawala niya ang composed and cold self niya..." She giggles before continuing, "...kaya nagiging malambing at makulit siya kapag inaantok siya."
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomanceRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)