Chapter 02

1.2K 71 29
                                    

Chapter Two

Pagtapos kong bendahan 'yung paa ko, napansin kong ikot ng ikot 'yung lalaki sa loob ng kwarto. Tinitignan niya 'yung mga gamit. Halos mabasag niya 'yung snow globe na paper weight ko sa lamesa sa sobrang curiosity niya dito. Nagliparan tuloy 'yung mga reviewers ko sa sahig.

"Ano ka ba!" Ang lakas ng sigaw ko. Inayos ko na kasi chronologically 'yung reviewers tapos papaliparin niya lang! Napatayo tuloy ako para agapan 'yung paglipad pa ng iba.

"Ack!" Nakalimutan ko na naman 'yung paa ko. Nai-tapak ko ng madiin out of impulse.

"Mag-ingat ka naman, babae."

Babae? 'Yun talaga tawag niya sa'kin? And for the record, nasalo niya pa ako bago ako makanto sa gilid ng kama kahit na nasa may bintana siya kanina. Bilis ng reflexes niya, in fairness.

"Ang sakit!!!" Pero kahit nasalo niya ako. Hindi pa rin napigilan 'yung pagsigid ng kirot sa paa ko. Isama pang asar na asar ako sa paglipad ng mga reviewers ko. "Ibalik mo nga 'yung paper weight dun!!! Pulutin mo 'yung mga papel, Paepal naman 'to, panggulo sa buhay!

"Paper weight? Paepal?" Tanong na naman niya. Para siyang gago. Kanina niya pa ako pinagti-tripan.

"Ma'am Lola!? Ano na pong nangyari sa inyo diyan? May tao ba diyan?"

Nagpanic ako. Si Manong Elmer. 'Yung isa sa mga nagbabantay dito.

"Manong Mer, Hindi po may pinapanood lang ako!!" Pagtatakip ko. Nagiikot sila sa buong resthouse in a designated time para bantayan ako. Mabuti nga at hindi namin sila nasalubong kanina habang iniaakyat ako ng lalaking 'to. Wait. Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi ko pa rin siya sinusumbong. Anak ng tokwa. Naging instinctive ang pagtatakip ko sa presensya niya.

"Ah, sige ho." Mabuti at naniwala si Manong Mer sa labas.

Jusko. Ano ng nangyayari sa buhay ko?

"Lola? Lola ka na?" Maya-maya'y tanong nung lalaki.

"Shh!" Gusto ko siyang batukan. Nang makaalis na si Manong Elmer at maramdaman kong nawala na 'yung mga yapak niya sa labas ng kwarto, tska ko tinuloy paghampas ko sa kanya. "Bobo ka ba? Lola, pangalan ko 'yun!"

"Lola, pangalan?" Mukha pa siyang nagdududa.

"It's Low-luh. Okay? Hindi lola." I corrected him. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpapauto ako sa pagpapaka-inosente niya.

"Sabi kaya 'nung lalaki sa labas lola."

Sumasakit ulo ko!

"Lotus Lauren kasi. Eh ang sagwa ng pangalan ko kaya Lola!"

"Pano naging Lola 'yun?

Facepalm po.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya hanggang sa mag-ring 'yung phone ko. Bigla na lang siyang nagulat na akala mo takot na takot sa tunog.

"Ano yan? Isang sumasabog na bagay?!" Ang laki ng mga mata niya nang makita 'yung cellphone ko na umiilaw-ilaw. Tumatawag si daddy. Mangangamusta. Nakatayo na 'yung lalaki na parang sasabog nga 'tong cellphone ko.

"Hindi ano ka ba?!" Bomba pa more.

Sa reaction niya, malapit na talaga akong ma-convince na wala talaga siyang alam sa mundo. Namumutla na siya eh. Anong nakakatakot sa smartphone?

"Halika nga." Hinawakan ko ang kamay niya. Tumayo ako at kahit masakit sa paa, hinila ko siya sa kama. Naglakad ako ng dahan-dahan habang nagri-ring pa rin ang phone ko.

"Hwag ka maingay ha. Hwag kang gagawa ng kahit anong ingay. Sasagutin ko lang 'tong tawag." Nakahawak pa rin ako sa kamay niya. Ang cute niya! Para siyang batang ngayon lang nakakita ng telepono at natakot dito. "Poor smartphone, napagkamalang bomba." Nginitian ko siya. I can't believe I'm playing with his charades.

Loving Charlemagne BaldiviaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon