Strings Not Too Attached 14
✧˚ ༘ ⋆。˚
Unang tumambad sa akin ang pinag halong kulay ng abo at kremang unit ni Rave. It was a manly unit. Wala masiyadong kung ano-ano ang naroon na sadyang pinanatili ang kasimplehan.
His condo unit has a furniture that is an essential to a unit. Malaking flat screen TV, mahaba at mukhang malambot na kulay abong sofa, saktong laking dining table, at iilang mga picture frames.
Hindi masiyadong kita rito ang kusina niya dahil may divider iyon sa sala. Hindi rin nag tagal at sumunod ako roon dahil doon siya dumiretso.
Imbes na gamit para sa mga gagawin namin ang asikasuhin niya, una niyang binuksan ang refrigerator niya.
"What do you want to eat? Dinner na rin," tanong niya, tumingin pa sa oras sa kaniyang relo.
Alas otso na nga, oras na ng dinner. Hindi ba siya nag dinner at kung maka aya naman siya riyan ay para siyang gutom.
"You'll cook for me?"
His brows furrowed. Para bang sinasabing obvious na nga ay itatanong ko pa. "Oo, Cadence. Hindi ka naman marunong magluto, eh."
Wow, ang yabang?
"Tanga! Ipinagmamalaki mo ba ang luto mo? Ang yabang mo, eh, pritong hotdog nga nasunog mo pa noon!"
Naalala ko na naman iyong isang beses na umuwi kami sa bahay, wala no'n si nanay. Gagawa kami ng assignment nang magsabi siyang nagugutom.
Mayroong hotdog no'n sa freezer at siya ang nag presintang magluluto. Ang yabang pa ni tanga. Tapos ayon, tangina, pareho kaming tumikim ng hotdog na sunog ang labas at frozen pa ang loob.
"People change! I'm a skilled cook now, Cadence," pagmamalaki niya.
Ang angas talaga.
"Ang yabang mo!"
Ngumisi siya, may inilabas na roong kung ano. Nagsisimula nang mag handa ng mga kawaling gagamitin. "Tikman mo muna kasi."
"Ano? Tikman ang alin?!"
Hindi ko maiwasang sumigaw. Ano ba naman kasing ipatikim ang sinasabi ng tarantadong ito?
"Ang luto ko, Cadence. What are you think—" he tilted his head and his annoyingly smirk crept into his lips. "Wait! Are you thinking... something else, Cadence?"
"Huh?"
Muntik na akong marindi nang humalakhak ito na parang tuwang-tuwa siyang marinig na nag isip ako ng kung ano sa sinabi niya. Gago talaga.
"Ano bang iniisip mo? Tikman ako?"
Natatawa pa rin siya. Nang iinis talaga.
I raised my middle finger. "Tangina mo, Verancia! Nasaan ba ang ipinagmamalaki mong mga gamit nang makapag simula na ako, ang lala mo"
"You don't want to have a taste of me?" he's really teasing me. Fuck him.
"Ulol!" sigaw ko, kahit tumalikod na.
" I'm more than willing to let you have a taste of me, Cade. Then tell me how I taste, kung pasok ba ako sa standard mo!" sigaw niya dahil nagsimula na akong bumalik sa sala.
"Kahit maging babae ka hindi ka pa rin pasok sa standard ko!" hindi ako nagpa talo.
Hindi nga ba, Cadence?
Hmmm. Ano nga bang type ko sa babae?
Hindi naman ako kasing babaero ni Jacob, pero may mga natitipuhan pa rin. Parehong babaero si Paulo at Jacob, si Cedrix naman hindi rin nababakante pero hindi ganoon kahayok.
![](https://img.wattpad.com/cover/370771107-288-k858197.jpg)
YOU ARE READING
Strings Not Too Attached
FantasyBL story. (UNEDITED VERSION) Raven x Cadence COMPLETE Sweet Serenade Series #1