Chapter 39

13 4 0
                                    

Kabanata 39: Happiness

“Lize iha...gising na at may pasok kapa” naalimpungatan ako dahil sa pamilyar na boses na gumising sa akin.

I slowly rub my eyes at nang tuluyang maka adjust ang paningin ko ay kaagad na bumungad sa panigin ko si Nanay Emelda.

Nakauwi na kami? At bakit si nanay Emelda ang kaharap ko? Nasaan ba ako?

I roamed my eyes around at kaagad nanlaki ang mata ko dahil hindi pamilyar sa akin ang silid na ito. Nasaan ba ako?

“Nasa kwarto ka ni Xander iha kaya huwag kang kabahan at saka sa guess room natulog ang binatang iyon” nakangiting ani ni nanay Emelda sa akin dahilan upang matauhan ako at dali-daling inayos ang mukha at buhok ko.

“M-magandang umaga po” bati ko at nginitian niya naman ako.

“Uuna na ako sa baba Lize, nagluluto na roon si Xander ng umagahan. Maghanda kana muna bago ka bumaba ha?” sambit nito at inayos ang hinigaan ko bago siya nagtungo sa pintuan.

“Alis na ako Lize, tumawag ka lang kung may kailangan ka. Nasa closet ang uniporme mo at naroon na rin ang tuwalyang gagamitin mo” dagdag na tugon nito na ikinangiti at ikinatango ko.

“Opo, salamat po” tugon ko pabalik bago tuluyang umalis si nanay Emelda.

I immediately grab the nearest mirror na nasa table sa gilid ng kama at sinuri ang mukha ko.

Nanay pa naman iyon ni Xander nakakahiya, gulong-gulo ang buhok ko at ang oily ng mukha ko. May muta ring natira huhuhu naku naman!

I immediately went to the closet na sinasabi ni 'nay Emelda kanina at kinuha ang tuwalya mula roon saka ako nagtungo sa banyo upang maglinis na.

Pagkababa ko ay naka-ayos na ako't lahat-lahat dahil ayaw kong makaabala masyado.

Naabutan ko si nanay Emelda sa sala na nunuod ng telebisyon pero nang makita niya akong pababa ay pinatay niya rin naman iyon at nagtungo sa akin.

“Nasa kusina si Rolly at Xander iha, naghahanda sa almusal. Halika na? Ibaba mo muna yang bag mo sa sofa” nakangiting sambit nito na sinunod ko naman bago kami tumuloy patungong kusina.

Naabutan naming naghahanda na ng kubyertos ang magtatay habang nagk-kwento si 'tay Rolly ng buhay nila ni 'nay Emelda bilang mag-asawa kaya bahagya akong nailang.

Bakit naman buhay pag-aasawa ang pinag-uusapan nila?

When Xander saw me ay marahan niyang inilapag ang plato at kubyertos na hawak-hawak niya at saka nagtungo sa akin.

He encircle his arm around me at dinampihan ng maliliit na halik ang noo ko na nagpangiti na lamang sa akin at saka ko pinulupot ang braso ko sa leeg niya.

“Good morning baby, kain na tayo para makaalis tayo ng maaga?” he muttered at nakangiti naman akong tumango at hinalikan ang pisnge niya.

“Hmm, good morning rin” bati ko pabalik.

Hahalikan na niya sana ako ulit ngunit bigla na lamang kaming nakarinig ng tikhim sa likuran na dahilan upang mapalayo kami sa isa't isa.

Parehas kaming napatingin kina nanay Emelda na inaalayan ni tatay Rolly paupo.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya. Gago, akala mo naman kaminh dalawa lang huhuhu naku naman!

“Umupo na tayo” marahang sambit ni Xander at hinigit ang upuan na para sa akin upang ma-upo na ako bago niya hinigit ang para sa kanya.

We eat peacefully at pagkatapos ay si nanay Emelda na ang naghugas dahil ayaw niya akong pahugasin dahil papasok naman na daw kami.

“Una na po kami 'nay!” paalam ni Xander at nagmano kay nanay at tatay and I also did the same.

I Have Found the Almond Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon