CHAPTER - 27

294 3 0
                                    

WARNING⚠️: HALLA NAKANGITI CHOSS. WAG GAGAWIN KUNG MAAARI PIGILAN ANG ATING MGA KAMAY NA GUMAPANG. MGA KATHANG ISIP LAMANG ITO. AT IKAW OO IKAW ALAM KONG HINDI KA PA 18 PERO NAGBABASA KA NA NG GANITO HA -20 KA KAY SAN PEDRO.

BEATRIX

Dumaan muna kami sa isang doctor para magpa check up. Dito kami sa Rhymez Private Hospital pumunta na pagmamay ari ni Patrick.

Pumasok na kami at nakita pa namin si Patrick na may kausap na babae sa hallway agad syang lumingon ng biglang sumigaw si Xie.

"TITO" sigaw ni Xie kaya lahat ng tao dito ay napalingon sa amin

Naglakad patungo sa amin si Patrick na nakangiti. Agad niyang binuhat si Xie at nagbeso pa silang dalawa.

"Anong ginagawa niyo dito? May sakit ba si Xie?" tanong nito sa amin

"Actually naghahanap kami kung saang part dito yung OB-GYNE" saad ni Ryzer

"Oh buntis ka na? Congrats" saad niya at makikipagkamay na sana ng si Ryzer na ang tumanggap ng kamay niya kaya napangisi pa ito

"Kung naghahanap kayo ng OB-GYNE I'll recommend na si Dra. Alcantara nalang since kaibigan din sya ni Ry, diba?" saad niya na kinataka ko

"Si Frinzein ba?" tanong ko sa kanya

"Yup" saad niya

Nag usap pa sila kaunti bago kami nagtungo sa office ni Dra. Alcantara. Si Xie ay sinama muna ni Patrick para dalawin ang mga titignan niyang mga baby at bata.

Pagkarating namin sa opisina niya ay may dalawa pa syang pasyenteng naghihintay sa labas.

Lumabas na ang pang huling pasyente niya kaya sumunod na kaming pumasok.

"Oh my beloved friend Ryzer and his beloved EX wife" bati niya pagkapasok namin

"Pregnant? Grabe ka naman Ry ayaw mo talagang magpa agaw" nakakainsulto niyang biro

"We here para malaman kung ok lang ba ang baby namin and kung ilang weeks na" saad ni Ryzer na parang walang pakealam sa pang iinsulto ni Frinzein

"Oww-key Ms. Mavis humiga ka muna dyan" saad niya at tinuro ang isang higaan

Nagpunta ako doon at nasa likod ko lang naman si Ryzer na nakaalalay sa akin.

"Sweet huh but I am a bitter person" saad niya at umirap pero tumawa rin "Just Kidding baka mainsulto pa kita" ngisi niyang saad ng kami na magkaharap

My Ex-Husband Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon