CHAPTER 11

31 13 1
                                    

A/N: Hi mga O.A! sorry if bitin, hehe don't worry hahabain ko na pag need talaga sa ngayon, intindihin nyo na muna bahala kayo diyan pag hindi nyo iintindihin charot!

Enjoy reading!💋


Zahaira Ysabel's P.O.V

Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni Ate, pasimple ko siyang sinusulyapan ngunit busy lang siya sa pagmamaneho, nung nangyari kahapon naiintriga talaga ako kung ano yung totoo, tinanong ko naman si Ate about don pero hindi  niya masagot.

"Zahaira!" Sigaw saakin ni Ate, doon lang ako bumalik sa reyalidad, napansin kong hindi na umaandar ang kotse hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa
parking lot ng AIS

"Ate yung phone ko?" Tanong ko, kanina ko pa kasi sinasabi puro siya wait ng wait!

Bumuntong hininga siya at saka binigay saakin ang phone hindi ko na siya pinasalita pa at lumabas na ko sa kotse, pagkalabas ko naman ay pinaandar agad niya ang kotse, hindi ko na siya pinansin pumasok
na agad ako sa gate at talaga namang
ang lucky ng day ko ngayon dahil
nakita ko si Mikha na papunta na sa
building, halatang halata na matamlay ito. Lakas loob ko itong hinarangan sa dadaanan niya

Nung una ay nakakunot ang noo niya ngunit ng makita niyang ako yun ay nagbago ang reaksyon niya, umiwas ito ng tingin at lalakad na sana sa kanan ng harangin ko ulit siya, need ko talagang magtanong kung paanong nangyari naging president si Jeanne.

"Zahaira!" Sigaw niya mukhang nagtitimpi na lang ng galit, ngunit hindi ako natinag nanatili akong nakatayo habang nakacross-arms,bumuntong hininga siya at saka ako tinignan "What do you need?"

"Nandaya si Jeanne alam mo ba yon?" Deretsahan kong tanong,ang akala ko ay magugulat ang makikita kong reaksyon niya pero umiwas lang ulit ito ng tingin at
saka bumuntong hininga nanaman.

Alam ba niya?

"Mikha? I need to talk to you." Nakikiusap kong sabi, tumingin ito saakin kahit napaka tamlay niyang tignan maldita pa rin siya
pag natingin well, I think that won't change anymore.

"Para saan?" Masungit niyang tanong

"About sa pagiging president..nandaya si Jeanne at—"

Pinutol niya ang sasabihin ko "I know." Matamlay niyang saad at maglalakad na sana siya ng hawakan ko ang braso niya "Ano
ba!" Inis niyang hinila ang braso niya

"Mikha? wala ka man lang ba—"

"Wala." Mabilis niyang tugon at saka siya naglakad ulit, sinundan ko siya ng tingin matamlay na matamlay ang mga kilos niya, at hindi ko tanggap ang sagot niya.

Jeanne cheated but she's not going to do anything? She's so stupid,she didn't even consider what might happen to the students. Kahit napaka sama niya ring president magaling pa rin siyang presidente, demonyong president siya pero mas demonyo yung Jeanne na yon.

Napabuntong hininga na lang ako tumaas na sa third floor, pagpasok ko sa classroom ay kaagad na kumunot ang noo ko ng makita ko
ang mga classmate kong nag kukumpulan, lahat sila ay nakalapit kay Kokoy i think may kinukwento yang ungas na yan. Napailing na lang akong lumingon kay Rei na nakatayo
na sa harapan habang nakacross-arms
na nakatingin sa mga ungas

Tsk tsk tsk ginagalit nanaman ang president.

Napangisi ako at saka lumapit sakanya, lumingon siya saakin pero saglit lang yon blanko ang mukha niyang nakatingin sa mga ungas na ngayon ay tumatawa tawa pa, tinignan ko din ang mga classmate
ko at saka nag cross-arms.

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now